Chapter 13

18.7K 662 290
                                    

TUMINGIN SA labas ng shop si Sussex saka bumuga ng hangin.

Hindi nagkamali si Mich sa sinabi nitong mabobored siya sa trabaho niya. One month of working as a seller was enough for her to get used to the job and get bored of it.

Kung tutuusin ay hindi naman niya kailangan pa magtrabaho dahil malaking pera ang binigay sa kanya ng kapatid niya. Isama pa ang mga alahas nito ay talagang pwede siyang magbuhay reyna ng ilang taon sa Pilipinas lalo na at mas mura ang bilihin dito kumpara sa England.

But the high and mighty ego in her refuses to spend it on herself when she knew she has the option to earn her own money. Saka kailangan niyang matutong tustusan ang sarili niya ng hindi umaasa sa kahit na sino. She has to be different from her mom that depends on her father all the time.

"Dilis, malapit na ang lunch break, sabay na tayo kumain sa McJolli?"

Sinulyapan ni Sussex ang lalaki niyang katrabaho at nginitian saka umiling. Dilis ang pagkakakilala sa kanya ng mga tao sa paligid niya at hindi Sussex.

Dilis Fischer ang ginagamit niyang pangalan sa buhay na meron siya ngayon. At hindi niya parin maiwasan mapaingos sa pangalan niyang iyon.

Ang kulit talaga ni Kate. Kaya pala nung binigay nito ang mga papel na kailangan niya sa pag-aapply ng trabaho ay hindi ito magkamayaw sa pagtawa. Puro kalokohan pala pinangalan sa kanya.

Dilis na isda at Fischer na tunog mangingisda. Walang-hiya talaga ang isang 'yon.

"May baon ako, Ruppert. Salamat," Sussex declined.

Napakamot ito ng ulo. "Ganon ba. Bili na lang ako ng pagkain sa labas tapos sabay tayo sa loob magtanghalian," anito.

Kibit-balikat lang ang naging sagot niya pero kung pwede sana mas gusto niya mapag-isa at mag-isip. Ayaw niya rin bigyan ng false hope ang binata na alam niyang may gusto sa kanya.

Sa katunayan ay maraming nagpapahiwatig sa kanya sa lugar na iyon. Ngunit nananatiling mailap siya at walang maramdaman na interes sa mga ito.

And she doesn't have to ask why.

Grant has my heart...

He has taken it and held it since maybe the day she gave up herself to him. Now she is left with a heart that does not beat for anybody else. With her mind always reminding her of how awesome the hot, good-hearted, gentle, and irresistible doctor was.

Sussex sighed and like always every time she remembers the only man she knew that has treated her well and like a lady worthy of everything when she's not, she shook her head and forced herself to forget him.

Dapat sa gabi lang nito ginugulo ang isipan niya. Ang unfair na kung pati sa umaga ay ito parin ang laman ng isipan niya.

Matapos ang trabaho ay agad siyang umuwi ng apartment ni Mich kung saan siya nakatira. Mag-isa lang siya dahil nasa isla na si Mich at kasama si Eljeh. At bahay trabaho lang din siya.

Kalalapag niya lang ng shoulder bag niya ng mapatalon siya sa gulat ng magsalita si Kate na naroon pala sa harap ng electric piano at hindi niya napansin.

"How's being a seller for shoes?" Kate asked.

Sussex glared. "Why the fuck do you have to scare me?!" She huffed, calming her racing heartbeat.

Tumawa ito. "Not my fault if you don't give much attention to your surrounding." Lumapit ito sa kanya. "So?"

Sussex sighed, plopping on the sofa.

"It's boring," she replied.

"Was receiving your first salary yesterday not enough to lift your spirit?" Kate asked, lighting a cig to smoke making Sussex frown.

Grant Ashton CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon