Ang diyosang si Sapphira

1 0 0
                                    

Ang diyosang si Sapphira

Nuong unang panahon may isang napakagandang kagubatan sa baryo ng Elindos na tinatawag nilang Sapphire ito ay pinapaniwalaan nilang inaalagaan at tirahan ng isang diyosang nag ngangalang Sapphira, kaya ito'y dinadayo ng mga dayuhan at iba pang mga turista dahil sa ang king ganda ng tanawin at higit salahat ay kay sariwa ng hangin dulot ng mga nag lalakihang mga puno at iba pang halaman ngunit walang sino man ang nangahas na sumubok na pumasok sa loob ng kagubatan dahil sa paniniwala na kung ika'y makakarating sa gitna ng kagubatan ay hindi kana makaka labas pang muli dahil ang gitnang bahagi daw ng gubat na ito ay syang tirahan ng diyosa.
Ngunit isang araw may isang binata na nag lakas loob na pasukin ang kagubatan ng Sapphire kung saan pinaniniwalaang tirahan ng isang diyosa"Lucas saan ka Pa tutungo"saad ng isang ginang sa sa binata"Tutungo ho ako sa gubat ng Sapphire"saad ng binata sa ginang"Nako Wag kanyang tumuloy Lucas bakay ika'y ma pahamak sayong gagawin iho"saad ng ginang"Wag ho kayong mag alala wala Hong mang yayaring masama saakin sa loob na gubat na iyon"saad ng binata"kung ganon oh sige ika'y mag iingat sayong pag tungo sa gubat na iyon"saad ng ginanag saka nag lakad na paalis kaya nag patuloy na ang binata sa pag tahak ng daan patungo sa kagubatan ni Sapphira, pag karating ng binata sa bungad ng kagubatan ay na pahinto sya rito upang pag masdan ang napaka gandang kagubatan sa kanyang harapan ng masilayan nya na ito ay agad na syang nag patuloy sa pag pasok sa loob ng kagubatan na paghihinalaan ng lahat na ito'y napaka delekadong lugar dahil sa kadahilanan na walang na kakalabas na kung sino man ang pumasok sa loob ng gubat na ito, Nang sya'y naka pasok na sa loob ng gubat ay bumungad sa kanya ang napakagandang tanawin kung anong kinaganda ng labas ay syang mas kinaganda pa sa loob nito kaya agad agaran syang nag patuloy sa pag lalakad upang tumungo sa gitna ng gubat na pinag hihinalaang duon ang tirahan ng diyosang si Sapphira, habang tinatahak nya ang daan patungo ruon ay di nya parin ma iwasang maantig sa kagandahan ng kagubatang kanyang tinatahak, may nag gagandahang mga bulaklak at iba't ibang klaseng paro-paro, may mga alitap-tap rin dito na mas nagpaganda pa dahil sa pag ilaw ng mga ito, at iba't ibang klase pa ng mga hayop ang pwede mong makita rito.

Pumunta naman tayo sa kabilang dako ng istorya.

Habang abala ang binata sa pag tanaw ng kagandahan ng kagubatan naroon naman sa gitna ng kagubatan ang diyosang si Sapphira abala itong sa pag kuha ng ginintuang mansanas sa kanyang mahiwagang puno"Mahal na diyosang Sapphira may isang mortal ho ang pumasok sa ating tirahan"patalon talon na pahayag ng isang kuneho sa diyosa binaba naman ni Sapphira ang dala nyang sisidlan ng kanyang mga kinuhang ginintuang mansanas at tinignan ang hinihingal na huneho kaya agad na tumungo ang diyosa sa balon upang kumuha ng isang mahiwagang tubig na kapag ito'y ininom mo ay ma nunumbalik ang iyong lakas, nang maka kuha na ito ay agadran syang lumapit sa kuneho"Oh ito uminom ka muna upang manumbalik ang iyong lakas"saad ng diyosa sa kuneho kaya agarang uminom ang kuneho at unting-unti nya na raramdaman ang pa nunumbalik ng kanyang lakas"Maraming salamat mahal na diyosang Sapphira"pag papasalamat ng kuneho sa diyosa"Walang anuman"saad ng diyosa saka tumayo at tumungo sa mga iniwan nyang sisidlan ng mga ginintuang mansanas"Maaari mo ba akong tulungan sa pag bit-bit ng mga sisidlan na ito?"saad ng diyosa sa isang usa"Kinagagalak Kong tulungan ka mahal na diyosa, isabit mo lang ang dalawang sisidlan sa aking mga sungay"saad ng usa sa diyosa kaya agarang sinabit ng diyosa ang dalawang sisidlan sa sungay ng usa at nag simula na silang mag lakad papasok sa kanyang tahanan.
Nang sila ay naka pasok na sa kanyang tahanan ay agad nyang binaba ang dala nyang sisidlan at saka kinuha ang dalawang sisidlan na naka sabit sa sungay ng usa."Mahal na diyosa ano po ang gagawin natin sa mortal na pumasok sa ating tahanan?"tanong ng kuneho sa diyosa"Muka namang walang masamang balak ang mortal na yan upang tayo'y ay gambalain kaya hayaan mo syang mag liwaliw sa dito sa ating tahanan."saad ng diyosa sa kuneho.

