Deadline.
Marami sa atin ang naiinis sa salitang iyan. Halos isumpa natin dahil para itong kamatayang lumalapit sa atin. Pero para kay Justmainey, deadline ang pinakainspirasyon niya kaya nabuo ang kwentong Ab Initio.
Nabuo dahil sa determinasyong hatid ng pressure at deadline. Ngunit kung babasahin natin ang kwentong ito talaga nga namang hinubog sa magandang anggulo ang kwento. Walang bahid ng kapangitan at kalaitan. Astig kong astig!
Humihilera sa pinakasikat at pinakamagandang kwento sa Mystery Section. Iyan ang Ab Initio. Astig ng plot. Mapapanganga ka sa story line.
Nagsimula itong maikwento ng mga panahong sumali si Mainey sa isang writing contest, The Voice of Wattpad, at kailangan niyang magpasa ng isang nobela bilang huling entry niya sa contest. Sinimulan niyang isulat ito isang taon na ang nakakalipas. Sa tantsya niya ito ay buwan rin ng Mayo o Abril. Para sa kaniya hindi madaling isulat ang kwentong ito dahil sa mga struggle na naranasan niya during the production tulad ng doubt niya sa kaniyang sarili. Hindi niya sigurado kung kaya niyang panindigan ang kwentong ito na nasa misteryosong tema. Nais kasing lumikha ni Mainey ng isang kwentong kakaiba, iyong hindi pa nababasa nino man. Malayo sa lasa ng ibang mga manunulat. Pangalawa, natatakot siya sa sasabihin ng iba. Takot siya sa kritisismong isasambit ng kanilang bibig. Pero dahil contest naman iyong sinalihan niya, alam niya sa sarili niyang hindi maiiwasan ang ganoong puna. Ngunit ang ilan sa mga punang ito ay may halong positibong aral na siyang gagamitin niya sa susunod niyang pagsusulat.
At kahit ganoon man ang naranasan ni Mainey habang sinusulat ang kwento, hindi niya kailan man naisipang isuko ang pagsusulat ng Ab Initio. Kumbaga, aniya, napamahal na siya sa kwentong ito.
Hindi nga niya binigo ang mga mambabasa sa ganda ng kaniyang obra.
"Gusto ko lang mag-explore, 'yon lang. Kung may gusto man akong aral na gustong ibahagi sa mambabasa, 'yon ay piliin lagi kung sino ang pinagkakatiwalaan. Dahil hindi lahat ng akala nating mabuti ay talagang mabubuti, may ibang nagpapanggap lang." Isa sa mga dahilan kung bakit niya isinulat ang Ab Initio.
Kung tatanungin lang din naman si Justmainey ng isang salitang makakahanay sa kaniyang kwento ito ay ang salitang "Feels".
Talaga namang nakakahanga ang kwentong ito. Hindi lamang kakaiba ang naturang plot kundi maganda din ang nais nitong sabihin sa mga mambabasa.
BINABASA MO ANG
FEATURED STORY FOR THE WEEK - May Issue
RandomMay Issue Every week, we are putting the spotlight to a deserving story that the readers will love. This is a compilation of all the featured story in our page: https://www.facebook.com/thewattpadspotlight PLEASE LIKE WATTPAD SPOTLIGHT in FACEBOOK!