Chapter One

47 5 1
                                        

Chapter One



KAKATAPOS lang ng shooting nila para sa huling scene ng pelikula nilang 'That Promise'.


Tungkol ito sa babaeng pingangakuan ng lalaki na babalik ito at magpapakasal pagkatapos nitong mag-aral ng medisina sa amerika. Ngunit lumipas ang panahon at hindi na ito bumalik hanggang sa nabalitaan na lamang ng babae na kasal na ito sa ibang babae.


"Ang lalim ng iniisip mo ah." napabalik siya sa kanyang huwisyo ng marinig ang boses ng kanyang matalik na kaibigan.


"Regina." bati ko sa kanya habang nakangiti.


"George, sasama ka ba sa party mamaya?" she asked me innocently.


"Nope." I said popping the 'p' sound. "I'm not really feeling well right now. For sure, ang haggard ko nang tignan. Magpapahinga na lang ako later."


"Hmm. Do you want to eat first?"


"Saan naman?" tanong ko sa kanya.


"Kain tayo street food!" she squealed. Excitement is evident on her voice.

Hindi naman ako maka-hindi sa kan'ya kaya pumayag na lang ako.


Pagkalipas ng ilang minutong pag-byahe nakarating na rin kami sa sinasabi niyang lugar na maraming nagbebenta ng kung ano-ano.


Sabay lang kaming kumakain ng mga turo-turo.

Nang may lumapit sa aming grupo ng mga teenagers. Abot tenga ang kanilang mga ngiti habang nakatingin kay Regina.


"Ate Regina!" sigaw noong isang babaeng sa tingin ko ay nasa 15 o 16 pa lamang ang edad. Kasunod nito ang sigawan ng mga kasamahan niya.


"Ate Regina, pa-picture po!"


Being Regina she is, she smiled and nodded while answering them with a 'sure, no problem.'


"Ate George, pwede pong kayo magpicture sa amin?" I secretly rolled my eyes dahil halatang napipilitan lang itong mag-ate sa akin at mag-po.


Wala namang bago, teenagers dislike me. Para sa kanila aagawin ko si Stephen kay Reg. Hindi ko naman sila masisisi dahil lagi nga namang kontrabida ang role ko. Never pa akong naging bida dahil hindi nga bagay sa akin. Hindi kasi ako iyong tipo ng tao na inaapi-api lang.


Saka alam naman ng lahat na may gusto si Stephen kay Reg. Dahilan para mas dumami ang fans nila.


Pagkatapos ko silang kunan ng litrato nagpa-picture din sila sa akin at saka sila umalis.


Nagpatuloy na kami ni Reg sa pagkain pagkatapos noon.


Naputol lang ang kasiyahan namin ng mapansin ko ang pagiging mapula ng kanyang balat at tila ba nahihirapan siyang huminga.

The Devil's RoleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon