201. Under World

75 1 0
                                    

Season 8: King Canibus II (Kyra Arc)

Naramdaman nilang unti unting umaakyat ang sinasakyan nila.

"Anong oras na?" Tanong ni Steven.

Sumagot si Andrei. "Alas singko ng hapon."

"Mukhang andito na tayo." Sabi ni Dionne. "Ito ang oras na inaasahan kong dadating tayo."

Gumising ang iba na galing sa pagkakatulog. Hinintay lang nila ang sandali. Maya maya lang ay lumabas ang isang driver ng submarine. "Nakalutang na ang sasakyan." Sabi nito.

"Nakita niyo na ang isla?" Tanong ni Dionne.

"Ayon sa natatanaw namin, nakikita na namin ang isla. Kailangan ng bangka dahil malalim ang dagat."

Umakyat silang lahat sa ibabaw ng Submarine. Natanaw nila ang isang isla. "Ang ganda." Kumento ni Tina.

Nakita nila ang isang bundok na natatakpan ng ulap ang ibabaw. "Ito na nga siguro iyon."

Nilabas ni Judah ang isang nakatupi na bagay na galing sa manipis na bilog na lalagyan. Nagulat ang lahat dahil kusa itong lumubo nang hindi hinihipan. Hanggang sa nakabuo na ito ng isang bangka.

"Kakayanin ba tayo niyan?" Tanong ni Jick.

May nakita pa silang isa pang lumobo na bangka. Naging dalawa na ang pinalutang ni Judah. "Sigurado, pwede na 'yan." Sabi ni Kaled. Napatingin ito kay Judah.

Isa isa na silang sumakay doon. "Sige na, makakaalis na kayo. Maraming salamat." Sabi ni Dionne sa driver ng submarine.

"Okay, ito na ang pinakaligtas na lugar dito." Sabi ng driver at pumasok na.

Kayang kaya ng bangka ang lahat ng gamit nila dahil malaki ito na may sukat na sampung talampakan bawat isa at may pitong talampakan ang loob. Nakita nilang nawala na ang submarine.

"Inaasahan ko na ito dahil hindi tayo hihinto sa Harbour." Sabi ni Judah.

"Iba kasi sa Jiao-long noon. May tinigilan tayong barko. Hindi ko naisip ito." Sabi ni Dionne.

"Kaya nga mas maganda, mas marami dahil maraming nag-iisip ng gagawin." Sabi ni Ursula. "Meron ba sa inyong marunong manggamot?"

"Huwag niyong alalahanin ang gamot." Sabi ni Dionne. "May dala akong mga gamot na binigay ni Lolo Demetri. Totoong mabisa ito dahil pinagaling nito si Eagle at Kelvin noon sa pentagon. Katas ng Mahiwagang dahon."

Napataas ang kilay ni Ursula sa narinig. "Totoo nga ang sinasabi ni Master Greg."

"Hindi ko akalain na 'yan pala ang nagpagaling sa'kin." Sabi ni Eagle.

Naramdaman nilang umandar na ang bangka. "Automatic ang bangka na ito. Kusa itong lumulobo dahil meron itong panghigob ng hangin na de-baterya. At kaya tayo umaandar ay dahil hinihipan ng hangin ang ilalim ng bangka. Nagbabawas ito ng hangin at humihigop sa ibabaw. Isa ito sa ginagamit ni Abdul noon kapag bababa kami ng barko ng palihim para makapunta sa lupa."

Nakita nila ang tila isang makina sa ibabaw. "Ang galing." Napahanga si Dionne.

"Jackpot." Kumento ni Ursula.

"Makinig kayo," sabi ni Nao. "Kung sakaling makakita tayo ng tao, malalaman ko kung nakita nila tayo o hindi. Paheram ako ng telescope."

Ibinigay ni Andrei ang isang telescope kay Nao.

Ginamit ito ni Nao at ang isang telescope naman ay ibinigay ni Andrei kay Dionne. "Sa ngayon wala akong nakikita na tao. Pero malayo pa tayo."

"Sa tingin ko kalahating oras pa para makita natin ng malinaw ang isla." Sabi ni Jethro.

Dead Or Alive [Volume 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon