"Ang Tikbalang o Kapre?"
Kagaya ng mga istorya na aking isinulat, ang kwentong ito ay totoong nangyari sa aking mga mahal sa buhay. Siya rin po ang taong ginanapan ni 'Rick'
Ang karanasang ito ay nangyari noong siya'y High School pa lamang.
Si Rick ay anak nina Aling Lita (hindi totoong pangalan) at Mang Boy (hindi totoong pangalan).
Sina Aling Lita at Mang Boy ay nakatira sa barrio at si Rick naman ay nais na mag-aral sa siyudad dahil sa kurso na gusto nitong kuhanin.
Mahirap para kay Rick ang pabalik-balik sa eskwelahan at pauwing barrio, "Sayang ang pamasahe.." sa isip-isip ni Rick.
Mabuti na lamang ay may kamag-anak si Aling Lita sa siyudad na malapit sa paaralan na gustong pasukan ni Rick . Ito ay si Aling Maria (hindi tunay na pangalan).
Mula noon ay doon na nanirahan si Rick sa kanyang tita na si Aling Maria habang siya ay nag-aaral.
Ang bahay ni Aling Maria ay may dalawang palapag. Ang unang palapag ay kung saan naroroon ang salas, kusina at banyo. Kulang ang kanilang mga kwarto, kaya si Rick ay doon na lamang pinatulog sa salas.
Nakabukas ang bintana at siya ay natutulog sa loob ng kulambo na kanyang nilatag upang hindi siya kagatin ng kung ano mang insekto.
Mga madaling araw na noon....
Nang biglang may naaamoy si Rick na nasusunog. Mas matapang ang amoy ng usok sa katol na pang lamok.
Tumayo si Rick at sinundan ang usok na nanggagaling sa labas. Sinilip nito ang bintana at isang
hindi pangkaraniwang nilalang ang bumulagta sa kanya. Kalahating kabayo, kalahating tao ang kanyang nakita. Maiitim at makakapal ang balahibo nito samantalang gaga-higante ang taas at laki nito na may hawak na tabako at naninigarilyo. Ang tabako na hawak nito ay singlaki ng tubo. Nakasandal ito sa pader habang hinihithit ang tabako na hawak nito.
Nabigla si Rick at mabilis na tumakbo sa kanyang higaan at nagtago sa ilalim ng kumot.
Nakaramdam naman ang tikbalang na may tao na pinagmamasdan siya
Nagulat din ang tikbalang at nagtago.
Ang sabi sabi ng matatanda ay "Ayaw na ayaw raw ng mga tikbalang na may nakakakita sakanila, kung kaya't mahilig ito tumira sa malalaking puno na may makakapal na dahon."
Sa kasamaang palad, ang bahay ni Rick na tinutuluyan ay may ganoong puno.
BINABASA MO ANG
Paranormal Experience Book 2 ( New Third Eye Story- tikbalang)
TerrorHanda ka na ba sa Book 2 ng Paranormal Experience?