Chapter 17

1.5K 82 9
                                    

Mau

"Dito nalang ako. Ang totoo niyan ay nagbakasakali lang ako kung madadatnan kita" sagot nito nang anyayahan ko siyang pumasok sa unit ko.

"Sige na po, pumasok napo kayo. Lalamigin po kayo dito sa labas" wika ko na may halong kaba. At nilakihan ang bukas nang pintuan.

Wala itong nagawa kung hindi sumunod at tuluyang pumasok.

Tahimik lang kaming dalawa. Nagpapakiramdaman.

Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin, iisipin, o sasabihin.

Sumbatan ko ba siya dahil sa pag-iwan niya saakin noong sanggol pa lamang ako? Sabihin lahat nang hinanakit ko sakanya sa ginawa niya saakin at kay Nanay Weng? Paalisin nalang dahil kahit na anong pahayag niya ay wala nang magbabago.

Sa mga bagay na tumatakbo na 'yon sa isipan ko, pinili ko nalang na alukan siya nang makakain at maiinom.

Pinaupo ko siya sa may sala habang kumukuha ako nang pagkain sa may kusina. Nanginginig ang mga kamay ko at kumakabog ang puso ko. Sa kaba? Sa galit? Sa kalungkutan?

Nang una ko siyang nakita ay para akong nakatingin sa salamin. Kung man may makakita saaming dalawa ay aakalain na kami ay kambal.

Nilagay ko ang isang bote nang juice at mga tinapay sa may center table.

"Salamat" wika nito. "Hindi ako magtatagal dahil lumalalim narin naman ang gabi" tuglong pa niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko at tinignan lang siya. Sa totoo lang, wala akong maramdaman.

Hindi ko siya kilala. Hindi kami magkakilala.

"Bakit ka nandito?" mahina kong tanong na sapat lang para marinig niya.

"Gusto ko saakin manggagaling lahat nang kasagutan tungkol sa nangyari saatin noon"

Katumbas nang bilang nang araw na ako ay nabubuhay sa mundong ito ang bilang ng mga katanungan ko tungkol sa pagkatao ko. Pero ngayong nasa harapan kona ang taong may alam sa lahat nang sagot ay parang na-blanko ako.

"Nagsisisi ako na iniwan kita" panimula niya dahilan para tignan ko siya sa mata. "Pero hindi ako nagsisisi na hindi ko pinilit. Hindi ako nagsisisi na pinili kong lumayo"

Huminga akong malalim. Ang bigat sa dibdib.

"Kung katumbas nang paglayo ko ay ang kasiguraduhan na malalayo ka sa peligro ay gagawin ko. 'Yon ang pinili ko"

"Peligro?" kunot-noo kong tanong.

"Dalaga pa lang ako ay pumasok na ako bilang kusinera. Alam ko alam mo naman na sakto lang ang buhay namin noon kaya kailangan kong manilbihan. Pinasok ako nang kaibigan ko bilang tagapag-luto sa bahay nang pinsan ni Cong. Bridgette noon. Maganda ang pakikitungo nila saakin lalo na't bata pa ako" atsaka ito ngumiti nang mapait. "Mabait ang mga amo ko. Malapit sila saaming mga kasambahay at sinasahuran din nang tama. Hangga't sa umuwi ang kapatid nito na galing sa Baguio. Siya ay gwapo, matalino, at mabait. Ang bulung-bulungan pa nga noon ay chickboy daw"

Hindi parin ako kumikibo. Parang alam ko na ang patutunguhan nang kwento na ito.

"Naging malapit ito saakin. Walang halong pamimilit o pagbabanta, naging magka-relasyon kami. Pero syempre tago lang dahil kapatid siya nang amo ko. Sa kalahating taon na nanatili siya doon sa bahay nang amo ko ay may relasyon kami. Napamahal ako sakanya" atsaka ito bumuntong-hininga. "Ngunit nalaman ko na may asawa pala ito sa Baguio. Wala silang anak pero kasal sila. Nalaman ko lang nang bumisita ang babae sa bahay namin ni Nanay. May mga kasama itong bodyguard at pinagbantaan ang buhay ko at ang buhay ni Nanay" wika niya habang garalgal ang boses nito.

Silver Screen (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon