CHAPTER 5 - THE INDICATIONS

8 1 0
                                    


DYLAN

IT'S BEEN 5 years since the last time I encountered a public scandal with an unknown woman. Thankful lang ako dahil magaling mag damage control ang Media Department ng company. Nawala rin ang issue at nabaon sa limot kasabay nito ay ang pagkawala rin ng babae. I actually tried to find the identity of that woman not because of the scandal but the fact that she keeps on calling me 'Jonas'--my twin brother's name. It's been a while na wala akong balita sa kambal ko but I know for a fact that he is just around the corner.

With the investigator that I hired I was able to confirmed that the woman was really Jonas's girlfriend. Pero ng puntahan ko siya sa bahay kung saan daw siya umuupa ayon sa imbestigador ay nakaalis na siya. Nalaman ko rin na nakipaghiwalay ang kambal ko sa kanya. Somehow I felt guilty about it maybe because I know for a fact that I contributed kung bakit nagkahiwalay sila kahit pa sabihing di ko iyon intention. But the mere fact that I was the man who took my twin's brother's girlfriend virginity made me feel of a monster I am today.

Pero walang alam ang aking kambal sa nangyari at ako ang kasama ng girlfriend niya sa litrato. Pinahanap ko ang kambal ko pero isang araw ay si Jonas rin ang bumisita sa aking opisina but he was not alone. Na surpesa ako ng mga sandaling iyon dahil ang kasama ni Jonas ay ang babaeng ibinaon ko na sa limot.

"Sir, nandito na po tayo." si Alex ang aking secretary. Bumalik ako sa malalim na pag-iisip ng magsalita siya.

The car stop at the most prestigious restaurant in the City at dito gaganapin ang lunch meeting ko sa isa sa mga bigatin kong investors. Lumabas ako ng sasakyan pagkatapos akong pagbukasan ng aking driver. I am stunned and impressed with the feedbacks and reviews with this restaurant, bago lang ito at kaka open lang last 2 weeks ago according to Alex, she recommemded the place so not bad at all. Inayos ko ang aking suit at dire-diretso na sa pagpasok sa loob habang nakasunod sa akin si Alex.

Binati kami ng isa sa mga usher ng restaurant. Walang ibang tao maliban sa amin dahil I rented the whole place as I want the lunch meeting to be in private at ayaw kong may ibang mga tao.

"This way po Sir," sabi ng usher at hinatid kami sa isang function hall.

I never thought that the place was very huge inside and it has it's own function hall. Dumiretso ako sa isang 6 seaters na table at umupo. Napatingin ako sa aking relo at sakto namang 11am na ay siya ring pagbukas ulit ng pintuan ng function hall, inuluwa dito si Mr. Leopoldo Marquez ang Vice Chairman ng Zobel Real Estate Corporation. The Vice Chairman is with her secretary and his assistant Mr. Juan de Jesus.

I suddenly faced them and bow as a sign of respect and gratitude dahil sa dumating sila sa napagkasunduang oras.

"It's been my pleasure to finally meet you Vice Chairman Marquez," bati ko and offered him a handshake kasabay din sa pagbaling ko sa assistant nito. " and same to you Mr. de Jesus."

******

THE MEETING went good, we got the deal at habang kumakain at nagkwe-kwentuhan about business and other stuff related to the meeting ay nag excuse muna ako para pumunta ng rest room. Saktong nakabukas ang pinto ng function hall kaya napatingin ako sa labas nito pero may nakaagaw ng aking atensyon kaya instead na dumiretso ako sa rest room na nasa loob ng function hall ay lumabas ako at tumungo sa isang table na naka pwesto sa pinakasulok na area ng restaurant.

Napakunot ang aking noo kasi the place is supposed to be exclusive sa amin pero bakit may bata dito aside from the staff of this restaurant? Tatawag na sana ako ng isa sa mga staff ng restaurant ng mapatigil ako habang kasalukuyan akong nakatingin sa isang batang lalaki na naglalaro sa gadget na hawak niya. From that moment ay may kakaiba akong nararamdaman. I don't know how to explain it most especially when the little boy look at me. Nakipagtitigan ako sa batang iyon at sa mga oras na iyon ay para akong bumalik sa nakaraan.

