CHAPTER 1

6 1 0
                                    


*rrriiiiiinnggggg!!!!*

Ano ba naman yang maingay jan?! ughh! Alarm!

*rrriiiiiinnggggg!!!!*

Arrrggghhh!!!! Ano baaaaa? Isa nalang. Isa nalang talaga makaka basag na ako ng wala sa oras -_-

Bago pa tumunog ulit ang alarm clock , may nagbukas ng pintuan at pinatay ang alarm ko. Woooh! Kung sino man siya, nagpapasalamat ako at wala nang istorbo sa beauty rest ko! O hindi?

"Hoy! Babae anong oras na sa tingin mo?! Bumangon ka na at mahuhuli ka nanaman sa klase! Ayokong ipatawag nanaman ako sa guidance office dahil jan sa pagiging consistent late mo!"

Sino pa nga ba ang nambulabog ng tulog ko, edi si inang bayan.

"mommy naman! Unang araw palang ng klase wala pa kaming gagawin kundi magsulat ng mga expectation sa subject at teacher eh. Pwede bang hayaan nyo muna akong matulog? PLEASE?"

"hay nako! Ysabelle! Graduating ka na! kung gusto mong mag-aral sa St. Celestine umayos ka!"

"mom naman di na mabiro hehe! Excited na nga ako eh! Labas na ma, maliligo na ako, pakisabi kay dad na sasabay na ako sa kanya. Aba mahirap nang ma late! Alam mo namang nagbabagong buhay na ako eh. Hehe. Sige ma labyu!"

Ishhh :3 blackmailer -_- kahit sobrang tinatamad naman talaga akong pumasok napilitan parin ako. Aba naman! Sinong di mag rereact kung dream school na ang pinag-uusapan?

Bago tayo magkalimutan, ako nga pala si Ysabelle Lopez-Ferrer, highschool graduating student na walang pakialam sa lahat maliban na lang sa dream school ko, sa bestfriend kong si Jesie at syempre kay Luffy ng one piece <3 . Only child ng mag-asawang Armando at Ofelia Ferrer. Parehas silang may business , si mommy may coffe and pastry shop while si daddy naman ay isang stockholder ng ibat'ibang kompanya sa Pilipinas na may kinalaman sa agriculture.

Sa wakas tapos na rin ako maghanda! Minadali ko pa talaga para lang magpa goodshot kina mommy hehe!!

*knock knock knock

 

"Ysa tara na"

Owh it's my dad! Man of few words pero full of authority ang boses kaya nakakatakot talaga!

"yes dad, hintayin mo nalang ako sa labas, susunod na po ako."

Medyo malapit lang ang school mula sa subdivision namin kaya maaga parin ako nakarating sa school.

"Ysa mag taxi ka nalang pauwi mamaya okay? O kung makakapaghintay ka ng dalawang oras para sakin okay lang din naman."

"uhh dad sasabay nalang po ako kay Jesie mamaya, lalakarin na namin, di naman po kalayuan dito ang bahay natin eh"

"okay then, see you later baby. Take care! And oh, good luck sa welcoming speech mo miss SC president!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 AND THEN SHE FELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon