22

34 1 0
                                        

MESSENGER

Ate Reins

Monday 11:39 AM

Risse
Hi, Ate Reins! happy lunch po

gmeet na lang po ba meeting mamaya?

Ate Reins
uy hello

di ko alam na may meeting 😭😭

Risse
nakita ko lang po sa calendar😅

Ate Reins
ay gaga HAHAHAHA

sorry di ako nag-check calendar

wait message ko lang si valle

Risse
okayyy po

ang tahimik po kasi ng gc kaya nag-pm na lang ako t___t

Ate Reins
oo nga antahimik pa-prelims na kasi

wala rin naman masyadong tasks ngayon sa atin

except sa mga hinihingi ng council pero kaya na raw ni valle sabi naman niya

Risse
ang sipag niya po 😭

hindi ba siya napapagod huhu

Ate Reins
uy concerned

char 🤣🤣🤣

ganon talaga yon kaya walang jowa eh

pero chismis ng tropa ko, may nililigawan daw sa STELA 👀

UY PERO DI MO SA AKIN NARINIG YUN HA sorry chismosa 🤣

Risse
ooohh ganon po ba

Ate Reins
oo lagi raw kasi siyang nasa perfecto HAGAHAHAHA

yun naman ang chismis

AY nawala na tayo sa usapan HAHAHAHA saglit nag-reply na si valle

yes sa gmeet na lang daw and last meeting for prelims para focus na lang sa review after nito
Risse reacted ❤️

Risse
okaay po

ako na lang po magsabi sa gc 😊
Ate Reins reacted 🙏

-----

TWITTER

Risse 🔒 @cereknows
hahahuhuhuu ate reins baka chismis lang yan????

Risse 🔒 @cereknows
wag po tayong nagpapalaganap ng fake news everyone 😔😔

• ❤︎ •
#isaaswp

I Suck At Avoiding SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon