Just Another Marital Tale

50 2 0
                                    

.


.


.



Lunes ng umaga ng dumating sila sa clinic. Nagpaschedule ang mag-asawang Guevarra para sa isang conselling session ng nakaraang sabado. Hindi sana sila magpapacounsel kung hindi dahil kay Martin. Napansin kasi niya na parang may malaking pagbabago sa pagsasama ng dalawa, kaya inoffer niya yung marriage counselling session sa clinic ng kakilala niya. At dahil malapit na kaibigan ng mag-asawa, nag-volunteer na rin siya para sa gagastusin para sa session.


Kaya, nandoon na ang mag-asawa sa harap ng clinic. Naiilang makipag-usap ang dalawa sa isa't isa. Kanina pa sila hindi nag-uusap mula noong lumabas sila ng bahay at bumiyahe papunta doon.


Hindi pa rin sila nag-uusap pagpasok sa clinic. At sa pakikipag-usap sa receptionist sa counter na nakabungad pagpasok nila sa pinto, si Rick ang humarap.


"Uhmmm... Nagpaschedule po kami ng counselling. Tapos, ngayon po kami pinapapapunta," sabi niya doon sa receptionist. Babae ito, at mukhang matagal na siyang nagtatrabaho doon, dahil alam na alam niya ang mga gagawin.


"Ano pong apelyido?" Tanong niya kay Rick.


"Guevarra."


Tiningnan nung babaeng receptionist yung log book. Sa loob ng ilang segundo, nahanap na niya yung pangalan.


"Maverick at Cherise Jane Guevarra?"


"Opo."


Tiningnan nung receptionist yung orasan sa likod niya. 8:45am.


"Wala pa po si Dr. Murillo, pero darating na rin naman po siya bago mag 9:00. Umupo nalang po muna kayo doon sa waiting area habang wala pa po si doc," sabi niya sabay turo sa helera ng upuan sa likod ni Rick. Nakaupo si Cherry sa isa sa mga sofa dun. Sa gitna ng mga upuan ay isang lamesang salamin na may mga magazines at dyaryo sa ilalim. Umupo si Rick sa kalibang dulo ng sofa kung saan nakaupo si Cherry at kumuha ng Philippine Inquirer sa mga dyaryong nasa lamesa.


Hindi pa rin nag-uusap ang dalawa. Nagbabasa si Rick ng balita, habang si Cherry ay tumitingin tingin sa magazine na hawak niya.


Nagbabasa pero wala namang nababasa, isip nung receptionist nang napatingin siya sa dalawa habang binabasa naman yung pocket book niyang hawak. Marami na akong nakitang ganyan, at marami pa sa darating. Napa-smile siya sa naisip pero walang humor sa ngiti niya. Mga tao talaga, oo. Kung hindi sigurado kung mahal mo yung tao, huwag mong pakasalan. Bawas problema pa. Bumalik ulit sa pagbabasa yung receptionist ng pocket book niya.


10 minuto ang lumipas bago dumating si Dr. Murillo. May dala siyang leather na brief case, at nakasuot siya ng casual na damit lang. Plain blue na long-sleeves na polo, at black na slacks.


"Good morning, Doc," bati nung receptionist habang nakaharap pa rin sa pocket book niya.


Just Another Marital Tale (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon