Chapter 3: My Friends

5.1K 119 1
                                    

"Hi" Bati ko kay Tyrone.

"Tch."

Ang sungit ng lolo nyo ha. Grabe. Namiss ko talaga sya. Gustong gusto ko na syang yakapin pero hindi pwede, kailangan kong magpanggap na nakaget over na ako sa kanya kahit hindi pa.

'Suplado' Bulong ko. Sa sarili ko.

"Nakakahiyaan pa ang mag ex e." Oo na ex ko nalang sya at ex nya na rin ako. Kailangan pa bang banggitin yun ha Ken!!! Bwisit ka talaga.

"Hi Riley ^____^"

"Nathannnnn Namiss kita." Sabi ko sabay yakap kay Nathan.

"Namiss din kita Riley."

"Tss. Nakakagutom makalabas na nga. Tabi nga." Sabay tulak sa amin.

Sabay kaming napatingin ni Nathan sa tumulak.

"Ano bang problema mo ha!!? Ba't ka ba nanunulak ha.!!?"

"Problema ko? Nakaharang lang naman kayo sa daan. Tss." Sabi nya sabay alis.

"Arrrrghh! Nakakainis talaga yung Tyrone na yun."

"Hayaan mo nalang Riley."

"Tch. Tara na nga lang sa cafeteria." Sabay hila kay Nathan.

"Uy uy pasama kami." Sabi nina Ken.

"Bahala kayo."

Andito na kami ngayon sa cafeteria grabe lang ang init >///< Katabi ko ngayon si Nathan. Si Ken ayon daldal ng daldal pati si Jayvee nahahawa narin sa kadaldalan ni Ken.

Si Ken Valdez Ang pinaka maingay sa tropa nila nina Tyrone pinaka babaero din at sya din ang pinaka makulit. Favorite nya si Spongebob as in favorite talaga. Ang kwarto nya punong puno ng spongebob collection. Pati nga ata brief nun spongebob din. Haha.

Si Nathan Enriquez ang pinaka friendly sa kanila bukod kay Ken. Napakabait nya sa akin. Sya lagi ang taga libre ko.

Si Jayvee Castillo naman tahimik lang minsan nagiging madaldal din yun dahil ay Ken. Wala na akong masabi sa kanya e. Hindi kasi kami masyadong close.

At magpapahuli ba ang EX KO. Haha. Si Tyrone Arellano ang dakila kung ex na sobra sa kasungitan kasupladuhan at kamanyakan. Haha medyo lang naman yung kamanyakan. Nahahawa na yata yun kay Ken. Ano pa bang masasabi ko sa kanya. Hmmm. Napaka maalaga nya sakin NOON. Minahal nya yata ako. Ewan ko lang. Hihi

Kung tatanungin nyo kung paano ko naging kaibigan sina Ken at paano ko naging ex si Tyrone. Wag nyo ng tanungin. Mahabang kwento e.

"Riley asaan sina Ellery?"

"Ba't mo naman hinahanap ha Ken?"

"W-wala lang."

"Asus. Palusot mo. Katetext lang sa akin papunta na daw dito."

"Rillllleeeeeyyyy."

"Bakllllllaaaaa."

"Ouch ang eardrum ko." Sabi ni Ellery.

"Ay! Ang arte ni atiii."

"Hoy charles tigil tigilan mo ako ha. Ang sakit nyo sa tenga."

"Yuck. Like O.M.G it's Carly not Charles. Kadiri ateng." Umarte pa na nasusuka itong si charles.

"Whatever" sabi ni Ellery sabay irap kay charles.

"Maddi natuod kana naman. Hindi kana naman nagsasalita."

"Wala lang akong masabi."

"Panis na laway mo atiii."

Si Ellery Gonzales isa sa mga bestfriend ko sya ang pinaka close ko sa lahat. May lihim na pagtingin yun kay Nathan. Hihi. Ang cute siguro nilang couple.

Si Charles Santos ang baklita kong bestfriend kasing ingay ni Ken yan. Patay na patay yan kay Ken. Kaso ayaw naman yan ni Ken kasi hindi daw naman sya mapapaligaya ni Charles. Haha.

Si Maddison Cruz girl version ni Jayvee. Pinaka tahimik sa lahat. Mahilig syang magbasa ng mga novel books. Hopeless romantic yan.

"Fafa Kennnnn. Namissss Kita."

"Yuck lumayo ka nga sakin charles."

"It's Carly :3 not charles."

Ayon naghabulan na naman ang dalawa. Namiss ko ang mga yun.

"Riley pwede ba tayong mag usap?"

"T-tyrone?"

~~~

Kamusta yung UD?

Nga pala guys sino gusto maging OP? Pm yung mga interesado. Kamsa :*

My Ex-Boyfriend Is My Baby's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon