Aking isinalaysay sa Book 1 ng Paranormal Experience ang bata na tila'y nagpaparamdam sa akin.
Nawala lamang ito nang ako'y mapadpad sa ibang bansa.
Maari nga kaya'y 'namiss' ako nito nung ako nag bakasyon sa Pinas?
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Dalawang taon din ako nanirahan sa ibang bansa bago kami nakaipon ng pamasahe pang bakasyon sa Pilipinas. Duon uli kami tumuloy sa bahay na iyon.
Pagbalik ko roo'y marumi na ang bahay. Madaming sapot na ang kisame at ang mga salamin sa banyo ay malalabo na. Pundido na rin ang ilan sa mga ilaw at ang iba nama'y patay-sindi o kumikirat-kirat.
Pinaniniwalaan na maraming nagkakasakit sa mga taong nakatira dun. Hindi naman ito aking ikinagulat dahil maski ako ay naranasan iyon.
May sakit ang aking tito ng mga araw na iyon. Hindi ko na lamang ito babanggitin dahil gusto kong maging pribado ang mga bagay na iyon samin. Malala ang kanyang sakit.
Subalit hindi naman siya napagaling ng mga doktor. Hindi naman maiwasang ikunsulta namin siya sa mang-tatawas. Isa siyang matandang babae na may mahaba at puting buhok.
Gumamit siya ng isang papel at langis at bote. Sa aking pagkakatanda ay tinanong niya ang pangalan ng aking tito. Nilagyan niya ng langis ang bote saka pinatong ang papel.
May hugis tao ang namuong langis sa papel. "Baka nabati siya.." sabi ng matandang babae.
Ilang Linggo lang ng aming pagbabasyon ay namatay na ang aking tito.
Hindi ko alam ang aking gagawin. Nanginginig ang akin katawan ng marinig ko ang masamang balita. Maya maya lamang ang hinatid na samin ang walang-buhay na katawan ng aking tito na nasa loob na ng kabaong.
Napagpasiyahan naman ng mga kamag-anak ko na yung mga tito at tita nalang namin ang magbabantay sa lamay at kaming mga bata o teenager ay sa bahay nalang upang magpahinga.
Sa bahay?
Natatakot ako ng mga oras na iyon. Kami lang magpipinsan ang maiiwan sa bahay. Ang bahay na kung saan mayroon ako nararamdaman na bata
------------------------------------------------------ITUTULOY--------------------------------------------

BINABASA MO ANG
Paranormal Experience Book 2 ( New Third Eye Story- tikbalang)
HorrorHanda ka na ba sa Book 2 ng Paranormal Experience?