Bisikleta part 2

993 85 25
                                    

Bisikleta part 2

"Kael. .gising ka na!"

napangiti ako ng wagas, habang tuloy tuloy pa din yung luha ko sa pag-agos at ngayon ay hindi dahil sa takot na mawala siya sa akin kundi sa saya dahil gumising na siya.

"Kael, sa wakas nagkamalay ka na" hawak hawak nya pa din yung kamay ko habang nakatingin lang ito sa akin.


"s-sabihin m-mo. . .s-sino ka?"

napaatras ako ng bahagya dahil sa nabigla ako sa tanong niya, binitawan nya na din yung kamay ko. . .hindi nya ko kilala? 

nagdatingan yung mga doctor at cheneck-up siya. . .niyakap naman ako ni Tita dahil sa tuwa at nagising na ang kanyang anak.

ako naman ito, halos hindi makapagsalita. .bakit Kael? bakit di mo ko kilala? ako to si Alliah!!!

hindi ko na inantay pa matapos yung examine kay Kael, at tumakbo na ako pa labas ng hospital.

bakit ganun?!! akala ko pag naggising na sya okay na ang lahat, eh bakit hindi nya ako maalala?

-

lumipas ang araw at linggo, nakalabas na daw ng Hospital si Kael ayon kay Nanay. .simula ng araw na yun hindi na ako bumalik pa ng Hospital. .

dahil natatakot pa din akong malaman na hindi niya ako kilala. .masakit para sa akin na hindi ako kilala ng taong mahal ko.

"Alliah ayos ka lang?" tanong sa akin Irish. .isa sa mga kaibigan ko.

tumango na lang ako, isang linggo na din di pa pumapasok si Kael nagpapagaling pa din daw kasi ito ng mga sugat niya.

"bakit di mo kaya puntahan, malay mo pag nakita ka nya maalala ka na nya ulit" sabi naman ni Nica.

nakagat ko na naman ang ibabang labi ko, pilit na pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko.

"n-natatakot ako. . . . .paano kong hanggang ngayon eh hindi nya pa din ako kilala. . . .ayaw ko marinig na tanungin nya ulit ako kung sino ako. ." hindi ko na kaya pang pigilan pa, bumagsak na yung luha ko at napasalampak ako sa desk. .

Bisikleta (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon