Introduction

102 7 0
                                    

"pinapangako ko, aahon ako sa lusak na kinalalagyan ko"

Ito ang mga katagang paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili, habang pinagmamasdan ko ang repleksiyon ko sa salamin.

Naglagay ako ng dark red na kulay ng lipstick bilang pagtatapos ng aking pag memeyk up.

Muli ay sinuri ko ang aking sarili sa malaking vanity mirror na napapalibutan ng mga ilaw sa aking harapan.

Mahabang Brownish red na kulay ng wig kong buhok na may kulot sa bawat dulo nito, mapang akit na pilik mata, ash grey na kulay ng aking mga alikmata, matangos na hubog ng ilong, may kakapalan na nakakaakit na mapulang labi.

Hinawakan ko ang repleksiyon ko sa salamin na tila gusto kong hawakan ang parte ng aking pisngi doon.

"ibang iba ka na talaga" yan ang mga katagang nasabi ko bago ako tumayo mula sa aking kinauupuan upang suriin ng huling sandali ang aking katawan at kasuotan.

Di ako papayag na hindi ako kababaliwan at kakahumalingan ng mga lalaking manonood sa akin, gusto ko kahit sa himbing ng pagtulog nila o sa piling ng asawa o mga jowa nila ay gusto kong ako ang maiisip at tanging nasa isip nila.

Sinipat ko ang suot kong itim na Basque na pinatungan ko ng dark maroon with gold details na Corset, inayos ko ang itim na Cosiery sa aking binti dahil bumaba ang pagkakasuot nito. Iniangat ko din ng bahagya ang aking namumutok na dibdib  na para talaga akong isang modelo ng victorias secret sa aking pigura at tindig.

"Iva Karma, ikaw na ang susunod, marami na ang nakaantabay sayo" saad ng isa sa mga kasamahan ko.

Sa pagkakataong ito ay alam kong handa na ako, kaya kinuha ko na ang aking Itim na Negligee at isinuot ko na ito bago ako lumabas sa kwarto na iyon.

(13 years ago)

Naalala ko noon, ang gabi na bumago sa buhay namin ng aking ina, gabi na puno ng kataksilan, kabiguan at paghihinagpis.

Masaya kami ni inay ng gabing iyon, tuwang tuwa siya dahil sa mga medalya at pagiging top student ko sa klase, kaya bilang gantimpala ay inilibot niya ako sa mall at kumain kami sa paborito kong fast food chain.

Di nakasama sa amin ang itay noon dahil may kailangan daw siyang asikasuhin, mas importante pa kaysa makasama kami ng inay sa araw na iyon.

Pagkauwi namin ng inay, ay di namin inaasahan ang aming nakita.

"anong ibig sabihin nito?" saad ng aking ina ng makita nito ang aking ama, hawak ang malaking bag at sa likod nito ay hawak din nito ang isang babae na hindi nalalayo sa kaniyang edad.

Wala akong ideya sa nangyayari nung mga panahon na iyan, ano ba naman ang alam ng isang pitong taong gulang na bata tungkol sa mga kabit?

Oo, may kabit ang tatay ko at mas pinili niya ang babaeng iyon kaysa sa amin ng inay ko.

Nagsumamo ang nanay ko, lumuhod sa harap ng aking itay, wag lang itong umalis, wag lang niya kaming iwan.

Pero itinulak lang niya si inay palayo, habang nakangiting pinagmamasdan ang kalunos lunos na hitsura ni inay ng kabit nito.

Marahil ang tumatakbo sa isip ng kabit nito sa mga panahon na iyon ay nagtagumpay siya, nagtagumpay siyang maagaw ang aking ama.

Kahit gaano pa ang iyak at pagsusumamo na ginawa ng aking inay ay tuluyan pa din kaming iniwan ng aking ama, luhaan, bigong-bigo at durog na durog.

Paano na kami ni inay?

Yan ang mga katagang naisip ko nung mga panahon na iyon sa mura kong edad.

Di naman kami mayaman, at sideline na trabaho lang ang meron si inay, kay itay lang talaga kami umaasa sa halos lahat ng gastusin.

Pero bakit bigla nalang niya kaming iniwan ng ganun kadali? bigla nalang niyang binura ang responsibilidad niya sa amin sa isang iglap lang.

Naiwan kaming Lubog ng aking ina.

Pero alam ko sa tuwing titignan ako ng aking ina ay sa akin siya humuhugot ng lakas para magpatuloy sa buhay.

"Rowen anak, wag kang mag alala, magsusumikap ang inay, kakayanin nating dalawa ang laban na ito, tandaan mo, mahal na mahal kita" pag paalala sa akin ni inay sabay halik sa aking noo.

Malamang napansin niya ang lungkot sa aking mukha, di na kami masaya kagaya ng dati, pero pinipilit naman namin punan ang bagong yugto sa aming buhay ng wala ang aking ama.

Di nakapagtapos ng highschool ang aking ina, hanggang first year lang siya dahil na din sa kagipitan sa buhay.

Kaya naman hirap makahanap ng matinong trabaho ang aking inay at puro sideline lang.

Pero kahit ganoon, pinipilit pa din niya akong makapag aral dahil ayaw niya daw akong magaya sa kanya.

Aasikasuhin niya ako sa umaga, tatanggap siya ng mga labada, minsan maglalako ng mga lutong ulam o meryenda, minsan sasama sa kaibigan niya para mag alok ng beauty products, dahil yun lang ang alam ni inay para mapunan ang aming pangangailangan.

Hanggang sa may nag alok sa kanya ng trabaho sa isang bar bilang waitress.

Di maikakaila, na maganda talaga ang aking ina, at kahit sa edad nito ay talaga naman na wala pa rin itong kupas, kaya naman di maiiwasan na may umaaligid pa din dito.

Isang gabi, nakita ko ang inay na bumaba sa isang magara at mamahaling kotse na huminto sa tapat ng aming bahay.

Focus lang ako sa pag aaral, at walang nababanggit o naikwekwento ang inay ukol dito.

Hanggang sa dumating ang araw kung saan ay bigla nalang akong pinag impake ni inay dahil lilipat na daw kami ng tahanan.

May sumundo sa aming sasakyan, at dinala kami sa isang lugar na may mga naglalakihan at nag gagandahan na mga bahay.

Bumaba kami sa isang napakalaking mansyon na noon ay sa mga pelikula at teleserye ko lang nakikita.

Labis na gumuhit ang pagtataka sa aking mukha sa kung ano ang ginagawa namin sa lugar na iyon.

Ibig bang sabihin ay doon na kami titira? nananaginip ba ako?

Hinawakan ng aking ina ang aking magkabilang balikat at marahang iniharap sa kanya na mababakasan ng ubod ng tamis na ngiti sa kanyang mukha.

"anak, dito na tayo titira, magsisimula na ulit tayo ng panibago nating buhay" sambit ng aking ina at agad niya akong niyakap ng mahigpit.

Ito ang yugto, kung saan pumasok kami ni inay sa buhay ng mga Del Fuego.

Aahon ako sa LusakWhere stories live. Discover now