FIRSTS WITHOUT LOUIS

902 76 22
                                    

Lahat ay nalungkot sa biglaang pagkawala ni Louis, lalong lalo na ang mommy, daddy, at kapatid nito.

Unang araw na gigising si Greggy na walang magtitimpla ng kape niya at walang maingay na maririnig na nagpipiano sa music room bago ito pumasok sakanyang opisina.

Unang araw na walang magpapaalala sakanya na kumain ng lunch at wag magpapalipas ng gutom. At ang unang araw na walang hahalik sa kanya at yayakap bago pumasok sa opisina.

Unang araw din na hindi niya katabi si Irene sa kwarto, pero umaasa ito na magiging maayos din ang lahat.

Unang araw ni Irene na wala na ang kanyang panganay na si Louis. Kung nood pag dilat ng kanyang mata ang bubungad sa kanya ay ang mukha ni Louis ngayon ay ang kisame at pader at mga ala-ala nalang ni Louis ang bubungad sakanya.

Mahirap bumangon par kay Irene, parang gusto nitong mgkulong ng buong araw sa kwarto ni Louis naghihintay ito kung kelan magpaparamdam ang anak.

Unang araw na napakatahimik ng bahay at walang sigla ang mga tao. Lahat ay nagluluksa sa pagkawala ni Louis.

Unang araw ni Victoria na wala sa tabi niya ang ate Louis niya.

"Good morning ate, kumusta ka dyan kasama si Lolo? Para sayo ate magiging malakas ako kagaya mo, kasi sa tingin ko ako naman ang kailangan na maging malakas para kila mommy at daddy. Don't worry ate, ako ang bahala sakanila at ikaw na ang bahala sa akin. Guardian angel kita"sabi nito habang nakatingin sa litrato nila ni Louis na nakalagay sa side table niya.

Huminga ito ng malalim at ngumiti. Nagtungo sa cr para gawin ang kanyang morning routine at bumaba na para maghanda ng breakfast.

After niyang magluto at maghain ay pumunta na siya sa kwarto ng daddy niya.

Nalungkot ito nang Makita na wala na si Greggy sa kanyang higaan, malamang ay pumasok na
ito sa kanyang trabaho.

Pero ngumiti din ito agad, unang araw palang, at kailangan hindi siya sumuko. Magpapahinga pero walang susuko.

Sumunod itong nagpunta sa kwarto ni Louis kung saan natulog si Irene.

Kumatok ito bago pumasok, lumapit ito kay Irene na nakatingin sa ceiling.

Niyakap niya ito "Mommy, let's eat na po"she said habang hinahaplos ang buhok ni Irene.

"I'm not yet hungry, mauna ka na"walang ganang sagot nito, pero hindi papayag si Victoria na hindi niya kasabay na kakain ang mommy niya.

"Mommy, sige na po. Wala akong kasabay eh"she begged but Irene ignored her

"Mommy, kain na po tayo. ayaw ni ate na nagpapalipas ka ng gutom"sabi nito habang hinihila ang kamay ni Irene para bumangon.

Napaluha si Irene nang mapagusapan nila si Louis, unang araw palang miss namiss na niya ito ng sobra.

Victoria wiped her tears"Iaakyat ko nalang po yung pagkain niyo, sorry po"she said at umalis na.

Paglabas niya ng pinto ay dahan dahang tumulo ang kanyang mga luha"Kala ko madali lang ito, hindi pala. Ate bumalik ka na, miss ka na namin"she whispered at bumaba na.

Umiiyak ito habang hinahanda ang pagkain ni Irene, hindi nito mapigilan ang sarili na umiyak.

Inihatid na niya ang pagkain ni Irene, nilagay niya ito sa side table at doon iniwan"Mommy, kung nagugutom ka po andito yung food mo, if you need something nasa kwarto ko lang po ako"she said before leaving the room.

She went to the dining table to eat her breakfast ALONE.

Habang nasa kalagitnaan ito ng pagkain ay bigla nalang itong nag mental breakdown.

LonelyWhere stories live. Discover now