Scarlet Lauren Pov
Maaga ako nagising para magluto na ng umagahan namin ni mama ako naman mag luluto baka napapagod na siya kahapon kasi siya lang gumawa ng mga gawaing bahay kasi nasa school ako.
Habang nag luluto ako ng Scrambled Egg at Hotdog binuksan ko muna yung facebook ko mag scroll muna ako habang nag scroll ako may biglang nag notif saakin may nag add sakin kaya pinindot ko ito.
Ezekiel Pangolinan Sent you friend request
Confirm DeleteNanlakii ang mata ko yawaa hindi siya to poser lang yan nainis ako kaya inoff kona yung cellphone ko at tinapos na yung pag luluto ko para makakain na kami ni mama.
"Mama? Gising napo kain napo tayo." Pag gising ko kay mama tumayo naman si mama at tumingin sa labas tinitingnan kung maliwanag na
"Osigee anak susunod na ako doon sa kusina" sabi niya kaya lumabas na ako at umupo na sa kusina pinag sandok kona din si mama,
Natapos na kaming kumain kaya hinugasan kona din yung kinainan namin ni mama sabi ni mama siya na daw mag huhugas pero di ako pumayag
Pagkatapos kong mag hugas naligo na ako at nag ready na ako para sa pagpasok sa school nag suot lang ako ng Skinny Jeans at printed shirt nai ribbon ko dim yung kalahati mg hair ko at may iniwan akong konting buhok sa harap ng mukha ko.
May bumubusina na sa labas si kim na yon kaya lumabas na ako ng kwarto ko nakita ko si mama sa sala kaya nagpaalam na ako "Ma pasok napo ako sa school nanjan napo si kim sa labas" sabi ko sakanya
"Osigee anak mag ingat ka ha galingan mo sa school" sabi ni mama kaya ngumiti nalang ako at lumabas na nagtataka lang ako bakit hindi maaga papasok si mama ngayon anong oras na a.
Pumasok nako sa kotse at nakita ko si kim na nakangiti na agad na may pang aasar saakin "letse ka wag moko asarin ang aga aga pa" sabi ko sabay irap sakanya
"Blooming mo ngayon inlove ka te?" Sabi niya at tiningnan ko naman agad siya ng masama "chill jokee lang naman araw araw ka namang blooming e hahaha" dagdag niya pa okayy na sana kaso may tawa sa dulo e
Naisip ko nanaman kung bakit hindi pa pumapasok si mama kila kim siguro nag day off siya para makapag pahinga hayaan ko nalang wag kona isipin
Nasa room na kami nandon na din si kaye "hi kaye" sabi ko at tumabi na sakanya "how are you?" Dagdag kopa
"Ayos lang naman ako, blooming mo today ha"sabi ni kaye at nagulat naman kami sa malakas na tawa ni kim
Timingin siya samin "sabi sayo blooming ka e" sabi niya inirapan ko siya tsaka tumingin kay kaye.
"Bakit big deal yung pagiging blooming ko?" Sabi ko na nakataas ang kilay sa "kahit hindi naman ako blooming" sabi ko etong dalawang to kung ano ano nasa utak
Hindi na nakasagot si kim dahil dumating na yung prof namin kaya nakinig nalang kami sa naituturo niya
Discuss
Discuss
Discuss
Discuss
Natapos na yung tatlong subject namin kaya recess naman kami "tara na sa canteen nagugutom na ako di ako nakapag breakfast." Sabi ni kim tumango lang ako at lumabas na
Nasa canteen na kami at pipila na para makabili ng pagkain pero habang nakapila kami may sumingit samin na lalaking matangkad "Excuse me" sabi niya pag tingin ko sa muka si ezek sira nanaman araw ko bwiset
"Nag excuse kapa kung sisingit ka din naman sa pila"inis na bulong ko.
Humarap siya sakin at tumungo ng kontindahil mas maliit ako sakanya "may sinasabi ka miss chismosa?" Sabi niya na lalong kinainis ko ako chismosa kasalanan kobang doon sila nag uusap
Tumalikod ako sakanya at tumingin kila kim na nakangiti na "Tara jan nalang tayo sa malapit na coffee shop mag recess mahaba pa naman vacant" sabi ko aalis na sana kami pero nag salita nanaman tong lalaking epal
"Bawal lumabas miss di kayo papalabasin ng guard" sabi niya pagharap ko nakangiti lang siya sakin
Sa sobrang inis ko lumapit ako at tinapakan yung paa niya "pag nagka ulcer tong mga kasama ko dahil di nakakain isusumpa ko na maging palaka ka" sabi ko sabay talikod andaming nakatingin samin sa canteen
Palabas na kami ng may biglang bumangga saakin kaya napaupo ako sa sahig "taragis ang malas ko naman today sino ba yon"sabi ko pag tayo ko nagulat ako ng makita yung babaeng nakita kong kausap ni ezek.
"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan tatanga tanga" sabi niya sabay tawa naman nung isa pa niyang kasama
Tumawa din ako "Tanga kadin alam mo naman palang hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko edi sana ikaw ang umiwas kasi nakatingin ka duhh mindset ba mindset"inis na sabi ko "tara na nga sa room kaye at kim nawalan nako ng gana kumain dami kasing peste dito" sabi ko sabay alis hindi kona tiningnan pa ulit yung muka nung babaeng peste.
Pagkadating namin sa room tawa ng tawa yung dalawa "baliw ka lauren grabe yung muka nung babae nung sinabe mong madaming peste hahaha" sabi ni kaye na tawa pa din ng tawa
Tumingin naman ako kay kim na nag iihit narin sa tawa "yan hahaha an... Hahahah ang kaibigan ko palaban hahahah" sabi ni kim na
"Pano nakakainis sabihan ba naman akong tanga" sabi ko hindi na nakasagot yung dalawa kasi dumating na yung prof namin hindi na kami nakapag recess dahil sa mga peste sa canteen
To be continued
Sorry po sa wrong grammar at typo
YOU ARE READING
I FELL INLOVE WITH A SON OF A MAFIA BOSS
Mystery / ThrillerMEET SCARLETT ISA SIYANG SIMPLENG BABAE NA NANGANGARAP NA MAIAHON NIYA ANG KANYANG NANAY SA KAHIRAPAN KAYA PINAG BUBUTIHAN NIYA ANG KANYANG PAG AARAL LAGI SIYANG MAY KARANGALAN SA ESKWELA MADAMI DIN SIYANG NAGIGING KAIBIGAN SA SCHOOL NGUNIT NUNG DUM...