Chapter 6

95 3 2
                                    

a/n: Thank you for the votes and comment from ninang! (^_^)V. Sorry po pala ngayon lang ako nakapag-update ha! Nagkasakit po kasi ako kaya hindi ako makalabas. Sana po magcomments kayo at vote pero kung gusto lang. God bless po! Have a nice day readers :).

------------------------------------------

CHAPTER 6

Kevin's POV

Papunta na ako sa bahay ni Gail. Nagtataka ba kayo kung bakit alam ko? Tinanong ko kasi kay Jandi. Di ko nga alam bakit pati sa akin naiilang sya at para bang ayaw nyang kausapin. Oh well.... Buhay nya yun at ang kailangan kong asikasuhin ay yung buhay ng gwapong katulad ko. Kaya ako pumunta dito kasi tulad nga ng sinabi ko ako ng bahalang magpaalam para kay Gail. Hapon na nga eh. May inasikaso kasi ako sa school kanina.

OUTSIDE GAIL'S HOUSE

Nandito na ako sa labas ng bahay ni Gail. Lumapit ako dun sa gate para tawagin sya.

"GAIL!" sigaw ko.

Bigla namang nagbukas ung pinto. Tapos may lumabas na babae, nakangiti sya.

"Magandang hapon po, nandyan po ba si Gail?" sabi ko. Kahit naman playboy ako magalang ako no!

"Hijo, kaklase ka ba nya? Ako pala ang nanay nya, tawagin mo na lang akong Tita Ily." sabi nya. Ang ganda nya! Pero nanay sya ni Gail diba? Palibhasa kasi di sya mahilig mag-ayos eh. Siguro lang kung mag-aayos sya gaganda sya.

"Uhmm opo mag----" sasagutin ko na sana sya kaso lang....

"Mama, sino po---- K-kevin?!" sabi nya. Lumabas kasi si Gail. Nahalata na nagulat sya.

"O anak, nandito pala si," tumingin sya sa akin."Ano nga palang pangalan mo?" sabi nya sa akin.

"Kevin po." sagot ko.

"Mama, kaklase ko pala sya." sabi ni Gail. Tapos tumango naman ung mama nya.

"Anak, pumasok muna kayo sa loob." sabi nung nanay nya. Kaya pumasok kami ni Gail.

Pagkapasok namin umupo muna kami.

"Anak, maiwan ko muna kayo at maghahanda muna ako ng pagkain." sabi ni Tita Ily. Tapos umalis na siya, tumingin naman ako kay Gail.

"Uhmm..Kevin paano mo nalaman kung saan ung bahay ko?" tanong nya.

"Tinanong ko kasi kay Jandi kanina eh." sagot ko.

"Bakit ka pala pumunta dito?" tanong nanaman nya. Ang dami naman nyang tanong!

"Diba sabi ko sayo, ako na ang bahalang magpaalam sayo." sagot ko.

"Hindi nga ako papayagan." sabi nya.

"Paano kung pinayagan ka?" tanong ko tapos ngumiti ako sa kanya.

"Hindi nga sabi eh!" sabi nya.

"Pustahan tayo gusto mo?" sabi ko.

"Ayaw ko, bahala ka na nga!" sabi nya. Psh... Talo din pala!

Bigla naman lumabas si Tita na may dalang pagkain. Lumapit sya sa amin tapos nilapag yung pagkain.

"Anak, Kevin kumain muna kayo ha." sabi ni Tita.

Tapos umupo sya dun sa kabila.

ONLY YOU *ON HOLD*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon