"Vencus!"Mariin ako huminga ng malalim bago tumayo, pinagpag ko ang kamay puno ng dumi. Agaran ako humarap sa akin katunggali na may malapad na ngiti sa labi. Di ko siya masisi masaya lamang ito na talo niya ako.
Itinaas ng opisyal ang asul na bandera nangahuhulugan panalo ang aking katungali. Yumuko ako at bumaba na sa battleground.
"NEXT"
"Tsk, ganon nalang yun? Di ka man lang pinag pawisan pero na talo ka?" Usal tugon ni Harry kasabay ko ito sumabak sa eksaminasyon pero di gaya ko siya ay naka nanalo. Ngumiwi ako habang kinukuha ang aking gamit.
"Magaling siya" wika ko na lamang habang nag lalakad na palabas ng gusali. Naramdaman ko naman sumunod ito sa akin.
"Ano magaling, ni hindi nga malakas sumipa magaling na yun?! Sabihin mo nag patalo ka lang talaga!. Nako Dos sinasayang mo ang oportunidad na maka pasa sa eksaminasyon!." Maingay na dakdak nito may pa tampal pa sa noo.
Tumigil ako at hinarap ang madrama lalaki ito. "Alam mo naman pala ano pa pinuputok ng butse mo diyan?" Walang gana ko naman tugon dito. Mas lalong sumama ang timpa ng kanyang mukha na para bang may na sabi ako di kaaya-aya.
"HU-h!! Dos!! Nasisiraan ka na ba ng bait? Halos lahat ng taga Alfea gusto maka pasa sa eksaminasyon habang ikaw sinasayang mo ang pag kakataon umayos ang buhay mo? Di mo man lang iniisip si Otro?" Nariringan ko ang irritasyon sa kanyang boses.
"Pano naman na damay si Otro dito?" Inis ko na rin sagot. Pinag patuloy ko ulit ang pag lalakad pero si Harry ang sumusunod parin sa akin na ramdam ko na ginugulo na nito ang magulo naman na buhok niya.
"Look! Dos, pag naka pasa ka sa eksaminaayon at makakapasok kasa Academia edi gaganda na ang buhay niyo." Simple sagot nito na parang napa ka bobo ko sa aking tanong. Humalak-hak ako ng tudo kaya timampal niya ang noo ko. Bwesit na yan may gana pa manakit.
"Sa tingin mo gaganda na agad ang buhay pag naka naka pag aral sa lugar na yun" turo ko sa mala palasyong gusali na kitang kita ng lahat. Kahit saan ka ata matatanaw mo parin ang lugar na iyon. "Harry, hindi ganuon ka dali ang buhay, hindi porket makakapag aral ka sa academia eh aangat na buhay mo. Walang ganon kadali sa mundo natin" tinampal ko ang pisngi niya dahil nakatunga-nga lamang ito sa akin. "At isa pa di ko iiwan si Otro"
"Kain" pag utos ko.
"Hmmp,"
Umarko ang aking noo dahil sa kanya inasta, kailan pa natoto ito humindi sa pag kain?
"Ano pinuputok ng butse mo ha? Ayaw mo kumain edi wag" hinila ko ang plato na agad naman niga pinigilan, ngumisi ako dahil nag simula na niya nilantakan ang malamig na pagkain.
"Sabi ni kuya di ka raw naka pasa" mahina bulong nito na alam ko masama ang luob. "Kaya ko naman na mag isa Ate di mo na kailangan ibagsak ang pagsusulit"
Natigil ko ang pag babadyang pag subo sa kanyang sinabi. "Sino may sabi sayo sinasadya ko matalo?" Malamig ko tanong dito, yumuko naman si Otro. "Hindi mo dapat iniisip iyan, alam mo naman malalakas ang mga katungali ko natural na matatalo ako" paliwanag ko Pero mukha di siya kumbinsido, matigas na ata ang ulo ng bata ito.