Bisikleta (Short story)

2.6K 85 18
                                    

Bisikleta

Every Morning ay nakatambay lang ako dito sa may bintana, nag-aabang hanggang siya ay dumating.

Simula nung insidenteng yun, lagi ko na sya inaabangan. .napakagwapo nya kasi, kahit ba napakacold niya ay napapahanga pa din niya ako.

lagi na nga ako pinapagalitan ni Nanay dahil mukhang tanga na daw ako kakaabang dito tuwingumaga, wala naman daw akong napapala kasi di naman ako pinapansin at di din naman daw ako lumalapit.

kahit yung mga kaibigan ko, sinasabihan nila ako na itigil ko na yung pagkahumaling kay Kael kasi wala lang din naman mangyayari, masyadong ilag sa babae yung taong gusto ko, sabi pa nila bakla daw yun dahil takot sa babae.

Di naman ako naniniwala, wala akong pakialam sa iniisip ng iba basta ang iniisip at tinitibok ng puso ko ang paniniwalaan ko.

*ting ting*

Napatingin naman kagad ako sa labas dahil sa narinig.

Andyan na sya!!!

Parang slow motion pa siyang habang nakasakay sa kanyang Bisikleta, nililipad pa yung buhok niya dahil sa hangin, kaya mas lalo akong nainlove.

"Kuya Kael!" tawag ni Jethro, sya yung bata na tinulungan ni Kael na muntik nang masagasaan, pero sa halip na si Jethro yung nasagasaan yung Bisikleta nya, pinalitan lang ito nung nakabangga.

Pasalamat na din ako kay Jethro dahil sa kanya, laging humihinto sa tapat ng bahay namin si Kael. kapatid ko kasi si Jethro.

"Kuya Kael, nag-almusal ka na? tara kain ka muna" aya ni Jethro.

Go kapatid!!

Pagkakataon ko nang makasabay sa agahan ang mahal kong si Kael.

"Naku Jet, di ako pwede ngayon may pasok pa ako"nabigla naman ako, speaking of pasok! malalate na naman ako!patakbo akong bumaba, at nagpaalam kay Nanay! lagi na lang ganto ang sistema ng buhay ko, nalalate ako dahil kakahintay sa pag-daan niya.

Nagmadali akong lumabas ng bahay, pero mukhang mali ang ginawa kung pagmamadali nakalimutan ko andoon pa din pala siya.

Nagkatinginan kami pero agad din nyang tinuon ang tingin niya kay Jethro.

"Paano Jet, una na ako"pasakay na ulit sana siya sa bisikleta niya nung pigilan siya ni Jethro.

"Kuya Kael! pwede mo bang isabay si Ate Alliah parehas naman kayo school, at kwento pa ni Ate na magkaklase daw kayo" nagulat naman ako sa sinabi ni Jethro. .

Hinila ko siya papalapit sa akin at tinakpan yung bibig niya kahit late na.

Tinignan muna ako ni Kael, parang nag-iisip pa siya kung pagbibigyan niya yung sinabi Jethro.

"n-naku h-hindi n-na kailangan, m-mag pepedicab na lang ako" halos utal utal kung sabi. .

Ano ba yan?! patay talaga tong kapatid ko mamaya eh!

"Ate, makakatipid ka kung sasabay ka na lang kay Kuya Kael" kinindatan naman ako ni Jethro, may alam kasi tong batang to!

-______-+

Mamaya to pag-uwi ko makakatikim to talaga sa akin eh!!.

Tinignan ko ulit si Kael, nakatingin din pala sya sa akin nung napansin nyang nakatingin na din ako sa kanya binaling nya yung tingin nya kay Jethro.

"Tara. . . . . .tama si Jet, makakatipid ka kung sasabay ka na lang sa akin" halos tumigil naman yung tibok ng puso ko..

Ito yung kauna unahan kinausap niya ako.

Bisikleta (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon