Irene's Pov:

857 19 2
                                    

Ako ang bunso at pangatlong anak nina dating presidente Ferdie Marcos at bise presidente Imelda Marcos. Matagal nang panahon ang nakalipas mag-mula nang matapos ang termino ng aking mga magulang kaya hindi ko na rin halos inabutang nakaupo ang aking mga magulang sa gobyerno. Ayon sa aking ama ay matagal na silang nanunungkulan sa bayan. Mayron akong dalawang kapatid. Ang ate kong si Imee ay kasalukuyang nakaupo bilang gobernadora sa aming bayan sa Ilocos Norte. Ang kapatid ko namng si Bong Bong ay nakaupo ngayon bilang isang senador, habang ang aking mga magulang ay riterado naman na rin at kasalukuyang abala sa pag-aalaga ng anak ni Imee. Mabalik ako, ako namn si Irene, ang diabetic na anak nila na namana ko pa sa aking lola. Bata palang kami ay hinuhulma na kami ng aming mga magulang at pinipilit na pumasok sa politika. Noon, ako ang pinaka-matino sa aming tatlo dahil palagi akong naka-sunod sa mommy at daddy. Ngunit nang makita ko ang diperensya sa malayang buhay na mayron ang iba at sa tingin kong wala ako ay hindi ko itinuloy. Alam ko rin namna sa sarili ko na ayokong pumasok sa mundo ng politika, kaya kahit anong pilit nila sakin ay hindi ako pumasok sa kahit ano na tungkol sa politika. Gayunpaman, marami-raming tao pa rin ang nakakakilala sakin dahil palagi naman akong nasa tabi ng aking mga kapatid upang sumuporta. Hindi ko kasi talaga kaya ang mundo nila, hindi nila ko kagaya. Ang gusto ko ay libutin ang buong mundo at makita ang ganda nito.

Noong tumungtong ako ng bente dos anyos ay kinausap nako ng magulang ko na kailangan ko nang mag-umpisang tumakbo gaya ng ginawa nila sa mga kapatid ko ng tumungtong sila sa gantong edad. Wala namang pakealam ang mga kapatid ko kung pumasok ako o hindi sa politika dahil suportahan lang naman kami sa mga ginagawa namin at hindi pakialamanan ng buhay. Hanggang sa dumating na sa puntong pinapili na nila ako kung politika o lumayas ako sa pamamahay. Mabuti nalang at may kaunti akong ipon kaya napag-isipan kong umalis na sa bahay. Nang araw na umalis ako ay wala ako ni isang pinag-sabihan kung saan ako tutungo. Wala akong kaalam-alam kung saan ako pupunta at kung ano ang mangyayare sakin. Ang alam ko lang ay kailangan kong makaalis samin. Hanggang sa napadpad ako sa isang liblib na lugar sa bayan ng Cagayan. Mababait ang mga tao rito. Hindi ko alam kung dahil ba sa anak ako ng mga kilalang tao o dahil maganda lang din ang pakikitungo ko sa kanila.

Sa loob ng halos limang taon ay maayos pa naman akong namumuhay rito at nasanay narin sa ordinaryong buhay lang. mahirap dahil hindi pa sumasapat ang kinikita ko sa gastusin kada araw kaya naman nagkakaron pa ko ng utang sa kung kani-kanino. kung tutuusin ay gusto ko rin namnag bumalik sa dati kong buhay na puro punta lang sa iba't ibang lugar habang nag-aaral ngunit kung isasama ang buhay ko kung saan pinipilit akong pumasok sa politika ay huwag nalang. Sa ngayon ay namamasukan ako sa isang restaurant dito sa Cagayan para matustusan ang gamot ko sa diabetes. Kung dati ay maikli ang buhok ko, ngayon ay sinadya ko itong pahabain na hanggang dibdib para naman hindi ako ganon kabilis makilala. Para naman matustusan ko ang pambayad ko sa renta at sumasama ako sa mga gig ng mga nakilala kong mga musikero dito. Hindi ko man natupad ang gusto ko na libutin ang buong mundo ay kahit papaano ay masaya naman ang buhay ko.

Marami na ang nangyari sakin sa loob ng limang taon. Syempre, ganon din sa pamilya ko na kailan man ay hindi ako tinangkang hanapin, maging ang mga kapatid ko. Si Imee ay nabalitaan kong nanalong muli bilang gobernadora at si Bonget ay nanalong muli bilang senador nitong huling eleksyon. Nabalitaan ko rin na muling nagkaron ng anak si Ime kay Tommy dahil sa balita, balak ko sanang puntahan ito upang dalawin man lang sa ospital at makita ang pangalawang pamangkin ko ngunit hindi naman sapat ang kinikita ko para bumili ng ticket papunta ng maynila at pabalik rito. Wala na akong komunikasyon sa kanila mag-mula nang umalis ako hanggang ngayon. Tanging mga balita nalang ang nagsasabi sakin kung ano na ang nangyayari sa pamilya ko.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong sakin ng kasamahan ko.

"Mauna na kayo." Sabi ko.

"Halika, hati tayo." Sabi nito.

Tumanggi ako ngunit pinilit niya parin ako.

"Baka nakakalimutan mong diabetic ka." Sabi niya na nakapag-pilit sakin.

Naka-tatlong subo lang rin naman ako tsaka ako umayaw. Sakto naman ay biglang tumunog ang alarm ko dahil oras na para magsaksak ako ng insuline ko.

"Bakit kasi hindi mo ilapit yan sa Araneta Care?" Tanong niya habang tinitipid ko ang katiting na insuline.

"Sinubukan na nga diba? Eh puro pangungutya lang sa pamilya ko ang nakuha ko. Pinalayas pa nga ako diba?"

"Eh bakit hindi ka dumerecho sa head? Balita ko linggo-linggo naman siya diyan."

"Alam mo, kilala ang mga Araneta na matindi ang galit sa pamilya ko. Paano ka naman nakakasiguro na hindi galit sa pamilya ko ang head non?"

"Eh paano ka rin naman nakakasiguro na galit ang head non sayo?" Sabi nito. "Irene, buhay mo na ang nakasalalay dito. Noon, kinakaya mo....kasi hindi pa ganon kalala ang sakit mo. Eh ngayon, daily na kailangan ng katawan mo yan."

"Kaya ko pa naman." Sabi ko.

"Anong kaya, eh halos hindi ka na nga kumakain at namamahinga kaka sideline mo para lang matustusan yang gamot mo tapos sasabihin mo kaya mo pa? Bakit kasi hindi ka nalang bumalik sa magulang mo?"

"Mamatay nalang ako kesa bumalik ako sa kanila." Sabi ko habang nag-gigilid ang luha.

Kung tutuusin ay may punto naman nga ang kaibigan kong si Ana. Hindi ganon kadali ang mabuhay ako sa loob ng isang araw. Buong gabi ay hindi ako natulog na kung tutuusin ay yun nalang ang araw na pahinga ko sa loob ng isang linggo dahil wala akong sideline ng gabing yon. Buong gabi akong nag-isip kung ilalapit ko ulit ang karamdaman kong ito sa Araneta Care dahil aaminin ko, hindi ko na talaga kayang suportahan ang sarili ko sa mahal ng mga gamot at gastusin ko sa loob ng isnag araw.

Like Romeo and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon