"Ipinapangako ko sayo mahal na sa susunod kong buhay, pangako hahanapin kita at ikaw parin ang pipiliin ng puso ko. Kaya mahal maniwala ka na magkikita muli tayo..... ipinapangako ko sayo yan Mahal, ikaw lang ang pipiliin at mamahalin ko"
Sa mga sunod sunod niyang mga ibinibigkas ay patuloy na dinudurog ang puso ko at patuloy na pumapatak ang mga luha mo habang hawak ko ang kamay niya, mag kaiba kami ng kama pero katabi siya ng kama ko.... patuloy lang ako sa pag iyak at sa bawat inilalabas na salita ng kanyang labi ay para bang sinasakal ako.
"Pero ngayon sa tingin ko kailangan ko ng itigil sa pagtakbo ang orasan mahal. Pangako hahanapin kita sa Susunod kong buhay". Saad niya. Pero sa sunod na sinabi nya ay mas lalo pa akong nadurog at mas lalo pang humigpit ang pagsakal ng mga salita na sinasabi niya, humagulgol ako ng umiyak at mas lalo ko pag hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya na para bang ayoko ng pakawalan.
"Goodnight Troy". Sobrang sakit ng marinig ko ang sunod na salita mula sa kaniya,
Hindi ko manlang alam kung anong sasabihin ko hindi ko manlang kayang mag salita."I love you, love. And i promise i Will find you in My Next Life and choose you again and again"
.Bumuhos ang mga luha ko at nanginginig ang mga kamay ko at sa hinihintay kong pagkakataon ay pinilit kong mag salita."I love you too, June". Garalgal kong sinabi." Yes, love. Let's stop the Clock together, I will wait for you in my next life" sabi ko na patuloy parin sa pag buhos ang nga luha ko, bakit ba kailangan pang mangyari to? Bakit sa dinami dami ng pwedeng mangyari bakit ito pa?.
"Goodnight, June." Let's stop our story here, my love. I wish i can hold your hand forever.
Tumingin siya sa kisame kitang kita kong ang luha sa kanyang mga mata, at ganoon rin ako tumingin ako sa kisame at hinintay nalang na tumunog ang monitor sa tabi naming dalawa.
"Valentina June Velasquez, Time of Death 11:58 pm"
"Troy Vincent Torres, Time of Death 11:59 pm"
I promise, love. I will find you in my Next Life And I will never let this happen again. Goodnight Troy. I love you.
-JuneI will wait for you, in my next life and I will only choose you. Kaya mahal isarado na natin ang ating libro at buksan muli sa susunod nating buhay. Goodnight June. I love you too, Sleep tight, love.
-Troy