LYLTTF

25 1 0
                                    


Napakahalaga ng buhay... sabi nga nila "Live your life to the fullest" kasi isang beses ka lang mabubuhay sa mundo. Dito sa mundong ibabaw ang daming nabubuhay, marami rin namang namamatay. Maraming nilalang ang nais pa sanang mabuhay ngunit pinagkaitan na ng pagkakataon. Kaya ikaw wag mong sayangin yang buhay mo.

Minsan naiisip ko bakit pa kaya kailangang mabuhay tapos mamamatay rin naman? Bakit pa kailangan nilang lumisan ng wala man lang paalam at di na bumalik magpakailanman? Bakit may iba na sinisira ang buhay nila at hinihiling na mamatay na sila... samantala may mga taong handang gawin ang lahat para magtagal pa, pero di na maari?

Hindi habang umiikot ang mundo at abutin ng ilang daang taon mananatili ka kasama nito. Darating yung oras na kailangan mo nang lumisan at maging isang alaala na lang sa mga taong mahal mo.

Siguro nga darating yung oras na mawawala sayo yung taong pinapahalagahan mo ng sobra... pero hindi mo naman kailangang isumpa ang mundo. Aabutin ng ilang araw, buwan o taon para matanggap mong wala na talaga sya, at di rin naman kailangang kalimutan ang lahat sa kanya para mawala yung sakit na nadarama mo. Tanggapin mong wala na sya at magpatuloy ka sa buhay mo.

Sa bawat araw na ginawa ng Diyos, may mga buhay Siyang idinadagdag at may mga buhay rin Siyang binabawi. Siya lang ang may karapatang bumawi nito. Gamitin mo ang buhay mo sa tama dahil darating ang panahon na haharap ka kay San Pedro at tatanungin ka nya kung ano ang ginawa mo sa buhay na pinahiram sayo ng Panginoon.

-mtrr
ⓓⓐⓣⓔ year 2010

"It's been a long Day without you my friend
And I tell you all about it when I see you again
We come a long way from where we began
I'll tell you all about it when I see you again"

BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon