Kabanata 1:
“Darryl, itapon mo nga nga itong mga
pinaghugasan namin ng paa.”
Tatlong mga babae ang makikitang
nakaupo sa isang sofa, katatapos lang nilang
ibabad at hugasan ang kanilang mga paa.
Nagpapakita ng kaakit akit na ganda at class
ang mga ito sa sinumang titingin sa kanila
mula sa malayo, mayroon din silang kanyakanyang mga asset. Isa sa mga ito ang
asawa ni Darryl habang ang dalawa ay ang
dalawang pinakamatatalik niyang mgakaibigan.
Matapos marinig ang utos ng kaniyang
asawa, masunuring itinapon ni Darryl ang
maruming tubig mula sa tatlong mga
pinagbabarang batsa. Hindi na siya
nakagawa ng kahit na anong imik dahil isa
siyang manugang na nakikitira sa pamilyang kaniyang asawa. Kahit tatlong taon na
ang lumipas mula noong ikasal sila ng
kaniyang asawa, hindi na siya nagkaroon
ng lugar sa pamilya ng kaniyang
napangasawa. Madalas siyang sinesermonan
ng kaniyang asawa at ng kaniyang biyenan
sa tuwing nakakagawa siya ng kahit
kaunting mali na makita ng mga ito sa
kaniyang mga ginagawa. Mas nagawa pang
irespeto ng mga ito ang kanilang aso kaysa
sa kaniya.
Tatlong taon nang kasal sina Darryl at
Lily Lyndon, pero mukhang sa pangalan
lang ito makikita dahil hindi pa kailanman
nila nasusulit ang kanilang pagsasama. Ni
hindi manlang niya mahawakan ang kamay
ng kaniyang asawa! Sa sahig lang din
natutulog si Darryly dahil sa tindi ng inis sa
kaniya ng asawa niyang si Lily.
Paglalaba, pagluluto, paglilinis ng mga
kuwarto, ang lahat ng gawaing bahay ay
nakatoka kay Darryl araw araw. Isang araw,(To Be Continued....)