The boy is exactly like me when I was about his age though I am not sure about the exact age of the lad but sigurado ako that when I was that little like gaya ng batang nasa harapan ko ay kamukha siya namin ng kambal ko. Habang nakatingin siya sa akin ay parang nagbibigay ito ng di maipaliwanag na pakiramdam sa akin. It seems na parang may connection ako sa batang katitigan ko ngayon.

That moment I feel my heart recognized something, di ko lang ma comprehend kung anu. Humakbang ako patungo sa bata upang makita siya ng malapitan at makausap, nakatitig pa rin siya sa akin ng seryoso, di ko mabasa kung natatakot ba siya sa akin o hindi. Walang expression ang kanyang mga mata. But when I was about to do my first step ay narinig kong tinawag ako ng secretary kong si Alex dahilan ng paglingon ko sa direksyon niya.

"Sir, hinahanap po kayo nina Mr. Marquez," aniya.

"Okay, I'll be right back in a miunute magre-rest room muna ako."

"Sige po Sir."

Yumuko si Alex at umalis na pabalik sa function hall sumunod din ako rito at inisip na babalikan ko na lang mamaya ang bata dahil sa hindi ako mapakali sa aking nararamdaman at di ko rin maintindihan ang aking sarili.

Ang weird bakit kaya iyon na lang ang nararamdaman ko...

******

KAYE

KASAMA ko ang kambal para ipasyal sila sa isang Mall dito sa syudad kaso bago iyon ay napadaan muna kami sa restaurant na pagmamay-ari ko. This is the new branch that we just opened last 2 weeks ago. Dumaan kami ng back door sapagkata the restaurant was currently booked by a one of the business tycoon from the other City at sa pagkakaalam ko rin ay ka meeting niya ang Vice Chairman Marquez ng company nina Allaine.

I took the initiative to checked kung okay lang ba lahat at kung na ibibigay ba ang best service sa bigatin naming customers ng araw na ito. Kahit alam kong maganda at very well trained ang aking mga staff ay ayaw ko pa ring ma kompyansa. Since nasa loob naman ng function hall ang mga panauhin ay iniwan ko si Nicolai at Nicolo na nakaupo sa isang sulok ng restaurant, medyo tago na ang parti ng table na ito na medyo malapit sa restroom.

"Mga anak dito lang muna kayo ah, kakausapin ko lang si Manager Cathy, okay?" bilin ko sa kambal.

"Yes po Mama." sagot naman nilang dalawa sa akin.

"Behave lang kayo at wag malikot kasi may mga special guests tayo ngayon." I added habang tatango-tango silang dalawa sa akin. " Babalik ako kaagad after talking with Manager Cathy, alright?"

I smiled at them at nag thumbs up pa sa kanila and the twins nodded their heads. Then I went to talk with Cathy which is the Manager of the restaurant to check if everything went well with our VIP guests.

"O, siya Cathy just call me kung may problem but so far all of you are doing a good job sa nakikita ko, keep it up!"

"Thank you Miss Zobel, noted po." sabi ni Cathy sa akin at yumuko.

After that bumalik ako sa table kung saan nakaupo sina Nicolo at Nicolai habang naglalaro silang dalawa ng kanilang nintendo switch. When I'm about to approach them ay nag stop si Nicolo sa ginagawa niya at umingos sa akin na pupunta ng rest room.

"Mama, I want to go sa rest room po," ingos ni Nicolo sa akin kaya sinamahan ko siya papuntang banyo at iniwan muna si Nicolai.

"Nicolai behave ka rito ha, samahan ko lang itong si Nicolo sa rest room, we'll be back right away." bilin ko kay Nicolai.

"Yes po Mama." sagot nito sa akin at nag smile.

Ilang minuto lang ang lumipas ng bumalik kami ni Nicolo sa kung saan nakaupo si Nicolai para na rin makaalis kami at makadiritso sa Mall. Doon na rin kami kakain for lunch. Habang papalapit ako kami ay nakita ko agad ang isang lalaking naka suit na nakatayo mismo sa di kalayuan sa kung saan naka upo si Nicolai. Kahit naka side view siya ay di maalis sa akin ang ideyang familiar ang kanyang mukha.

Seryoso siyang nakatitig sa kay Nicolai, sa di mapaliwanag na dahilan ay gumapang ang kaba sa aking dibdib.

Diyos ko huwag naman sana ang iniisip ko...

Accidentally Slept With A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon