09 - Maid in the Mansyon

26 3 1
                                    

"from riches to rags, what happened? parang kahapon lang isa ka sa pinagsisilbihan, but now look at you" Pangmamata sa akin ni kuya Frederick.

Ano pa bang aasahan ko? gaya ni Franz ay tiyak ko na labis na galit din ang nararamdaman sa amin ni kuya Frederick.

"you know what? since na katulong ka na din naman, why dont you clean my room?" dagdag pa ni kuya Frederick na labis kong ikinagulat.

Seryoso ba si kuya Frederick? sa tingin niya ba ay kakayanin ko na linisin ang kwarto niya? baka nga mas malaki pa ang kwarto niya kaysa sa amin ni inay.

"pero kuya Frederick" saad ko na bigla akong napahinto sa pagsasalita dahil di nagustuhan ni kuya Frederick ang narinig niya.

"Hey!! wala kang karapatan tawagin akong kuya, you are not part of this family and will never be, ang dapat itawag mo sa akin ay sir Frederick, dahil yun dapat ang itinatawag sa mga amo hindi ba?" pagpapamukha sa akin ni kuya Frederick.

"p-pasensya na, sir Frederick, pero baka hindi ko po malinis ng maayos yung kwarto niyo po" naging tugon ko nalang.

Napayuko nalang ako dahil tila nakakaramdam naman ako ng panliliit sa aking sarili.

"di ko na problema iyon, i want you to clean my room now, para naman di sayang yung ginagastos ni dad sayo" pagpupumilit ni kuya Frederick.

Wala naman akong magagawa, tanging pag sang ayon nalang ang aking pag pipilian, baka mamaya ay kung ano pa ang maisipan niyang gawin sa akin kapag tumanggi pa ako, ano ba naman ang laban ko sa lalakeng limang taon ang tanda sa akin?

Agad niya akong sinamahan sa kanyang kwarto, tama nga ang hula ko na may kalakihan nga ito kumpara sa kwarto namin ni inay.

Pero buti nalang hindi ito ganun kakalat, siguro naman ay kakayanin ko ang pagpupunas, pag wawalis at pag aayos, di ko lang ata kakayanin yung magpalit ng kobre ng kama dahil mukhang may kabigatan ang kutson nito.

"Start cleaning now, ill just take a shower" saad ni kuya Frederick at agad itong kumuha ng kanyang pamalit na damit bago magtungo sa shower room.

Simple lang naman ang kwarto ni kuya Frederick, mostly ng gamit niya ay kulay asul at makikita mo na mahilig ito sa mga anime dahil sa mga koleksyon nito na action figures na maayos na nakahanay sa mga estante.

Di naman na ako nag aksaya pa ng oras at agad ko nang inihanda ang aking mga kagamitan na pang linis at agad na akong nagsimula sa paglilinis para matapos na ito kaagad.

Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na si kuya Frederick sa shower room na bihis na bihis, mukhang may lakad ata siya.

"Hey, gusto ko pagbalik ko malinis at maayos ang kwarto ko, dapat sanayin mo na yung sarili mo dahil ikaw na ang paglilinisin ko ng kwarto ko palagi, nainitindihan mo?" saad ni kuya Frederick.

Gustuhin ko man na tumutol ay wala naman akong magagawa kundi sumunod nalang.

Pagkaalis ni kuya Frederick ay pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis.

Punas dito, walis doon, pagtupi at pagsalansan ng mga damit, pagtanggal ng mga alikabok sa bintana, at kung anu-ano pa.

Oo, sobrang nakakapagod at talagang pinagpapawisan ako, buti nalang at kahit papaano ay sanay ako sa ilang gawaing bahay dahil tumutulong din ako kay inay dati sa paglilinis ng dati naming bahay.

Di nagtagal, sa gitna ng aking paglilinis ay bigla nalang bumukas ang pinto.

Akala ko nung una ay si kuya Frederick iyon at nakabalik na ito mula sa kanyang pinuntahan, pero nagkamali ako.

Parehas kaming nagulat ng mga panahon na iyon ng makita namin ang isa't isa.

"what are you doing here? alam mo ba na kwarto ito ng kuya ko? who give you the permission to be here?" pagtataka ni Franz na talaga naman na salubong ang mga kilay nito ng makita ako.

Aahon ako sa LusakWhere stories live. Discover now