Julliette's PoV
"Hihihihihi." Kinikilig ako ngayon habang tinitignan ko ang picture namin ni Lucas sa cellphone ko.
"Uy Girl! Tignan mo oh! Ang gwapo ng Boyfriend ko. Hihi." Dahil sa sobrang pagkakakilig ko, hinahampas hampas ko na ang ang bestfriend kong si Shiela.
"Kung makahampas naman ito!" Iritadong ani niya. "Ikaw na babae ah! Ano bang nagustuhan mo diyan sa Lucas na 'yan?"
"Bakit? Kailangan bang merong dahilan para mahalin mo ang isang tao? Hindi ikaw ang nagdedesisyon kung sino ang dapat mong mahalin noh." Tinuro ko naman ang puso ko at ang sentido ko. "Sila ang nagdedesisyon kung sino ang dapat mong mahalin." Tugon ko sa tanong ni Shiela.
"Aba! Kailan ka pa natutong manermon ng tungkol sa pag-ibig."
"Haha, Ngayon lang. Hihi."
Totoo naman sinabi ko ah, isa ng halimbawa ay ako. Hindi ko rin kasi alam kung paano ako nainlove sa isang katulad ni Lucas na isang masungit, short tempered, mahilig makipag-away na kinakatakutan ng mga tao at higit sa lahat bipolar.
Sa maniwala kayo man o hindi, ako ang nanligaw sakaniya. Nyahaha. Landiii! To be honest ayaw niya dati sa presence ko to the extent na nasigawan na niya ako at nasaktan ako ng sobra sa mga sinabi niya at tuluyan na akong umiyak. At dahil rin 'dun, that's the first time that I saw another side of him.
Nabigla naman ako sa sinabi niya. "F-fine, We could be a couple so please stop crying. Pasensiya na sa nasabi ko sa'yo kanina." Ganito ba siya magcomfort ng babae? Sinasagot na daw niya ako?
At kahit na ganun ang nangyari kung paano naging kami. Masaya parin ako kasi merong napuntahan ang effort kong magustuhan ako ni Lucas.
"Oh, speaking of the Devil, Parating na ang ever sungit na boyfriend mo." Nakita ko na nga si Lucas na paparating kung saan ako nakaupo. Nakapamulsa siya, and as usual nakasimangot at laging kunot ang noo.
Nang makalapit na siya saamin, niyakap ko siya. "Ano ba Julliette! Nakakahiya itong ginagawa mo oh. Para kang bata!" Sigaw niya agad saakin at Inilalayo niya naman ako sakanya na ulo ko ang unang inilalayo niya.
Hindi naman na ako nangulit kaya inalis ko na ang pagkakayakap ko sakaniya.
"Pumunta ako rito para sabihin na sabay tayong umuwi mamaya."
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bipolar [Completed]
Short StoryIsa Siyang Bipolar na Lalaki. Eh ano ngayon? MAHAL KO NAMAN.