Sakabilang dako naman ay nag sasaya parin ang binata sa pag libot ng magandang gubat na ito kadahilanan ng di nya pag pansin na sya ay nakarating na sa gitna ng gubat kung saan naka tayo ang tirahan ng diyosa"Ano ang maipag lilinggod ko sayo ginoo?"saad ng diyosa sa binata kaya gulat na napatingin ang binata sa kanyang likuran at ito ay na tulala ng masilayan nya ang napakagandang muka ng diyosa"Alam mo ba na kalapastanganan ang iyong ginagawa sa di pag sagot sa tanong ng diyosa ginoo"agarang pahayag ng kuneho sa binta ng makita nya ang pag katulala nito at ang Hindi pag sagot sa diyosa, kaya nabalik sa ulirat si Lucas at agarang humarap sa diyosa at agad na yumuko upang mag bigay galang at humingi ng tawad sa diyosa"Paumanhin mahal na diyosa sa aking kalapastangang aking nagawa"pag papaumanhin nya sa diyosa"Tumayo ka ng matuwid ginoo"saad ng diyosa kaya agarang tumayo ng matuwid ang binata"Ano ang ginagawa mo rito ginoo?"tanong ng diyosa kay Lucas"Nag tungo ako dito upang malaman kung totoo ba ang sabi-sabi saaming bayan na ang kagubatang ito ay nakakatakot daw kung ikay papasok dito so loob ngunit iba ang aking na tuklasan sa gubat na ito kung I kukumpara sa mga sinasabi saaming bayan ay kabaliktaran ang aking natuklasan ito ay napakagandang lugar at napaka sariwa ng hangin na dulot ng mga sariwang puno at iba pang halaman"saad ng binata"Sino ang nag tulak sayo upang ma isipan mong pumasok sa kagubatang ito?"tanong ng diyosa"walang ibang nag tulak saakin uoang pumasok sa kagubatang ito kundi ang aking kuryosidad"saad ng binata kaya agad na sinuri ng diyosa ang binata kung ito ba ay nag sasabi ng totoo o Hindi at ng makita nya na may busilak na puso ang binata ay na pag pasyahan nya na."Kung gaanon pinahihintulutan kitang tumungo rito sa kahit anong araw mo gusto"saad ng diyosa at sa araw na iyon ay naging mag kaibigan ang diyosa at ang binata sakadahilanan na uwe din ito sa pag iibigan ng dalawa, ngunit isang araw may isang trahedya na nag pa durog sa puso ni Sapphira.

