Ilang araw na ba siyang di nagtetext? Isang linggo na din yata? Nakakairita na kaya! Lagi niyang sinasabing "God Bless and Good Luck" , tapos sabi niya pa na ang galing galing ko daw maglaro. Ewan ko, nasanay lang siguro ako na lagi siyang ganun. Pero naiisip ko, miss ko na din ang pagiging maalalahanin niya. Hayyyy!!!!!! Nasaan kaya siya? Di ko siya nakitang nanood ng game namin. Lagi niyang kasama si Hannah tuwing may laro kami at lagi niya akong chinicheer. Katatapos lang ng game namin, lagi naman kaming panalo! Naks! Hahaha!!! kasama ko ngayon yung pinsan kong si Nelo, inaamin kong magaling siya pero mas magaling akong maglaro ng Basketball. Huwah hahahahaha. Hawak hawak niya yung phone niya ng biglang may nagtext sa kanya,
"Wow! Congratulations Nelo! Ang galing mo talaga! Sorry, wala ako diyan para macheer ka. Babawi ako sayo. Promise!"
-GianeNakita kong ngumiti si Nelo. Di ko inaasahang ganyan siya magreact sa text ni Giane. Tinignan ko ang phone ko kung meron din akong text galing kay Giane. Nakakainis! Bakit di pa siya nagtetext? Napapansin kong parang umiiwas siya sa akin. Bakit naman kaya? Di niya ba alam na miss na siya ng kaibigan niya?
Sabi niya sa akin noon gusto niya daw makakita ng taong naglalaro ng hindi para sa kanyang sarili lamang, gusto niya daw makakita ng taong naglalaro para sa ikasisiya ng ibang tao. Sinabi din niyang, 'siguro yung taong pinagaalayan mo ng lakas ang magiging pinakamasayang tao sa balat ng lupa' sabay ngiti niya. Hindi ko alam pero dun ko naisip na ialay sa kanya ang mga laro na ginagawa ko. Nung una kong ginawa yun ay di ko pinaalam sa kanya alam kong makokornihan lang yun sa akin. Doon ko napagalam na napakasaya pala ng pakiramdam na napapasaya mo yung taong nakikita mong malungkot ang mga mata. Pero ngayon, nawawala sa tabi ko yung taong gusto kong pasayahin. Tapos, napagalaman ko pang iba na ang nagpapasaya sa kanya! Haiisstt talaga.
Tinanong ko si Nelo,
"Nelo! Gusto mo ba si Giane? Bat ka ganyan pagdating sa kanya?"
"Ui ui! Baliw! Di ako pumatapol sa lalake! kahit gaano pa kacute Si Giane di ko siya liligawan! Kaibigan ko kaya yun!"
"Bakit ganyan ka nga sa kanya?"
"Kase napapansin kong nageeffort siya para sa friendship namin. Lagi siyang nagg-gm, lagi din akong nagrereply. Sabi niya sa akin noon ang bait ko daw, lagi ko din siyang pinapansin. Lagi siyang maalalahanin kaya sa tingin mo, sinong di magkakagusto sa taong yun? Di ko sinasabing gusto ko siya ah!"
Napatango nalang ako sa sinabi niya.
Para akong natamaan sa sinabi niya. Inaalagaan daw ni Giane ang friendship nila. Eh paano ako? Di niya ba ako kaibigan?"Nelo uwi muna ako."
"Sige"
Umalis na ako. Kaya ba siya ganun sa akin kasi di niya na ako mahal? I mean mahal as a friend. Namimiss ko na siya at the same time naguguilty kasi di ko siya pinapansin kasi di niya ako kinakausap. Ayoko namang ako ang mauna. Tapos lagi siyang ngumingiti sa akin tapos hanggang ngiti lang din ako. Saka lang din kami naguusap tuwing linggo, tapos minsan hinde pa lalo na pag di kami magkatabi.
Naging kaibigan ba ako sa kanya?
O kaibigan niya ba ako talaga? Di ba ang kaibigan ay di sumusuko sa kaibigan niya kahit di niya ito pansinin? Kailangan ko siyang makausap. Hindi yung puro nalang si Nelo ang katext niya!Saan ko ba siya hahanapin?
Tinextan ko si Hannah kung nasaan sila since hapon na nakauwi na yun at kasama si Hannah sa Church."Hannah, kasama mo ba si Giane?"
"Oo Chad. Kagagaling namin sa Church, nandito kami ngayon sa bahay nila Giane."
Sabi niya."Oh sige punta ako diyan. Gusto kong makausap si Giane."