Chapter 2 - Landi

95 7 0
                                    


GIGIL siya dahil kanina pa sumasakit ang mga mata niyan kakamasid sa dalawang nilalang na hindi niya gustong makita.

Buwisit!

Kaya bago paman siya sumabog padabog na siyang lumabas mula sa opisina ng hinayupak na lalaking abala na sa pakikipag lampungan.

Tch.

Mamaya kalang sakin.

Nang makababa siya kita niya ang kaibigan. Na stress siya sa hitad na hindi niya agad agad madispatsya pucha! Nang makalapit siya sa counter.

"Jusko! Kung hindi lang ako patay na patay sa kanya nako, nako nakatikim na yon dalawang yon... Teka tulala ka? Anyare sayo? "

Tanong niya sa kaibigan na katrabaho niyang si Ashtrid matapos niyang abutan ito sa counter na nakatulala.

"May iniisip lang.. " Sagot nito

"Boylet? " Ani naman niya sumimangot ito.

"Gaga."Mariing siyang natawa.

"Kala ko boylet na at nadiligan
kana---aray! " Pagrereklamo niya matapos nito hilahin ang mahaba niyang buhok.

"Loka-loka ka, "

"Tch. Na stress ako. " Sabi niya habang salubong parin ang mga kilay

"At kailan kaba hindi na stress? "

"Araw-araw."

"Saka bakit ka narito hindi pa tapos ang oras ng  trabaho mo---"

"Alam ko. Na buwisit lang ako sa mga lintang nag lalampungan sa taas na kaka
buwisit ng araw fuck! "

Iling-iling na lamang itong pinag masdan siya Dahil sa pagka irita niya sa lalaki.

MAKALIPAS ang ilang oras hindi parin siya bumabalik sa trabaho niya Saka naman niya nakita ang kaibigan na seryoso sa ginagawa nito. Subalit sa pagpaling niya sa lobby nakita na niya ang boss na na papalapit sa gawa nila habang madilim ang mukha nito patay malisya siyang nag kunwaring abala.

"Boss." Ngiwing sabi ng kaibigan niya bago niya naramdaman na  tumingin ito sa gawi niya naka simangot parin siya.

"Miss. Montana come to my
office now. "

Buwisit ! Ngayon kakausapin mo akong itlog ka? Hmp buwisit ka talaga!

Lalong nagwala siya dahil sa binata nagmamaktol siyang  tumayo dahil sa tingin nito bago tumalikod hindi na naniya hinintay pa ito nag madali na siyang nag lakad papunta sa elevator. Sa inis sa lalaki.

Pero may kalokohan agad na pumasok sa madumi niyang utak. Huh! Tingnan lang neto kung maka palag pa ang hudas sa gagawin.

Sumilay ang nakakaloko niyang mga ngisi bago siya lumabas sa elevator naka salubong niya pa si Dian.
Pero inirapan niya lang ito bago siya tuluyang pumasok sa opisina ng binata.

Secretary siya ng lalako kaya natural lang na pumasok siya sa loob kung kailan niya gusto wala naman nakapansin na may binabalak siya.

Napahinga siya ng malalim alam niyang kabaliwan na ang ginagawa niyang pag hahabol sa lalaki na wala naman din kasiguraduhan na magugustuhan din siya nito.

Mula sa CCTV nakita na niya ang pagdating ng lalaki shit! May kaba man sagagawin niya wala na siyang paki pa roon basta gagawin niya ang nais niya.

Lumapit siya sa pinto hinanda na ang sarili sa gagawin at sakto naman pag bukas nito ng pinto. Naka ngiti siya.

"Holy shit! What the hell are you doing Miss. Montana tch." Gulat at galit nitong bulyaw sa kanya pero wala siyang sinabi.

"Ma upo may pag uusapan tayo---"
At bago paman ito makalapit sa upuan mabilis na niyang hinila ang mga kamay nito nang hindi nito inaasahan.

Tiim bagang niyang itong isinandig sa likod ng pinto halata mo sa mukha nito ang pagkabigla.

"A-anong ginagawa mo---" Gamit ang hintuturo inilapat niya ang mga iyon sa labi nito upang patahimikin.

"Tregeer... " Malambing at mapang-akit niyang sambit.

"Do you really like that girl? " Tanong niya napamaang naman ito dahil sa kanyang sinabi.

"Yes, dahil niligawan ko siya at
sinagot niya ako. " Umikot ang mga mata niya.

"Paano naman ako? " Namilog ang mga mata nito.

"A-anong paano ka? Tch.
You crazy Miss .Montana. "

Saka siya akmang itutulak ng walang ano anoy bigla niyang hinawakan ang batok nito at bago paman nito magawa ang pagtulak sa kanya mabilis na niyang sinakop ang mga labi nito.

Naramdaman niya ang paninigas nito nahirapan man siyang abutin ang mga labi nito dahil matangkad ito. Pero hindi parin naman iyon dahilan para itigil niya ang nasimulan.

Kalaunon non maramdaman niya na lang ang paggalaw ng labi nito sa loob niya mas lalong nag diwang ang kalooban niya ng magtagumpay siya sa plano niya. Mas naging mapuso ang paghalik niya mainit nakakapaso. Kasabay ng pagsinghap niya naramdam niya ang mga palad nitong dumapo sa matambok niyang pang upo.

At wala rin sa loob nanapa ungol siya ng maramdaman niya ang mga kamay nitong pumaloob sa suot niyang damit. Shit!

Kailangan na niyang ihinto ang ginahawa nila bago pa umabot ang lahat sa hindi nila inaasahan.

Akm niya itong itutulak. Habol niya ang hininga ng mag hiwalay ang mga labi nila. Napa titig siya sa  mga mata nito. Napamaang ng sakupin ng mga kamay nito ang kanyang dibdib habang nakaawang ang kanyang bibig.

"T-regeer... " Ani niya wala sa loob na napalunok ng maramdaman ang matigas na bagay na tumatama sa bandang puson niya.

"Fuck." Tila naman ito natauhan bago siya maingat na binitiwan. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib lumihis rin ang damit na kanyang suot.

"M-mamaya na lang  tayo mag usap. Ayusin mo ang sarili mo bago ka lumabas. " Hirap nitong sabi habang wala siyang kibo at lutang na inayos ang sarili bago siya tuluyang lumabas.

Oh.. Yes! Nagawa ko.

Malawak ang ngiti niya ng mangyari ang nais niya.
Jusme! Isa nga talaga siyang babaeng malandi.

©Rayven_26

OBSESSION Series #2 : Tregeer FALCON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon