Ilang araw na din nanliligaw si Matteo pero wala pa akong balak na sagutin ito hindi ko alam natatakot ako ewan.
Nasa opisina lang ako buong araw ang dami kung ginawa halos nakalimutan ko na din nga kumain sa sobrang busy.
"Ma'am may nag hahanap po sa inyo" sabi ng secretary ko.
"Papasukin mo"
"Sige po"
At pumasok na nga nito at iniluwa nito ang manliligaw ko jusmiyo eh hindi pa ako ready at ang gulo ng opisina ko.
"Oh Matteo anong ginagawa mo dito?" agad agad na tanong ko dito.
"Syempre bilang manliligaw mo araw-araw kitang liligawan no" sabi nito.
"Anudaw?"
"May dala akong pagkain dito,kain ka muna" sabi nito ang sweet ah.
"Ano ka ba hindi mo naman kailangang gawin yan pero thankyou"ngumiti lang ako sakanyan.
"Ahmm ayaw mo ba sa pagkain?" tanong nito sa akin na parang nahihiya, nakonsensya naman ako.
"No hindi sa ganon i mean hindi mo naman na kailangang gawin yan pero sige kakainin ko to" sagot ko dito at ngumiti naman ito saakin.
"Ako na mag hahanda nito para sayo"
"Thankyou" tanging sagot ko dito ang ngumiti.
Kumakain kami ngayon inaya ko narin itong kumain.
"Hmm Sarah" tawag nito saakin.
"Yes?"
"Aayain sana kitang lumabas mag d-date ba" sabi nito sakin.
"Sige okay lang pero pagkatapos natin kumain" napangiti naman ito sa sagot ko.
Matteo's POV
We're here at park si Sarah ang pinapili ko kung saan kami mag d-date.
"Matt dun tayo sa may mga treet foods oh" sabi nito sabay turo doon sa may nag titinda ng mga street foods.
"Sige ba pero sure ka bang kumakain ka ng isaw?" tanong ko dito ito kasi una nyang pinuntahan.
"Oo naman no oh ito try mo" actually hindi talaga ako kumakain ng isaw pero si Sarah to eh kaya okay lang.
"Masarap nga" sabi ko.
"Sabi ko sayo eh"
Sarah's POV
Kanina ko pa napapansin na parang hindi mapakali si Matt.
"Hoy Matt ok ka lang ba? kanina ka pa parang hindi mapakali?" tanong ko dito, nandito kmi ngayon sa may gilid ng park nakaupo.
"Ah Sarah ang sakit kasi ng tyan ko sa isaw siguro hmm actually hindi talaga ako kumakain non" sabi nito na ikinagulat ko.
"Ha bakit hindi mo sinabi? teka halika bibili tayo ng gamot mo" natatarantang sabi ko dito.
" No it's okay mawawala din to"
"Ha? dali na kasi" sabi ko dito
Yan po muna wala wala pa pong laman utak ko chariz.
Thankyou sa mga nagbabasa.♡