"Mika?? mikaela, huy!"
"Pag 'to binuhusan ko ng malamig na tubig, sisigaw 'to."
tinapik naman ako ni Eliana, nawala ung ngiti ko sa labi at tumingin na 'ko sa kanila. tinaasan ko sila ng dalawang kilay.
"Kanina ka pa naka ngiti dyan sa phone mo, anong meron ha?" ani Mauvianne.
hindi ko napansin na ilang minuto na pala akong naka ngiti habang kausap si Simon.
"Oo nga, saka.. wala pa nababawasan sa pagkain mo."
ay oo nga pala! kakain na pala kami, nalimutan ko.
"Sino ba kausap mo?" takang tanong ni Mauvianne.
"Tsk, mauvianne, tinatanong pa ba 'yan?" sabi ni Eliana kay Mavy, kumindat pa nga 'to.
"Nangnang have a boypweeenddd??" isa pa 'tong bulilit na 'to.
"Ahh, nangnang doesn't have a boyfriend, okay? your mom and ninang mavy are just teasing me."
"oi, nag sisinungaling ka pa sa bata! may jowa ka na eh." Mauvianne.
"Tanginamo, Mavy ha!"
"Nangnang, don't say badwods!"
"Oo nga naman, Mika, don't say bad words sa harap ng bata. ikaw talaga! bait bait naman ng anak kong 'to."
"Ayaaannn kasiii!!" natatawang sabi ni Mauvianne.
"Sorry baby, eat ka na dyan oh." sagot ko kay Cheska, at inirapan si Mauvianne.
"Haha, si Mika napagalitan nung bata."
"Shush! tama na 'yan, kumain na lang tayo. tapusin nyo mga kinakain nyo." suway ni Eliana habang nagpapakain kay Cheska.
"Mas mabuti pa nga kung kakain na, piste kasi 'tong si Mauvianne eh!" sabi ko naman.
"Oi! ako na naman?!" sabi ni Mauvianne sabay turo sa kanyang sarili, "Wala akong ginagawa ha."
"Mika, Mauvianne.."
"Ito na po, kakain na kami." sabay naman namin na sabi kay Elly.
Mikaela Louise
- we'll eat our dinner first, talk to you later, Mamon!Simon Marcos
- Alright, Mikmik! eat well!pagkain yung tawagan namin sa isa't isa, siya nag simula tumawag sa akin ng Mikmik, edi Mamon naman sa kanya.
hindi ko maiwasan na ngumiti sa harap nina Elly at Mauvianne, kaya takang taka na yung dalawang 'to.
hehe, bahala kayo ma-curious dyan. love you both!
"Si Simon yung kausap mo 'no?" ani Mauvianne at may laman pa ang bibig nya, ngumunguya nguya pa 'to.
"Hoy, ubusin mo muna kinakain bago ka mag salita. punong puno ng kanin yung bunganga mo!"
"Nananggg, eat first befow you talkkkk!!"
"Oh, si Cheska pa mismo ung sumusuway sa inyong dalawa." ani Elly.
"Kanino ba kasi nag mana 'yan?"
"Sa tatay nya na napaka daldal. oh, Cheska, eat ka na ulit." sagot ni Eliana at sinubuan na ng pagkain si Cheesecake ko.
"Mommy, i'm full.." sabi ni Cheska sa kanyang ina, tumango si Eliana at kinain yung mga natira na pagkain ni Cheska.
Maya maya naman ay natapos na kaming lahat kumain. iniligpit na namin mga pinag kainan, si Mauvianne ang maghuhugas ng pinggan. habang si Eliana ay nag re-refill ng mga tubig.

YOU ARE READING
My Dreams or Him? (Simon Marcos Fanfiction) - ON-GOING
SonstigesMikaela Louise was happy because she passed as a Lawyer, Lawyer is her dream job since she was 16 years old. now, as she started her job as a lawyer.. she became busy and didn't realize that she lost her time for Simon. Simon Marcos is her first gu...