Chapter 1-Part 1

5 0 0
                                    

Rice's POV

I started to scribble a little something from my notebook while intermittently looking at the window. I need motivation. I needed to write. I must.

I held a tough grip of my pen and took a deep breath. I'm doomed. Di na talaga ako makakapagsulat. Eto ba tinatawag nilang writer's block? 

Shucks. Di ka naman writer.

Oo nga 'no. Di naman pala talaga ako writer. I chuckled silently at the thought. Minsan talaga---

"Oy Bigas!"

Napatalon ako sa gulat nang biglang may kumalabit sa'kin.

Si kuya Gray. Ang pinakamabait kong kuya.

Napabuntunghininga nalang ako at hinarap siya habang pinaikot ko yung swivel chair ko.
"Ano na naman ba?"

Lumiwanag ang mukha nito at sabay lapit sa akin. "Alam mo ba ikaw ang pinakapaborito kong kapatid na babae, Bigas. Ikaw na lumiliwanag sa kadilim..."

I raised both hands as a symbol of defeat. "Spill it."

Ganyan kasi si kuya. Alam ko naman may favor na naman 'to kaya di ko na siya pinatapos. Saulado ko na kasi linyada niyan. Siyempre, yung sinabi kong pinakamabait kong kuya, napakaimposible 'yon. Sa panaginip ko lang yata 'to babait. Pero parang kahit sa panaginip imposible pa rin.

"So eto nga..."

And he went on ranting. In short, may ipapadala na naman siyang letter sa kaklase ko. Si Jade. Ultimate crush niya daw kasi.

Hindi ko naman siya masisisi. Maganda si Jade. Matalino. Mayaman. Mabait. Sa kanya na yata lahat. The ideal heroine.

At dahil nga may pagka torpe ito, di nga lang halata, sa'kin niya china-channel. Odiba. Ako pa magmumukhang tanga minsan na nang s-stalk kay Jade para lang di ako maabutan.

Kaso lang, yung challenge kay kuya, may nanliligaw din kay Jade. Si Nylo.

At bagay nga sila.

Nylo being a perfect hero for the perfect heroine. Isa lang yata masasabi ko. Talaga ngang may forever sa kanila.

I looked at the closed door. Nakalabas na pala si kuya. I looked at the letter on my desk. I took a deep breath and stood up. Pupunta ako sa park.

I prepped myself on a usual outift, white shirt, jeans and sneakers. Ganyan ako pag lumalabas. Naka sneakers palagi. Ewan ko ano'ng mali dito pero palagi nalang nila nanonotice yung attire ko. Basta komportable ako dito ano ba sa kanila.

I fumbled for my earphones and hurriedly went out of my room at lumabas na ng gate. Naglalakad ako papuntang park, walking distance lang naman kasi, a hundred meters away lang sa bahay. Minsan pag gusto ko lang lumabas, dito ako naglalakad lakad, mag-isip isip at mag rereflect. Sabay na din siguro singhot ng hanging labas at makakapag exercise na rin. Minsan kasi, nakakaligtaan ko na mag exer--

"Aray!"

Eto na nga ba eh. Natisod na naman ako.

Tiningnan ko muna paligid if may nakakita.

Clear.

And nope, walang prince charming na tumulong sakin. Yes, I guess ako na naman mag nanarrate about me. So aside sa mejo sluggish ako kumilos, isang dakilang lampa din ako. Palagi nalang ako natitisod, kahit minsan wala naman sagabal sa daan, probably just the way I walk, kasi ewan ko ba. Di naman ako model pero nanonotice ko lang kasing mejo slightly pa cross ako maglakad. Minsan pa nga napahiya ako sa school first day of the school year nung...

"Wag kang mag alala walang may nakakita..."

Di na natapos train of thoughts ko nang may familiar na boses akong narinig from behind.

Napako ang tingin ko sa makinis na noo ng isang estranghero. Makapal ang kilay nito at naka glasses. His looks were piercing as if looking down on the windows of my soul. Siyempre joke lang yung huli. Pero parang tumititig nga talaga siya kasi mata lang naman makikita ko nakamask kasi ito.

"Ay, nakita mo 'ko kuya?" Mejo napapahiya kong sambit.

He chuckled. Ang sexy. Ay duh pano maging sexy 'yung tawa. "Mejo lang naman. Wala ka bang kasama, Rye?"

Napaigtad ako nung narinig ko boses niya ulit. "A-ah, Rye?" Parang tanga lang? Ba't ako nag sa-stutter? Sa harap ng lalaking 'to? Di ko naman kilala. At bakit Rye? Rice name ko ah. Teka... Tiningnan ko ulit ang taong muntik nang magpatibok ng puso kong magulo. Nubey.

"Science Project, remember? Nylo."

Napaigtad ako nang bahagya nung marinig ko name niya. Nay-low.

Ay 'yun! Kaya pala familiar yung boses. Si Nylo pala. Hala si Nylo! (Nay-loh)

"Ay, ikaw pala kuys!" Hala maka kuys close lang? "Grabe po yung point of reference mo Science Project talaga." Iyon din kasi pinakanakakahiya kong memory. Magkasama kami ni Jade at isa ko pang kaklase sa project noon, and nagvolunteer si Nylo na tumulong samin. Siyempre, andun si Jade eh.

Di ko rin na gets yung project namin about genomes and chromosomes and stuff pero buti nalang tumulong 'tong isang 'to.

And regarding sa memory kong 'yun, since nga may pagkalampa yung lola, nadapa ako bigla bago pa makapasok sa gate. And Nylo was on the rescue. Ayoko na iflashback. Ang awkward lang, first hug ko din 'yon eh!

Napatigil ako sa pag fa-flashback nang narinig ko ulet boses niya. "Yun lang yung unang nag enter na memory, eh." Napakibit-balikat ito. His expression, amused.

I smiled back, na parang nahihiya. Feel ko tuloy nagba-blush na ako.

"Sige Rye, I'll go ahead. You take care." He smiled at me, I smiled back. I find him calling me "Rye" cute. And unique. Wala kasi akong nickname. Just pure Rice.

And he went off.

Grabe. Kahit nakatalikod ang gwapo pa rin niya. Kahit pa he was just wearing shirt, shorts and slippers, feel ko nakatuxedo pa rin siya.

Halaaaaa! Hindi ko crush si Nyloooooo! Hindi pwedeeee! Hindiiiiiiiiiiii!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Far from PerfectWhere stories live. Discover now