Habang nag sasaya ang dalawang mag kasintahan,Hindi nila namalayan ang mga mamamayan ng Elindos ay isa isa nang pumapasok sa gubat upang gawin ang masama nilang balak sa diyosa kaya nag kagulo na ang mga hayop na nakatira sa gubat ng mag simula ng sunugin ng mga mamamayan ng Elindos ang mga puno na, saksihan naman ito ng kuneho at agarang tumungo sa mag kasintahan ngunit sakasamaang palad napansin ito ng isang mamamayan ng Elindos at sinenyasan ang mga kasama na sundan ang kuneho,
Pag karating ng kuneho sa mag kasintahan ay agad agad syang nag salita kahit na pagod na pagod na sya"Ginoong Lucas Mahal na diyosang Sapphira nilulusob ho tayo ng mga mamamayan ng Elindos na susunog na po ang mga puno at kumakalat na ito sa buong gubat"saad ng kuneho bago pa mag salita ang diyosa ay nakarating na ang sampung mamamayan ng Elindos sakanilang harapan kaya tarantang napatayo si Lucas ng makilala niya ang mga ito"Simon ano itong ginagawa nyo?"saad ni Lucas"Labas ka na rito Lucas ang diyosa lang ang kailangan namin "saad ni Simon kay Lucas"Hindi ako makakapayag na galawin nyo ang aking kasintahan Simon"Saad ni Lucas"Lucas alam mo na bawal ang mga kagaya natin na umibig sa isang diyosa o kung sino mang nilalang"saad ni Simon"Wala akong pake alam sa mga pamahiin ng ating lugar Simon dahil kahit kailan hindi mo ma tuturuan ang puso umibig sa iba"saad ni Lucas"Walang pa tutunguhan yang pag ibig nayan kung sumpa naman ang ibibigay sayo"saad ni Simon"Kung ganon dadaan ka muna saakin bago mo mahawakan ang aking kasintahan Simon"saad ni Lucas"Mahal ko wag mong gawin yang nasa isip mo"saad ng diyosang si Sapphira ng mabasa nya ang nasa isip ng kanyang kasintahan"Ibubuwis ko ang aking buhay para sakaligtasan mo mahal ko"saad ni Lucas sa diyosa at hinalikan ito sa noo humarap sya muli kaya Simon at sa siyam panitong kasama dala ang kanyang armas na bigay ng kanyang kasintahan sa una nilang anebersaryo"Mukang handa ka ngang mamatay para lamang sa diyosang iyong iniibig Lucas"saad ni Simon"Kahit ikaw pa na matalik Kong kaibigan ang aking kakalabanin mas nanaisin ko pang mamatay upang protektahan ang aking kasintahan"saad ni Lucas at agarang sinuod sina Simon, Dahil sa mag isalamang si Lucas sa pakikipag laban mas marami syang sugat na natamo kumpara sa mga naka laban nya kaya di maiwasan ng diyosang tumangis at mag alala para sa kanyang kasintahan gustohin nya mang gamitin ang kanyang kakayahan sa pag gamit ng mahika ngunit ito ay mahigit na ipinag babawal sa kanila na manakit ng isang mortal gamit man ang mahika o ano pang bagay na pwedeng makapanakit sa isang mortal kaya wala na syang ibang magawa kundi ang umiyak ng umiyak at maawa sa kalagayan ng kanyang kasintahan,ngunit mas nakapandurog ng puso ni Sapphira ang nasaksihan nya, unti-unting bumabagsak ang katawan ng kanyang kasintahan sa lupa at nag labas ito ng dugo sa kanyang bibig kaya agaran nyang dinaluhan ang kanyang mahal na kasintahan habang sya ay tumatangis"Mahal ko kumapit ka gagamitin ko ang aking kakayahan upang ma pagaling ang iyong sugat"saad ng diyosa habang ito ay tumatangis at agad na nilagay nito ang na nginginig nyang palad sa malalim na sugat ng kanyang kasintahan ngunit agad naman itong hinawakan ni Lucas kaya napatingin sya sakanya kasintahan"Ano ba mahal ko bitawan mo ang aking kamay upang maoagaling ko na ang iyong sugat"saad ng diyosa habang winawaksi nya ang kamay sa pag kakahawak ng kanyang kasintahan"Mahal ko wag mo ng sayangin ang iyong kapangyarihan sa upang ako'y gamutin, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Sapphira"na luluhang saad ni Lucas at hinalikan ang kamay ng Diyosa"Mahal na mahal rin kita Lucas"saad naman ng diyosa sa kasintahan at agad itong niyaka ilang segundo lang ay lumuwag na ang pag kakahawak ng binata sa kamay ng diyosa at tuluyan na itong binawian ng buhay kaya naman hindi na nakayanan ng diyosa ang mas mapaiyak pa"Oh diyos ng lahat pahintulutan nyo sana ako sa aking gagawin I aalay ko ang aking buhay upang mabuhay lang syang muli kahit pa kapalit nito ang pag kawala nya ng ala-ala saaming pag mamahalan isinusuko ko ang magiging isang immortal ko at ang aking buhay upang mabuhay ang aking minamahal"saad ng diyosa sa kanyang isipan agad naman syang naka kita ng imahe sakanyang isipan kaya tumayo sya at tinignan nya ang na susunog na kagumatang kanyang tinitirhan at ang mga hayop na kanyang inaalagaan"Ako Si Sapphira Amethyst ang diyosa ng kalikasan inaalay ko ang aking buhay upang mabalik sa dati ang buhay ng mga mamamayan ng Elindos at inaalay ko ang aking buhay upang buhayin ang mga namatay sa araw na ito sa ngalan ng aking kapangyarihang taglay inuutusan Kong burahin mo ang memorya ng bawat mamanayan ng Elindos kasama na ang memorya ng aking minamahal na kasintahan at gawing maayos ang lahat!"saad ng diyosa at nag palabas ng nalakas na enerhiya galing sa kanyang mga palad at dahil sa kanyang ginawa ay naramdaman nyang unti-unti na rin syang nag lalaho ngunit bago sya tuluyang mag laho sa mundo ay sinulyapan nya ang kanyang minamahal ng kasintahan sa huling pag kakataon"Paalam mahal ko"bulong nya sa hangin bago sya tuluyang naglaho na parang bula.

Sumunod na araw ay naging normal na ang Elindos na buhay ang mga namatay sa araw na yun kasama na duon si Lucas wala silang maalala tungkol sa diyosa at ang gubat ng Sapphire naman ay naging isang ordinaryong gubat na lamang, na muhay ang lahat sa paniniwala na ang mahika at iba pang impusible sa mundo ay pawang katang isip lang para sakanila at pawang istorya lang para sa mga kabataan.

At dito na nag tatapos ang istoryang pinamagatang Ang diyosang si Sapphira.

Ang diyosang si Sapphira(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon