One Shot Story~
Where’s My LOCKET?!
2nd story, Hope u will like this… J
***
Seira’s POV
“Bestie!” tawag saken ng mabait at loyal kong bestfriend na si Leila.
“Bakit?!” tanong ko agad sa kanya dahil siguradong may news na naman na ibabalita yan.
“Ganito kasi yon Ms. Seira Crisostomo, meron po tayong quiz bee sa Science susunod na araw at ikaw yung representative ng seksyon naten. Gets?”
“Eh bakit ako?! Marami naman dyan ah.” Pagtatanggi ko . Ayoko ko na kasi talagang sumali sa mga ganyan…
“Narinig kasi namin na ang ilalaban daw ng seksyon 1 ay si Luke Hernandez na iyong pinapangarap na makasama habang buhay! Tsaka ikaw lang naman yung naligaw na matalino sa seksyon natin ey!” paguudyok pa din sa akin ni Lisa.
“So anu naman kung si Luke yabang yung ilalaban nila?! Wala na akong pakialam.” Pagsusungit ko para tigilan na din ako ng isang toh.
“Sige na please! Alam ko namang hindi mo ako matitiis ey” sabay pagpapacute…
“Oo na! Inaabuso mo na yung kahinaan ko ah!” pagbibirong sabi ko sa kanya.
Kung hindi ko lang kasi bestfriend tong si Lisa, luluha muna ng dugo(exaggerated lng?!) ang gusto akong pasalihin sa quiz bee na yan..
***
LIBRARY
So, dito po ako ngayon sa library naming nagrereview na para sa quiz bee na yun. Tsaka eto na rin yung tambayan ko kasi tahimik tsaka malamig. Eto lang kasi yung yung pwedeng tambayan na may aircon. Poor kasi yung school namin ey…
Habang nagbabasa ako ng Chemistry book ay hawak hawak ko yung heart shape locket ko. Yun kasi yung laging nagbibigay ng swerte sa akin kaya matagumpay kong nagagawa ang mga bagay na kelangan gawin.
Rrrrriiiinngggg~~~~
“Bell na pala! Kelangan ko ng pumunta ng room! Ayoko ng malate ulet!!!” sabi ko sa sarili ko dahil ayaw na ayaw kong nalelate ako dahil bawas sa character traits… XD
So, eto ako ngayon, palabas ng library ng may nakabunggo sa akin.
“Aray!” yun nalang ang lumabas sa bibig ko dahil napaatras ako at nalaglag yung mga gamit ko na hawak.
“Sorry miss. Nagmamadali din kasi ako ey.” Tinulungan nya akong kunin yung mga libro ko.
“Thanks!” yun nalang yung nasabi ko tapos tumakbo na palayo dahil nagmamadali na talaga ako.
***
Luke POV
“Sayang naman, hindi ko man lang natanong yung pangalan nya. Tsk tsk…” panghihinayang na nasambit ko sa sarili ko…
Then, may nakita akong bagay na heart shape na nasa sulok.
Kinuha ko na agad yun tapos tumakbo na ako sa room ko dahil papagalitan na naman ako ng teacher namin na masungit.
***
CLASSROOM
“Wow pre! Ano yan? Locket?! Kanina mo pa hawak yan hanggang matapos ang klase ah” pagsita sa akin ng katabi ko na si Jed.
BINABASA MO ANG
Where's my LOCKET?!
Teen FictionMakita pa kaya ni Seira ang napakahalagang gamit sa buhay niya?!