Neribel Aldama Note

119 2 1
                                    

Neribel Aldama Note

Magandang buhay pero mas maganda ako dyan mga bhe. Charot-charot lang! Maganda ka rin dahil nandito ka at binabasa 'to. After 42 years ay ngayon nalang ulit ako gumawa ng author's note.

Bakit nga ba? Para saan ang note na ito?

Una, kasi masaya ang mga nota. Lalo na kapag kinakain! Hahaha! Charot-charot!

Una, seryoso na, kung mapapansin ninyo after 8 years ay nagpalit ulit ako ng pen name. Mula kay Spontaneous Lady na sumulat ng The Hottest Bed in Town, Collision of Virgins at Two for the Price of One. Papunta kay Neri Joy Jayson ng Precious Hearts Romances na nagsulat ng Look at Our Pair of Hearts, Ugly Truth about Love at Game of Pleasure: Paolo Maria Punzalan.

Nais kong ipakilala sa inyo ang aking bagong pen name. Ako na po ngayon si Neribel Aldama. Ang author na mapagmaganda. Wala namang ambag. Ganda lang! Gayunpaman, ako pa rin si Neri Joy Jayson sa Precious Hearts Romances at si Neri naman sa Dreame.

Sa social media accounts ko naman po ay gagamitin ko na rin ang Neribel Aldama sa instagram, twitter at tiktok. Sana po ay magawa ninyo akong i-follow dyan. Syempre rito rin po sa Wattpad ah. Para maging updated kayo sa mga paandar ko sa buhay ay dyan ang ganap sa social media. Dyan ko rin ishe-share ang real life characters ng mga kwento natin. Alam niyo naman, ang iba sa mga hero at heroine natin ay ipinangalan ko sa mga totoong tao. At masasarap ang mga hero. Charot-charot lang! Pati ang mga important notes at trivia sa ating mga kwento ay sa social media ko rin ipo-post. May mga pa-giveaway na rin tayo! Yiiiiz! Abangan ang mga announcement tungkol dyan!

Ang importanteng dahilan ng author's note na ito ay upang ipaalam sa inyo mga bhe na ito na ang bagong simula. Ito na ang pagbangon! Ito na ang pagsigaw para sa katarungan! Charot-charot lang!

Bagong simula na talaga ito! This new pen name is the start of prettier me. Ay simula pala ng kagandahan ko eh no? Charot-charot lang! Simula na ito ng mas magaganda at dekalidad na mga kwento. Commitment ko po sa inyo na mapasaya, mapakilig, mapainis, matakot, mapaiyak, makaramdam ng mga sensual feelings at lahat na. Isasama ko kayo at ng mga bagong character sa aking mga bagong kwento sa isang mundo na inyong magugustuhan at mamahalin sa tuwing kayo ay magbabasa.

Sana po ay bigyan niyo ng chance ang mga bago kong kwento. Ito na po ang simula. Mabuhay ang magaganda!

'Yung mga luma ko po palang kwento ay nabili na at naka-upload na sa ibang writing sites. Kaya wag po kayong magugulat kung bitin dito. Nasasayangan lang po ako kasi million at hundred thousand reads na kaya hindi ko matanggal dito sa wattpad. Baka isa-isa at dahan-dahan silang mawala rito. Bigyan niyo ako ng lakas ng loob. PERO wag po kayong mag-alala dahil simula po rito at sa mga susunod kong kwento na ia-upload ay dito lang po sa wattpad. Gusto niyo yorn? Magbunyi ang magaganda!

Tinatapos ko nalang po ang huling on-going story ko as Neri Joy Jayson, ang The Mistress and The Devil. At sisimulan ko na nga ang pinakabagong kwento at series ko bilang Neribel Aldama.

Ito ang ...

Unli Hubadero Series 1:
The Fall of Donny Eleazar

By Neribel Aldama

Unli Hubadero 1: The Fall of Donny EleazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon