App: Messenger
Gio Hontiveros
• Active NowGio:
Pre!
Yakob:
Pre
Gio:
Naalala mo si Mae, yung napilayan daw kaya nakiangkas sa motor mo kagabi?
Yakob:
Bakit?
Gio:
Ano nangyari? Hahaha
Yakob:
Hinatid ko lang sa apartment niya
Gio:
Crush ka pala nun pre! Nabanggit lang ni bea
Nagpapatulong daw yan dati kay bridge na ilakad siya sayo
Eh dati crush ka pa ni bridge kaya di pinagbigyan hahaha
So ano nangyari after mo ihatid?
Yakob:
Umuwi na ako
Gio:
Weh? So mali tong nakalap kong impormasyon? Hahahaha
Yakob:
Fine. Something happened
She kissed me
Pero lumayo agad ako
Saka ako umuwi
Gio:
Yun nga balitang nakalap ko
Kaso may isa pa siyang nabanggit eh
May nagugustuhan ka na raw kaya di mo sinuklian halik niya?
Sino? May hindi ka ba sinasabi samin?
Yakob:
Di ko naman siguro kailangang sabihin sa inyo lahat
Gio:
Parang dati naman lahat sinasabi mo samin hahaha
Yakob:
Though that's true, may nagugustuhan na ako
Pero di ko pa alam kung gaano ako kaseryoso
Gio:
Hala gago sino ba yan hahaha
Kakacurious pre
Sabihin mo na kasi
Yakob:
Ayoko. Madaldal ka eh
Gio:
HAHAHHAHA Sus kaya ko namang magkeep ng sikreto
Yakob:
Kwento mo sa pagong
Gio:
Bala ka. Di kita tatantanan hanggat di mo sinasabi hahahaha
Yakob:
De mapagod ka
Basta di ko sasabihin
Gio:
Alam siguro ni jude
Yakob:
Walang alam yun
Gio:
Sabihin mo na kasi pre!
Parang di naman kaibigan
Yakob:
Panget mo magtampo
Gio:
HAHAHAHAHHA
Daya mo pre. Lahat sinasabi ko sayo tapos ngayon naglilihim ka na sakin
Yakob:
Saka na
Gio:
Sus pakadaya!
BINABASA MO ANG
ABCD (Epistolary)
RomanceA story with no plot. I'll let the moment to decide Yakob and Abcd's fate.