"Kayo muna ang bahala dito ah, nasa music room lang ako kapag kailangan niyo ako." nagmamadaling sabi ko bago lumabas ng room.
Dahil ngayon ay Valentine's day, may program na naman ang bawat club at isa na rito ang club namin. Song request at shout outs ngayong taon ang aming naisipan. Dumaan lang ako sa room para ipaalam na buong araw akong wala sa mga klase namin at para na rin magbilin na huwag silang magpasaway dahil ayokong mapatawag na naman sa guidance office.
Nang makarating ako sa music room, as usual, the president came early. Laging maaga talaga ang isang to, never been late even sa mga meetings ng club. In short, very committed. Two years na kaming magkasama at namumuno sa club na ito pero madalang lang kami magusap ni Lux. Studious kasi ang person.
Dumiretso ako sa table namin, he just looks at me for a second and then proceed again to what was he's doing. Naggugupit ng pangdesign para sa stage. Malaki ang ngiti ko habang naglalapag ng mga gamit ko.
"Aga mo naman lux!" pagbibiro ko sakanya nang hindi ko na mapigilan.
"Help me with this, before 7:30 dapat maayos na ang stage." seryosong sabi niya. Hindi man lang nga ako binati. Serious masyado sa paggugupit e kung siya ang gupitin ko?
Tumango ako at ngumuso, kumuha ako ng gunting at sinimulan na ngang tumulong maggupit.
Ang aga-aga ang seryoso sa buhay. Kaya naman kahit ang taas ng energy ko ngayong araw ay saglit muna akong nagseryoso para kahit papaano ay mabawasan ang mga gagawin namin. I was seriously cutting a colored paper when Lux stopped cutting the paper he's holding. He took his phone out of his pocket. Nagvibrate ata iyon kaya napansin niya. Napahinto ako sa ginagawa at tinitigan siya. He was typing on his phone, nakanguso at halatang naaaliw. Sino kaya ang nagtext sakanya at naging ganyan ang itsura niya? Ang gwapo na nga kapag seryoso tapos ang cute pa kapag nakangiti. Nag angat siya ng tingin kaya naman agad akong tumingin sa pintuan at agad din ibinalik sa aking ginugupit ang aking mga mata. Kunwari luminga lang ako saglit. Gulat ako ah!
Dahil ayoko na maulit iyon, talagang nagfocus na lang ako sa paggugupit. After a while, nagdatingan na rin ang ibang officers kaya naman napalitan ng ingay ang kaninang tahimik na room. Nangunguna sa ingay syempre si Pardon. Kung anu-ano ang sinasuggest niyang kalokahang gawin mamaya. Tawa kami ng tawa sa mga idea niya. Hindi naman nagagalit sa ingay namin ang presidente dahil sanay naman na siya sa amin. He's serious but he's not kill joy. Ngunit dapat laging may hangganan ang mga officers sa pagbibiro at mga kalokohang ginagawa.
Pagkatapos namin sa mga designs na ilalagay ay inilabas na namin ang mga ito at agad inayos sa stage. 8 o'clock ang recess ng mga students kaya may oras pa kami makapagpahinga. Ang program ay maaaring daluhan ng mga studyante kapag time ng kanilang PE class dahil iyon ang time na naipaalam ng mga clubs.
Habang naghihintay ng oras, nagumpisa na muna kaming magjamming.
" Even though it seems I have everything
I don't wanna be a lonely fool
All of the women, all the expensive cars
All of the money don't amount to you
So I can make believe I have everything
But I can't pretend that I don't see
That without you girl my life is incomplete.""Oh nice nice!" pumapalakpak na sabi ni Devon. We sing it altogether using our different voices and gladly it turns out good. Halos kabisado na namin ang boses ng isa't isa kaya naman alam na rin namin kung paano at sino ang dapat magadjust sa bawat kanta.
When it's time to start the program, nagbukas na ang bawat booth. At dahil kami ang maglilead sa pagsisimula ng event na ito, we plan to start the program with a simple performace.
Sinimulan ng aming drummer, pumasok ang dalawang magduduet para sa unang kanta. They sing "Kung 'Di Rin Lang Ikaw by December Avenue." Nang matapos sila ay sumunod na ang aming president, of course he will sing. He needs too. Lahat ay siguradong inaabangan siya na magperform. Even students in lower grade ay kilala na rin siya.
Mas lalong nagkumpulan ang mga students dahil sa pagkanta ni Lux. Pinanuod ko siyang mabuti. Kumakanta siya habang tumutugtog ng acoustic guitar. Talented sana all.
Nang matapos si Lux, hudyat na upang lumapit kami dahil ang panghuling kanta ay kakantahin naming lahat. We practice this for almost 2 weeks. A very special love.
Everyone's look so excited and having fun. Halos lahat sila pati ang ibang mga teachers ay tutok na tutok sa panunuod sa aming performance. Kaya naman nagpalakpakan ang mga estudyante at mga guro pagtapos ng aming kanta.
"Good day students, as we celebrate Valentine's Day, we would like to inform all of you that all the booths were now open. Enjoy, confess, spread love. Thank you!"
Agad nagsikalat ang mga estudyante, bunch of students also came in stage directly. Curious about our booth. Dahil si Devon at Pardon naman ang pinakamaingay sa aming lahat, sila ang inatasan ni Lux na mag emcee.
"For those who wants to request a song, hingi po kayo ng papel sa aming mga officers at isulat po ang inyong song request. Ganoon din po sa mga nais magpa shout out." si Devon.
"Feel free to request a song and shout outs everyone, wag lang request ng hug at kiss sa'kin guys, kalma lang kayo." si Pardon.
Everyone laughs because of what he said, may iba pang pinatulan ang kanyang biro na kung pwede raw ay kahit hug man lang daw mula sakanya at sa presidente.
Pumunta muna ako sa isang gilid para magcellphone. Checking my instagram account. Nagsimula na ang pagsisigaw nila Devon at Pardon kaya ang ingay na ng paligid. Ang lakas ng tilian at tawanan ng mga estudyante. Napapangiti ako kapag napapatingin ako sa crowd.
Sa kabilang gilid namataan ko si Lux na nakasandal sa pader. Hawak niya sa kanang kamay niya ang kanyang cellphone, probably scrolling. Habang ang kanyang kaliwang kamay ay nasa bulsa ng kanyang pants. May mga babaeng nasa tabi niya ngunit hindi niya man lang binibigyan ng pansin. Akala niya siguro ay naroon lamang ang mga ito sa gilid niya dahil nakikiusisa sa stage. Pero ang totoo ay gusto magpapansin ng mga ito sakanya. This guy! Sobrang gwapo eh?
Binalewala ko na lamang iyon at inabala ang sarili sa aking cellphone. Maya maya hindi ko inaasahan ang sunod na isinigaw ni Pardon. Napatingin ako kay Lux dahil don.
He looks so shocked. His lips parted a bit because of what he heard. Napahinto ang dalawang emcee dahil kahit sila ay mukhang nabigla rin sa nabasa nang marealize kung ano iyon. Nakatingin ang mga tao kay Lux habang ang mga malapit sa'king kinauupuan ay nasa akin ang mga paningin.
What? Did I heard it right? Tama ba ang pagkakashout out ni Pardon?
YOU ARE READING
Help me, love
Teen FictionWhen everything falls apart, can love help you? Which kind of love?