Get It Off Me

8 1 0
                                    

‼️TRIGGER WARNING: SA‼️

Nandito ako sa bahay ng tita ko na kapatid ng mama ko. Dito muna ako sakanila pansamantalang titira ngayong tapos na ang pasukan para may magbabantay sa akin at para narin makapaglaro kami ng pinsan ko.

Nasa abroad kasi ang mama ko at doon nag tatrabaho para sa amin ng kapatid ko.

Napabuntong hininga ako. Omg, nakalimutan ko na kung anong grade na ako sa susunod na pasukan huhuhu.

Anyway, ang saya ng araw na ito dahil naglaro kami ng pinsan ko ng kung ano ano!

Well, not until the night came that we have to sleep. Argh! Gabi na naman? Parang kanina enjoy na enjoy pa ako sa paglalaro.

"Dito ka na sa sala matulog," Sabi ni tito sa pinsan ko. "Tabihan mo kami ng mama mo."

"Hmp! Ayoko d'yan sa kutson! Dito ako sa sofa." Sagot naman ng pinsan ko, sabay higa sa sofa.

"Ako na d'yan. Doon ka tumabi kila mama mo." Sabi ko sa pinsan ko pero umayaw siya.

Sa mga nakalipas na araw na nandito ako sakanila, ay sa kwarto talaga kami ng pinsan ko natutulog pero hindi ngayong gabi.

"Dito ka nalang sa kutson matulog." Sabi ni tita sa akin at umusog sila ni tito pa-kaliwa para sa bandang kanan ako mahiga, sa tabi ni tito.

Hayyy, dito dapat ang pinsan ko e. Ayoko dito hindi ako komportable, tsaka medyo masikip rin kasi nasa bandang kanan ko ang sofa kung saan nakahiga ang pinsan ko habang nasa kaliwa ko naman nakahiga si tito.

Ilang sandali pa ay mahimbing nang natutulog ang mag-pamilya, maliban sa akin na hindi makuha ang tulog.

Ano ba yan, wala akong unan na pwedeng mayakap. I want to hug something pero iisang unan lang ang nasa akin!

Biglang gumalaw si tito, kaya tumagilid ako paharap sa sofa para hindi ako mahuli na gising pa heheh. Mahirap na, baka mapagalitan ako na nagpupuyat. I don't wanna get scolded by my mama when she calls me.

I sighed as I close my eyes to try to catch my sleep.

I felt tito turn to his side, facing my back. I immediately felt more uncomfortable because of it. Sinubukan kong umusog pa pa-kanan pero wala na talagang space.

Tito unconsciously raised his left arm to hug me. Loko ka talaga, insan! Dito ka dapat tumabi sa papa mo e. Napagkamalan pa tuloy akong ikaw huhuh. Lagot ka sakin bukas. Ikaw ang maghuhugas ng plato.

Mas lalo akong kinilabutan sa sunod na nangyari. Bigla kong naramdaman ang kamay ni tito sa kanang dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin. Tila naestatwa ako sa pagkakahiga.

Ayoko nito. Ayaw na ayaw ko ng ganito.

Sinubukan kong tanggalin ang pagkakayakap ni tito sakin. Maingat kong inangat ang kanyang braso para hindi siya magising. Nang magtagumpay ako, ay agad akong bumangon paalis sa kutson, at dumiretso ako agad sa kwarto ng pinsan ko.

Agad akong nahiga sa kama at nagtago sa ilalim ng kumot. Hinawakan ko ang kanang dibdib ko at marahan ko itong hinaplos, sinusubukang tanggalin ang pandidiring nararamdaman ko nang ito'y mahawakan.

Hindi ako umiyak... Hindi ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit hindi ako umiiyak, ngunit hindi ko maalis ang pandidiring nararamdaman ko hanggang ngayon. Dilat na dilat ang aking mga mata. Nagulat ako sa biglang nangyari. Nandidiri ako.

Simpleng hawak lang yon pero napakalakas ng impact sa akin. Nararamdaman ko parin ang kamay niya sa dibdib ko kahit na maraming beses ko na itong sinubukang tanggalin sa pamamagitan ng paghaplos, sinusubukan ko itong punasan paalis sa katawan ko.

I don't like this. Please...

"Get it off me... Get off. Ayoko non... Tanggalin mo, tanggalin mo, tanggalin mo!" Paulit ulit kong bulong sa sarili ko, hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Pero kinabukasan, pagkagising ko... Nasa katawan ko parin. Nararamdamn ko parin. Nandidiri parin ako sa sarili ko dahil sa simpleng paghawak na iyon.

Does he know it was me? Does he know what he did? Does he remember?

Does he still remember about that situation to this day? Because I do.


~
220913

(ONE SHOT STORIES)   Fantasies or Memories?Where stories live. Discover now