Last Part

119 7 0
                                    

Julliette's PoV



Di parin maalis sa isipan ko kung sino 'yung babaeng kasama niya kanina.



Oo, aaminin ko nagseselos ako. Ikaw ba naman makita ang boyfriend mo na may kasamang babae at ang saya pa niyang kausap 'yung babae na minsan ko lang makitang ganun siya kapag kasama ako.



Mukhang close sila sa isa't-isa eh, 'di tuloy ako mapakali! WHO'S THE GIRL na kasama kanina ni Lucas?!



Nangangati na ang mga dila kong itanong kay Lucas ang dapat kong tanungin.



"Hoy babae, kanina ka pa space out jan. Tigilan mo na nga 'yang kaiisip mo mo kay Lucas at magconcentrate ka sa ginagawa natin ngayon!" Asar na paninigaw ni Shiela.



"Shiela, pilit ko mang hindi isipin 'yung nakita ko kanina eh mas lalo ko naman maiisip."



"Hay! Ewan ko na sa'yo, kung bakit ba naman kasi sa isang lalaking magbibigay lang sa'yo ng problema ang napili mong magustuhan."



"Shiela naman eh! Imbes na icomfort mo ako!"



"Icocomfort sana kita kaso, Tanga ka! Matagal ko na itong gustong sabihin sa'yo eh. Sa tingin mo mahal ka talaga ni Lucas? Para saakin hindi! Tignan mo naman kung paano naging kayo. Dahil naawa lang siya sa'yo? Dahil napaiyak ka niya? Juliette, mag-isip-isip ka na."



Waaah! Sa wakas! Dismissal na! Hanggang ngayon, inisip ko parin ang sinabi ni Shiela kanina pero ang importante ngayon ay makakasama ko na ulit si Lucas, at itatanong ko na ang gusto kong tanungin. Iniwan ko kaagad si Shiela ng hindi nagpapaalam sakanya at dumiretso na agad ako sa tagpuhan namin ni Lucas.



"Lucaaas! Andito na meee." Masayang palapit ako kay Lucas at niyakap ang braso niya.



Inalis naman niya ang yakap ko sa braso niya at halatang naiirita siya, bigla ko tuloy naalala nung nakita ko siya kanina na ang saya niyang kausap 'yung babae, at mas lalao kong naalala ang sinabi ni Shiela saakin, hindi ko na talagang maiwasang isispin kung mahal ba niya talaga ako.



Was it all an act? Napipilitan lang kaya talaga siya saakin? Ano ba talaga?



"Hehe, Sorry nangugulit nanaman ako." Sa totoo lang, naoffend ako sa ginawa niya. Nagsimula na akong maglakad leaving Lucas Behind. Naramdaman kong sumunod na siya kaya naman mas binilisan ko ang paglalakad ko.

Ang Boyfriend Kong Bipolar [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon