You Owe Me That Kiss

69 3 0
                                    

                                                    C H A P T E R    1

"EH BAKIT naman kasi ayaw mo na lang sabihin na me gusto ka sa kanya!" pairap na sabi ni Jaja sabay halukipkip sa dalawang braso.  Kung meron mang taong nakakaalam ng tunay nyang nararamdaman, ang bestfriend nyang si Jaja yun.

"Hay naku Jasmine!, wala na bang ibang paraan?" Parang ang laki ng problema ni Cloei habang sinasabi yun sa kaibigan.

"Girl, tingnan mo nga yang sarili mo sa salamin...sino bang lalake ang tatanggi sa kagandahang yan?, para ka namang ewan eh"

Kung ibang lalaki lang sana ang nagustuhan nya, nasisiguro nya na maaaring tama ang kaibigan nya.  Mahirap naman talagang tanggihan ang brain and beauty na kagaya nya.  Hindi ba't hindi iilang lalaki lang sa school nila ang gagawin ang lahat para lang mapansin nya.  Pero bakit parang pagdating kay Olsen hindi sya nag e-exist.  Hindi kaya dahil parang younger sister lang ang turing nito sa kanya? Eh ano naman kaya kung best friend sya ng kuya nya.  

"That's the point, Jaja, bakit naman kasi ayaw nya akong pansinin kahit na panay ang pa-cute ko?  Maganda naman ako di ba?"  Sa mga nangyayari, nababawasan na tuloy ang kumpiyansa ni Cloei sa sariling kakayanan when it comes to getting guys attention.

Kahapon lang ay nataranta agad sya ng marinig nya sa nasa kanila si Olsen para maglaro ng basketball kasama ang kuya nya.  Kunwari hindi nya alam na nasa basketball court sila na medyo malapit lang sa swimming pool kaya nagpasya syang mag swimming.  Sa totoo lang, wala syang planong lumapit kahit sa poolside lang dahil hindi nya gustong masunog sa sikat ng araw.  Pero para makapagpapansin sa binata, sinadya nyang suotin ang isa sa pinaka sexy nyang bathing suit.  Floral red and white two piece ang napili nyang suotin that reveals her stunningly fair complexion.  Although, sanay na naman ang pamilya nya at mga kasambahay sa ganong kasuotan nya kapag nasa pool, hindi nya pa rin maiwasang mag atubiling lumabas ng kanyang kwarto.

Tinitigan ni Cloei ang sarili sa salamin bago tuluyang magtungo sa swimming pool.  Sa kanyang taas na 5'6" at balingkinitang katawan, idagdag pa ang makikinis at magandang hubog ng binti hindi maipagkakailang me mga tinanggihan na syang offers ng pagmomodelo.  Sa edad na labing anim ay kitang kita na agad ang magandang hubog ng katawan marahil ay nakuha nya sa ina na naging sikat na modelo nung kapanahunan nito.  Bagama't alam nya sa sariling malaki ang potensiyal sa larangang iyon, hindi nga ginustong sundin ang yapak ng ina.  Sa kanyang ama naman na isang British American nakuha ang makinis na kutis, idagdag pa ang mabibilog na mga mata.

Nasa may patio pa lang si Cloei patungong swimming pool at narinig na nya ang agad ang mga tawanan na nagmumula sa basketball court sa may gilid ng bahay.  Nagpatuloy sya sa paglalakad na nagkunwaring walang narinig.

Alas diyes pa lang umaga pero mataas na ang sikat ng araw.  Isinusuot nya ang sunglassess habang pasulyap na tumingin sa gawi kung saan anduon ang kanyang kuya James at si Olsen. 

"Hi Cloei!" pasigaw na bati ng isang matinis na boses ng babae habang papalapit sa kanya.

"Hey, I didn't know you're here KC!  How are you?" nagulantang nyang bati sa girlfriend ng kapatid. 

Hindi nya alam na andito rin ang babae bukod kay Olsen.  Napalingun na rin si Cloei sa open court na pinanggalingan nito.  Nakita nyang kumaway si Olsen at ang isa pang babae next to him.  Is that Amanda?

"Yeah, Amanda and I just got here!"  parang sinagot ni KC ang tanong ng isip nya tungkol sa babaeng katabi ni Olsen sa bench.  "I'm fine, we didn't see each other in a while." dagdag pa nito.

"I got busy, school stuff, you know!" maikling sagot ni Cloei.

Magkakasama silang lahat sa school.  Nasa highschool sya at ang kuya naman nya ay nasa college.  Although malaki ang eskwelahang pinapasukan nila, nagkikita kita pa rin sila paminsan minsan.

"Likewise, it's good to see Cloei!" nakangiting hinalikan sya ni KC sa pisngi saka tumalikod na para bumalik sa mga kasama.

Lumakad syang muli patungong swimming pool.  All of a sudden she felt disgusted about the sunshine's stroke on her skin.  Mas lalo pa syang nainis ng marinig ang tawaan sa may gilid ng bahay.  Naiinis sya particularly sa maarteng tawa ni Amanda na sinusundan ng aliw na aliw na tawa ni Olsen.

Hinubad ni Cloei ang de gomang sandalyas at nag dive sa tubig.  She was hoping that the water will at least make her feel a little comfortable.  Ang malamig na tubig ay hindi nakapagpabago ng mood nya.  If her brother is with his girlfriend, does it mean Olsen and Amanda are also dating.  There were humors that she's been hearing about them at school but Cloei didn't want to beleive.  The varsity player Olsen Medina and the youngest daughter of a Hotel and Restaurant tycoon Arthur Chan, Amanda, are now an item.  Nag iinit ang mga pisngi ni Cloei sa ideyang meron na naman bagong girlfriend ang lalaking palaging laman ng isip nya.  She's aware of Olsen's reputation at school, the same like her brother, men who change girlfriends like they're changing their shirts.  Pero ngayong andito siya kasama ang babaeng yun, parang gustong magselos ni Cloei.  

"Why the heck I am feeling this way, this can't be real!  This is not me." bulong nya sa sarili habang patuloy sa paglangoy.         

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Owe Me That KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon