Four years ago
"SIGURADO ka ba diyan?"
Sumandal si Cha-Cha sa headboard ng kama at inayos ang cell phone sa kanyang tainga. "Yep, pinag-isipan ko na. Pupunta ako sa Tokyo para magkasama kami ni Edmond."
"Yeah, you and your loving long-distance boyfriend," tinatamad na sagot ni Jane sa kabilang linya.
"Iyong tono mo na naman," angal ni Cha-Cha. Nasa ibang bansa si Jane at doon nagtatrabaho. High school pa lang ay mag-best friend na sila.
"Hindi ka pa nasanay.Alam mo namang hindi ako boto diyan sa boyfriend mo."
"Jane, tapos na iyon. Nakalimutan ko na, hindi ka pa rin nakaka-move on?"
"At iyon ang hindi ko maintindihan. T-in-wo time ka niyang Edmond mo noong magkasama pa kayo diyan sa Pinas, pero pinatawad mo. Ngayon pang nasa ibang bansa siya, hindi siya magloloko? Iisipin n'ong makakalusot na naman siya sa 'yo," sermon nito.
"Last year pa iyon.Nangako naman siyang magbabago. Relationship is about trust. Mahal ko si Edmond kaya ko siya pinatawad. Once you love someone, you will have to learn to forgive." Isang taon at kalahati nang boyfriend ni Cha-Cha si Edmond. Kapatid ito ng isa niyang kaklase noong college. After graduation, nagkita muli sila ni Elaine, ang kapatid ni Edmond. Ipinakilala siya nito kay Edmond. She and Edmond got along well. Nanligaw ito, sinagot niya.
Maayos ang relasyon nila.Walang problema.Sweet si Edmond at maalaga. Kaya hindi niya inasahang babalikan nito ang ex noong lagpas anim na buwan na silang magnobyo. Si Elaine ang nagtapat niyon sa kanya. Hindi maatim ng kaibigan na niloloko siya ng kapatid nito. Nagkabukuhan at umamin si Edmond. Pero nagmakaawa ito na balikan niya, nangakong hindi na uulit at siya ang pinipili. Binigyan niya ito ng pangalawang pagkakataon.
Naging maayos naman uli ang mga sumunod na buwan ng relasyon nila. On their first year, ipinadala si Edmond ng kompanyang pinagtatrabahuhan para sa intensive two-year training sa Tokyo. Maayos pa rin ang relasyon nila kahit long distance. Pero hindi niya maamin kahit sa sarili na natatakot din siyang baka magloko na naman si Edmond, lalo pa at magkalayo sila. Kaya naman balak niya itong sorpresahin sa pagpunta niya roon.
"Ewan ko, ha. Ilang beses ko nang sinabi ito sa 'yo. Once a glass is broken, it will never be the same. Granted na hindi tuluyang nabasag, puwede mo pang gamitin pero may lamat na. Magdadalawang-isip ka na baka matuluyan na siyang mabasag. That's like trust. May lamat na. At sa likod ng isip mo, hindi mo maiiwasang maisip na paano kung gawin niya uli iyon sa 'yo? Nagawa na niya noong una at nakalusot siya. So, mas madali na ang pangalawa," mahabang paliwanag ni Jane.
"Well, that's about having a relationship. Katulad ng sinabi ko, mahal ko si Edmond kaya binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon. Naniniwala naman ako sa kanya na hindi na niya sisirain pa ang tiwala ko."
"Whatever," resigned na sagot ni Jane sa kabilang linya. "Pumayag ba ang mommy mo at kuya na sundan mo si Edmond sa Tokyo?"
"Nagpaalam ako. I'm twenty-three already, an adult. Hindi na ako puwedeng pigilan ng kahit sino na pumunta sa gusto kong puntahan o gawin ang gusto kong gawin."
"Alam ba nila ang ginawa ni Edmond sa 'yo?"
Hindi nakaimik si Cha-Cha. Hindi niya iyon sinabi sa bahay. Tiyak niyang hindi makakatapak si Edmond kahit sa labas man lang ng gate kapag nalaman sa bahay ang nangyari.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 2: Loving A Stranger (Somebody's Me) (Soon To Be Published)
RomanceTitle: RANDY’s Sweetheart 2: Loving A Stranger (Somebody’s Me) Author: Kimberly Lace