Hello, C.
Happy 28th month satin. Antagal na pala natin no? Parang kailan lang nagliligawan palang tayo. Nagtatago tayo sa mga barkada mo tska sa mga kagrupo natin sa sayaw. Nagddate ng patago. Sa text lang naguusap pag andyan sila. Di masyado nagkikibuan pag practice. Hahaha. Nakakamiss.
Sana magkabatch nalang tayo. Nalayo tayo sa isa't-isa mula nung gumraduate ka. Mula nung maiwan ulit akong mag-isa. Hindi na tulad ng dati na araw-araw, mali, oras-oras tayo magkasama. Sabay tayo lagi ng break time. Kasi lagi kong binabase yung schedule ko sa schedule mo para lagi tayong magkasama. Pag break time ko at wala kang pasok, lagi akong dumideretso ng dorm mo nang may dala-dalang pagkain para sating dalawa. Yung kahit wala akong pasok, pumapasok ako para makasama ka. Lagi tayong sabay umuwi. Lagi kitang hinahatid muna sa dorm bago ako umuwi. Yung sabay tayong pumapasok. Sabay dumarating pag may training. Saka lang ata tayo naghihiwalay pag may klase tayo tska paguuwi na. Hindi talaga tayo mapaghiwalay nun, kaya naiinis na natutuwa yun mga kaibigan mo e. kasi sobrang sweet natin. Para tayong pinagbiyak na puwit. Hahaha. Kapag magkaaway naman tayo, kahit layasan mo ako, alam na alam ko kung saan ka pupuntahan. Sa dorm. Dun tayo mag-aaway. Dun magsisigawan. Tapos lalabas nalang ulit tayo ng dorm nang masaya ulit. Matatapos ulit yung araw na mahihirapan tayong magbbye sa isa't-isa. Kahit alam naman nating magkikita tayo bukas..
Ngayon, naghihintay nalang tayo sa araw na pwede tayong magkita. Saka nalang tayo magkikita pag malapit yung trabaho mo sa school. Kapag wala na akong klase o kung di ako papasok. Pero kahit papaano nahahatid-sundo pa rin kita. Ikaw kasi e. Mas matanda ka sakin pero parang ikaw tong bata satin. Lagi kang takot bumyahe. natatakot ka lagi bumyahe magisa kasi baka mawala ka. Ang cute cute mo. Napakademanding. Kaya hahatid kita kung saan ka naka-destino, habang wala pa akong klase. Ayos lang na magpabalik-balik ako ng school. Kasi dun nalang tayo nagkakasama bukod sa Saturday...
Di nagtagal, lalo tayong nagiging busy. Lalo na ako. Kasi 4th year na ako. Graduating. Leader ng isang Dance Crew. Naging officer sa isang organization sa school. Hindi na kita masyadong nahahatid sa trabaho mo. Hindi na tayo masyado nakakapagkita tuwing Sabado dahil sa paspasan naming training pag may competition. Hanggang sa araw-araw na tayong nagaaway. Nagtatampo kana lagi, kasi nawawalan na ko ng oras sayo. Kung minsan ay nasasabayan ko na rin ng galit kasi lagi rin akong pagod. Hanggang sa lagi na tayong nagkakasakitan...
Alam ko yung mga pagkukulang ko. Aminado akong nawalan ako ng oras sayo. Naiintindihan ko lahat ng pinanggalingan ng sama ng loob mo sakin. Pero sinubukan ko namang bumawi. Gumagawa pa rin naman ako ng paraan para magkasama tayo. Pinupuntahan kita sa Bulacan kapag di ka makakaluwas ng Maynila para magkasama tayo. Kina-cancel ko yung training namin para makasama ka. Di ako umaattend ng meeting para makasama ka. Ginagawa ko naman lahat. Sinubukan ko naman lahat. Pero siguro nga, kulang pa rin talaga kahit anong gawin ko...
Kung may super power lang ako, o kaya may bagay na hihingin kay Doraemon, hihingi ako ng Time Machine. Ibabalik ko yung oras. Sa araw na una tayong nagkita. Kung saan tayo unang nag kakilala. At sa mga araw na nagsisimula palang tayo. Pero di ko babaguhin yung mga nangyari. Gusto kong bumalik, kasi gusto ko ulit maramdaman kung gaano tayo kasaya nung mga panahong yun. Gusto kong makita ulit kung gaano tayo kasaya pag magkasama tayo. Para tayong walang mga issue at problema nung panahong yun. Yung mga away natin, di tumatagal ng isang araw. Andaling ayusin pag magkaaway tayo. Di tulad ngayon, ang hirap kasi sa text lang o sa online lang tayo nagkakausap. Gusto kong bumalik sa dati. Gustong gusto ko talaga. Para lang maramdaman ulit kung gaano ako kasaya nung mga panahong lagi tayong magkasama...
Pero wala naman tayong magagawa. Hindi na natin pwedeng balikan yung dati. Kailangan nating harapin to. Kaya lang, habang tumatagal, parang lalo tayong nalalayo sa isa't-isa dahil sa mga away natin. Hanggang sa pareho na tayong napagod...
Sayang. Sayang di tayo umabot. Andami na nating napagdaanan. Pero siguro nga, panahon na din para magpahinga tayo. Oo, pahinga. Kasi sobra na tayong nasasaktan. Parang pinipilit nalang nating ayusin to kahit nagkakasakitan na tayo...
Pahinga. Gusto kong isiping pahinga lang to. Space. Time. Pahinga. Kahit tinapos na natin lahat. Kasi mahal pa rin kita. Mahal na mahal. Mas lalo akong nasasaktan ngayon kasi wala na tayo. Pero wala akong magagawa. Kasi mas masakit sakin na makita kang nasasakatan habang nasa piling kita. Mas masakit sakin na makitang di kana masaya. Na unti unti nang nagbabago yung pakikitungo mo sakin. Alam ko mahal mo rin ako, pero alam ko hindi na tulad ng dati kasi sobra kang nasaktan. Lagi kong pinapaalala sa sarili ko yan. Kahit sa mga pagkakataong nasasaktan mo na ko, iniisip ko nalang na kasalanan ko to kung bakit ka ganyan sakin ngayon. Kasalanan ko lahat.
Umaasa pa rin ako. Umaasa pa rin akong magiging tayo ulit. Umaasa pa rin akong magiging masaya ulit tayo. Umaasa pa rin akong makakapagsimula ulit tayo ng panibagong yugto sa pagmamahalan natin. Ayoko pa ring tanggapin na wala na talaga. Na wala na tayong pagasa. Pero isasarili ko nalang ito. Kasi ayoko nang masaktan ka ulit. Mas pipiliin kong masaktan nalang ng ganito. Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo, ginawa ko na. Siguro ito talaga yung tamang gawin. Kailangan kong bumitaw. Kailangan nating tumigil. Kaysa makita kang hindi masaya. Kaysa makita kang nahihirapan. Kaysa makita kang nasasaktan sakin...
Sana sa pagdating ng tamang panahon, ako pa rin ang mahal mo. Sana ako pa rin yung gusto mong magpasaya sayo. Sana ako pa rin...
A.