42 3 1
                                    

Kei's POV

"Sa isang sulyap mo...ay nabihag ako!!!!~♪" napatingin lang ako ng masama sa katabi ko.

"Gago ka, JM!" galit kong sambit at nagpatuloy na sa ginagawa kong pagnanakaw...

...pagnanakaw ng sulyap sa babaeng bumihag ng aking puso...si Lorraine na kasalukuyang nakaupo sa mismong harapan ko...

Ang ganda talaga n'ya, kahit likod lang ang nakikita ko...

Hayyy buhay!!!

"Yak! Tulo laway ka pre! Yak! Yak!!!"" bigla naman akong napabalikwas at napasapo sa bandang bibig ko ng matauhan ako at...

*boogsh* "Gago!!! Wala naman ah!"

Napahawak nalang ito sa kanyang pisngi, "Hahaha. Ang bading mo! Bakit kasi hindi mo lapitan? Kaysa sa laging sulyap...sulyap... gusto mo nga siya, alam ba n'ya? 'Wag mong sarilihin 'yang nararamdaman mo! 'Wag kang madamot!"

 ""Wag kang madamot..'Wag kang madamot. Leche! 'WAG KANG MAKELAM!"

"Mr. Legaspi, is there any problem?" napatingin naman ako sa harapan namin...at doon ko lang napagtanto na nakatingin na ang lahat ng mga kaklasi namin sa amin ni JM. Maliban nakang si... Lorraine. Kailan mo ba ako papansinin aking sinta?

Medyo dismayado pa rin ako. 2 buwan na simula ng magumpisa ang klase at kakatransfer lang dito ni Lorraine 1 month ago... Wala naman akong nakikitang nakakaclose n'ya sa mga kaklasi namin...siguro dahil baguhan nga siya.

I want to be close to her, pero nahihiya ako eh...parang wala kasi sa bokabolaryo n'ya ang salitang 'FRIENDS'.

"N-Nothing Ms. Consolacion, I'm sorry." sabi ko nalang sa teacher namin.

"Sorry po, ma'am." tipid na sagot ni JM.

...

"Okay, I just hope this won't happen again."

"Tss. Gays." t-teka! 

Nagsalita ba si Lorraine?!!!

Hindi malakas...pero hindi rin mahina...

Saktong rinig ko lang...

Di nga?!!! D:

Pero...

ANO DAW?!!!

Gays?

BAKLA?!!!

BEKI??!!!

KAMI?!!!

AKO?!!!

"Hey Miss, did you just said----"

*KRING!!!KRING!!!KRING!!!KRING!!!*

Epal na bell. "That's all for today class." pagaannounce ni Ms.Consolacion kaya isa-isa ng nagsialisan ang mga kaklasi namin.

Tumayo na si Lorraine, kinuha n'ya ang kanyang bag at isinakbit ito sa kanyang balikat at tuluyan ng lumabas...

AKO?

Wala...Naka... "NGA-NGA... Imba 'yon ah, tayo bakla? Tsh! badtrip naman oh, dapat talaga hindi na ako lumalapit sa'yo Kei eh, napaghahalataan tayo! Mapuntahan na nga lang si milabs." sabi ni JM na may tono ng pagkadismayado sa kanyang boses.

"Gago! As if gusto kong mapagkamalang bakla kasama mo! Turn off kaya 'yon, at si Lorraine pa talaga ang naghinala! Ang malas mo... umalis ka na nga dito! Chupe!!" sabay tulak ko dito palabas.

"Oo na...Oo na... 'yung bag ko."

"Eto gago!!!" sabay hagis ko sa kanya ng bag n'ya na sapul naman sa kanyang mukha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon