Chapter 1

8 2 0
                                    

Chapter 1: Encounter

"Nay! Alis na po ako!" sigaw ko habang pinupunasan ang aking sapatos upang maka-alis na.

"Sandali lang, Chandie." napa-lingon ako sa aking inay.

May katandaan na ito at halata na rin ang kulubot sa kaniyang mga balat. Ngumiti ito sa'kin kaya nakita ang kaniyang bungi-bunging ngipin sa harapan. Unti-unti kasi itong natatanggal kapag nagkaka-edad na siya. Wala rin naman kaming pera upang bilhan ng pustiso si inay.

"May baon ka na ba?" ngumiti ako ng tipid dito.

"Ayos lang po ako, 'nay. May pera pa naman akong natira dito. 'Yang pera na ibibigay mo sa'kin, pang-bigas nalang po natin 'yan." napa-buntong hininga siya bago ako nginitian.

"Oh siya—" naputol ang sasabihin niya nang hinablot ni kuya Charles ang pera na nasa kamay ni inay.

"Ayaw naman pala niya, akin na 'yan." walang galang na sabi nito na siyang nagpakunot ng noo ko.

"Ano ba 'yan, kuya? Aanhin mo na naman 'yan? Pangsuggal na naman?" umikot ang mata niya sa'kin.

"Alam mo, Chandie. Wala ka ng pake dun, hindi mo naman 'to pera, ahh oo nga pala pera mo nga pala 'to na binigay mo kay inay pero binigay mo na eh edi akin na kasi ayaw mo naman." I balled my fist.

"Oo nga naman, Chandie. Ayaw mo naman pala. Masyado kang pa-epal, alam mo ba 'yun? Bida bida ka." inikot ni ate Chandra ang kaniyang mata habang nakatingin sa'kin, bitbit ang kaniyang isang taon na anak na natutulog sa kaniyang bisig.

"Ate, sa susunod na linggo pa ang sweldo ko at wala na tayong pang-bigas sa mga susunod na araw."

"Ang ibig mong sabihin na wala kaming pakinabang dito? Dahil ikaw lang ang nagtr-trabaho? Hoy, Chandie, hindi porket ikaw na ang nagpapakain sa'min ay pwede mo na kaming sumbatan. Napaka walang hiya mo. Bakit sinabi ba naming mag-trabaho ka? Hindi naman diba?"

"Kailangan kong mag-trabaho para may makain tayo, ate. Hindi ko naman sinusumbat 'yun sa inyo at —" pinutol ako ni ate.

"At pang gatas ng anak ko? Ikaw, Chandie, masyado kang pabida. Hindi mo sinusumbat? Eh ano ang tawag mo dito?"

"Yan ang mga napalala ng mga bida-bida." pag-singit ni kuya Charles.

Akmang sasagot pa ako ay biglang umiyak ng malakas si Jc inshort of Jace Chan, ang anak ni ate Chandra. Sinamaan niya ako ng tingin bago tinapik-tapik ang anak.

"Ayan! Kasalanan mo! Ang dami mo kasing satsat! Mabuti pa ay umalis ka na bago pa kita makalbo." ngumisi si kuya Charles sa narinig galing kay ate Chandra.

"Ano na namang kaguluhan 'to? Oh? Ano pang ginagawa mo dito, Chandie? May pasok ka pa diba?"

"Opo, itay. Paalis na rin po ako. Sige po." tumalikod na'ko at naglakad na patungo sa aking paaralan habang naka-kuyom ang aking mga kamao.

My life sucks. Galit ako dahil sa mga sinasabi nila sa'kin pero hindi ko magawang magalit sa kanila. Pamilya ko sila eh.

"PARA PO!" sigaw ko sa driver ng dyip na sinasakyan ko, sinabayan ko pa ito ng paghampas ng piso sa hawakan na nasa itaas ng dyip. Agad naman itong huminto kaya dali-dali akong bumaba.

Tahimik akong naglakad patungo sa silid ko. Lutang na lutang ako ngayong araw dahil sa nangyari kanina. I just want to be okay with them. I'm doing my best for them yet they can't still see my efforts. Sinasabi lang nila na sinusumbat ko sa kanila, which is wrong.

Kahit sa buong taon na nabubuhay ako ay papakainin ko sila ay hindi ko iyon isusumbat sa kanila. I'm a working student. 1st year in college pa'ko kaya hindi masyadong hectic ang schedule ko kaya nakakaya ko ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Casanova is a Bully (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon