Promise

9 0 0
                                    

Bakit ganun? Bakit lagi nalang akong iniiwan ? Grabe naman yata si Kupido sakin. Naguguluhan naba kayo ? Ganito kasi yun .

Ako si  Marie Elly Lim. Half filipina Half Chinese. First time kong makaramdam ng ganitong feeling nung 1st year highschool ako . Yung feeling na butterflies in your stomach, slowmo pag nakikita siya at marami pang unidentified feelings . Hindi ko pinansin yun at iniisip ko na parang natural lang yun sa magkaibigan . OO kaibigan ko si NICO ! Hanggang sa umamin siya sakin na may gusto daw siya sakin . Nanligaw siya sakin ng 2 years, sasagutin ko na sana siya sa tagpuan namin kaya lang di siya sumipot. Hanggang sa nagkita kami kinabukasan . Sinabi niya na titigil na siya sa panliligaw magpapahinga daw muna siya dahil feeling niya pinapaasa ko lang siya. Sabi pa niya "El babalik ako. Magpapahinga lang ako dahil masyado na kong pagod pero di ibig sabihin nito na hindi na kita mahal . Mahal na mahal kita El ! Babalik ako. Promise ! " NASAKTAN ako ng sobra . Pinigilan ko siya pero sabi niya hayaan ko muna siya , mag-iisip lang daw siya at marami pang dahilan . Hindi ko siya napigil. Hanggang sa Isang linggo ang lumipas at wala akong narinig mula sa kanya, umaasa pa rin ako sa pangako ni Nico . Hanggang isang linggo pa ang lumipas may tumawag sakin. Si Nica, kapatid niya. Umiiyak . "Ate. Si kuya... si kuya ate .... Wa-wa-wala na si kuya" Nanlumo ako sa sinabi ni Nica . Agad naman akong pumunta sa kanila . Di pa ko nakakapasok nakita ko na agad ang mga funeral materials na pinapasok sa bahay nila . Pagpasok ko sinalubong ako ni tita . Sa kanya ko nalaman na hindi pala talaga napagod sa panliligaw sakin si Nico dinahilan lang daw yun ng anak niya dahil ayaw akong masaktan ni nico pag nawala siya . Kaya hindi rin pala nakasipot si Nico ng araw na yun dahil yun ang araw na nalaman niyang malala na ang sakit niya at hindi na siya aabot ng isang buwan . Napaluhod nalang ako sa kabaong ni Nico . Hindi ko kaya! Hindi ko kayang makita ang taong mahal ko sa ganung kalagayan . Hanggang Sa araw ng libing ni Nico , Ibinigay na sakin ni tita ang bulaklak na ihahagis ko habang ibababa na ang kabaong. Paalam Nico ! Mahal na mahal kita , kayo ng magiging baby natin. Oo baby namin! May nangyari samin ni Nico ng di namin sinasadya.

Sabi nila Promises are meant to be broken . Naniwala ako dun ng hindi ko pa tanggap na wala na siya . Pero sa kabilang dako, Ang mga pangako ay talagang napapako depende sa tao . Depende kung kaloob ba ng Diyos . Malay niyo diba ? May mas better pa . Meron palang magandang dulot yung di niya pagtupad ng pangako niya .
Once again, I am Marie Elly Lim together with my baby inside my tummy Promises to love Nico Guevarra Forever and Always .

-The end-

Hope you like it guys ! kung may gusto kayo iclear. Open ako sa ganun. Mas gusto ko kasi yung pakwento style eh yung walang masyadong palitan ng lines . Yun lang ! Thanks again. Godbless

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon