CHAPTER TWO

85 1 0
                                    

 


"CONGRATULATIONS, Mrs. Wong!" Tuwang-tuwa akong nakipagbeso kay Leslie.

Araw ng kasal ni Leslie, at kasalukuyang ginaganap ang reception ng kasal niya at ng ngayon ay asawa na niyang si Thomas Wong sa Four Seasons Hotel sa Hong Kong. Nirentahan ang Four Seasons Grand Ballroom na may capacity na magpuno nang halos walong daang katao, tamang-tama lang para sa three hundred guest lists nina Leslie at Thomas.

Mayroong wall-to-wall windows ang Four Seasons Grand Ballroom na tanaw ang panoramic view ng Victoria Harbour at Kowloon. Napakaganda at elegante ng ornate décor. Pillarless at may chandeliers at wall scones.

It was a beautiful wedding. Masaya ako para kay Leslie. Sa wakas ay nakahanap na rin siya ng lalaking makakasama hanggang sa pagtanda. Isang lalaking tumanggap sa kanya sa kabila ng lahat ng nakaraan niya. Halos limang taon na ring magkasintahan sina Leslie at Thomas kaya pinlano na nila ang kanilang kasal. Close na rin naman ako kay Thomas dahil ilang beses na siyang dinala ni Leslie sa Pilipinas para ipakilala sa akin.

"I'm so happy for you. Sabihin mo kay Thomas na huwag ka niyang paiiyakin kundi, lagot siya sa akin."

            Malakas na tumawa si Leslie. "Naku! Alam na niya 'yon! Matagal mo na siyang pinagbantaan, una mo pa lang siyang nakilala."

            "Dapat lang, 'no!" Maluwang ko siyang nginitian. "I wish you all the best in your marriage."

            Nginitian ako ni Leslie, saka mahigpit na yumakap sa akin. "Masayang-masaya ako ngayong araw na 'to. Gusto ko rin sanang maranasan mo ang kaligayahang nararamdaman ko."

            Gumanti ako ng yakap. "Ano ka ba? Kasal mo ito, huwag nang ako ang isipin mo."

            Naramdaman ko ang pag-iling ni Leslie. "Sorry, huwag mo na akong intindihin. Medyo emosyonal lang ako." Binitiwan niya ako at saka tinitigan. "Pero gusto ko lang na siguraduhing okay ka lang na maiwang mag-isa dito sa Hong Kong."

            Tumango-tango ako. "Don't worry. Okay lang ako. Alangan namang sumama ako sa Carribean cruise ninyong mag-asawa?!"

            Tumawa siya at muling napailing. "Sabi ko nga, eh. Pero kapag nagkaproblema, tumawag ka lang, ha? Alam mo pareho ang number namin ni Thomas."

            Itinaas ko ang kamay bilang panunumpa. "Promise, anumang problema, mang-iistorbo ako sa honeymoon ninyo."

            Mukhang nakahinga nang maluwag si Leslie. Tumango siya. "Sige, aasahan ko iyan."

"THANK you for the time. We appreciate it very much! And we are very excited to be working with you." Punong-puno ng sigla na nakipagkamay ako sa executives ng TV 3. Kakatapos lang ng business meeting namin ni G sa kanila. Masayang-masaya ako sa itinakbo ng transaction.

Nakangiti kong tiningnan si G na nakikipagkamay din sa big bosses ng TV 3. The deal was closed. Ka-partner na rin namin ang TV 3 at excited na sila sa programs na ie-export ng TV Channel 8.

            "It's nice to be doing business with you, Mr. Madrigal, Mrs. Collins." Nakipagkamay sa amin ni G ang may-ari ng TV 3 na si Mr. Joseph Cheung. "But I have to go. Today is my nephew's wedding and I still need to attend to it."

            Mabilis akong tumango at yumuko. "There's no problem, Mr. Cheung. Please extend our best wishes to your nephew."

            "Thank you, thank you. Good-bye!" Yumuko din si Mr. Cheung bago tuluyang umalis kasunod ng entourage niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RANDY's Sweetheart 3: From Hong Kong With Love (At Last!) (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon