Prologue

13 0 0
                                    

Sabi nila ang pag-ibig ang isa sa pinakamahiwagang pangyayari sa ating buhay. Dito raw mararanasan ang iba't ibang emosyon sa iba't ibang pagkakataon. Kung minsan ang pag-ibig ang magdidikta sa atin kung paano tayo lalaban sa buhay na ito. Sa pag-ibig nakakakuha ng inspirasyon ang isang tao pero sabi nila sa pag-ibig din daw tayo masasaktan ng sobra.

Ang pag-ibig ang pinaka-plot twist ng buhay ng tao sapagkat kaya nitong baguhin ang ikot ng buhay mo. Once na magmahal ka raw, mahihirapan ka na sa bawat desisyon mo sa buhay. Kaya kailangan matatag ka pagdating sa emotion sapagkat kaya nitong kainin ang buong pagkatao mo.

Ang pag-ibig walang pinipiling oras at pagkakataon. Kusa itong dumarating sa panahong hindi natin inaasahan at sa taong kailanman ay hindi natin naisip na isang araw siya na pala ang tinitibok ng puso natin.

At ang pag-ibig ay hindi ipinipilit. Dahil ang pag-ibig ay kusa at walang hinihinging kapalit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Confession of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon