Kierre..
Graduation na pala.. Congrats pala may best ka. Tsk. Tsk. Nga nga ako eh. Pero hindi ko alam kung niloloko mo yung girlfriend mo kasi nakita ko kayo ni Helen na magkahawak kamay at naghaharutan nung may binalikan akong gamit sa classroom. Alam mo, wag mo sana siyang lokohin. Kasi dapat ang mga babae minamahal hindi pinapaiyak. Si Dianne? harujusko. Nag-aasume na mahal mo siya kesa sa girlfriend mo. Ayun nag-iinarte sa mga kaibigan niya. Pero ang alam ko nililigawan ni Lorenz si Helen ah. Kawawa naman pinapaasa ni helen. Ang bait bait pa naman. Nakakainis pinagagalitan na nanaman tayo ni Mam Putak. Leshe. Putak ng Putak.
Sorry. Hanggang dito nalang yung pagsusulat ko sayo. At hindi mo naman siguro kailangan na makilala ako. Pero... Gusto kita. Naduduwag lang ako. Kasi baka akong babae pa yung mabasted.
Di naman kasi ako mag-assume na liligawan mo pagnagkita tayo. Titigil ko na tong kahibangan ko kasi baka lumalim pa itomg nararamdaman ko. Nagkabalikan na pala kayo ng girlfriend mong si sheryl. Sana tumagal kayo. Patunayan niyong may forever. Wag mo na siyang sasaktan ha. Mamimiss kong sumulat sayo. Yung maloloka ako kakaisip ng sulat na mabibigay sayo at yung pag-iistalk ko sayo sa school at sa social media. Shaka... Si Rosa.. nabalitaan mo bang di siya naka-graduate? Hindi kita sinisisi ha. Pero kawawa siya. Ikaw ba namang i-two-time. Ooopppps. Sorry.
Ingat pala.
Wala na akong masulat eh. This is goodbye na nga.
Alagaan mo ang sarili mo.