Chapter 4

1.9K 102 26
                                    

"Woah!"

Sabay-sabay na sigaw ng mga nanonood ngayon sa amin dahil ito na ang pangatlong beses na lumipad ang paddle dahil sa sipa ko.


"Isa pa?" mayabang na hamon ko kay Ronan habang inaayos nito ang isang paddle na hawak.


Ngumiti lang ito bago umiling. Natigilan naman ang lahat pagkakita sa kanyang reaksyon.


"Did Ronan just smile at her???" hindi makapaniwalang tanong nung babaeng katabi ni Violet.


"OMG! Si Ronan na palaging seryoso, napangiti ng baguhan na 'yan?" wika naman nung isang babae sa tabi nila. Mahaba ang buhok nito at may pagkamorena ang kutis. Ang alam ko ay hindi siya kasama nina Violet kanina sa locker room since ngayon ko lang siya Nakita.


"There must be something special to that newbie..." saad naman nung isa pang babae na tsinita na katabi nung morena. Sabay humagikhik yung dalawa kaya sinulyapan sila ni Violet at inirapan ang mga ito.


"Shut up!" galit nitong saad sa dalawa bago umalis.


"Sinigawan tayo??" hindi makapaniwalang sabi nung tsinita.


"Tsk! Hayaan mo na, sponsor natin family niya. Baka mawala ka pa sa line up kapag pinatulan mo."


Nagkunwari naman akong hindi narinig ang pinag-usapan nila at saka lumapit sa kinaroroonan ni Tiffany dahil nandun ang tubig ko.


"Grabe ang galling mo Alessia! Hindi na talagang nakakapagtataka kung bakit ka kinuha dito."


"Sus, bilib na bilib ka naman agad, hindi mo pa nga ako nakikitang nakikipagsparring." sabi ko sa kanya.


Umupo ako at agad naming tumabi ito sa akin nang biglang lumapit yung dalawang babae kanina.


"Hi! I'm Abbie." Nakangiting pakilala sa akin nung babaeng morena kanina. "...at siya naman si Nika." Turo nito sa katabing tsinita.


"Hi, Ako naman po si Alessia. Nice to meet you."


"Last year na namin dito sa team, batchmate namin si Ronan. If may gusto kang itanong regarding sa team huwag kang mahihiyang magtanong sa amin, okay?" ani Abbie.


Tumango naman ako bilang tugon.


"Curios lang ako, saang school ka galing? Bakit hindi ka namin kilala?" tanong ni Abbie sa akin.


Medyo napakunot ang noo ko sa tinanong nito.


"I'm sorry, ang ibig sabihin ni Abbie kasi ay kung bakit hindi matunog ang pangalan mo sa mga incoming rookies. Kadalasan kasi sa mga national competitions kumukuha ng players ang team naming pero ngayon lang ata sila kumuha ng hindi kasama sa kahit anong competitions. Wala ka kasing records like championships or any placements kaya nakakapagtaka kung paano ka nakilala ni manager."

Alluring Fighter (Sporty Princess #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon