Don't Go

67 4 0
                                    

Sehun's Pov

(Nung nasa labas sina baek at luhan)

"Hoy Sehun!" Sigaw ni Kris Hyung
"Bakit?"
"Bakit ba galit na galit ka kay Luhan?" Tanong sa akin ni Kris hyung
"Tsk. Iniwan niya ako eh." Sabi ko habang lumilipat kami sa sala kasi kakausapin daw nila akong lahat
"Pero hindi naman niya gusto yun eh. Tska Sehun di lang naman siya ang umalis ah? Ako din" sabi ni Kris Hyung
"Pero Kris hyu-----" pinutol ako ni Chanyeol hyung
"Alam mo bang mahal na mahal ka ni Luhan? Nga pala may ipaparinig sa'yo si Kris Hyung"

Nilabas ni Kris Hyung ang cellphone niya at may pinindot na kung ano-ano. Biglang may record na nagplay

"Lu anong gagawin mo kapag ayaw na sa'yo ni Sehun?"
"Kris susuyuin ko siya hanggang mapatawad niya ako kasi mahal ko siya"
"Pero Lu paano ang pamilya mo?"
"Kris ang tagal kong nakasama ang pamilya ko feeling ko sapat na yun"
"Paano ang Career mo dito sa China?"
"Kris ano ka ba? May career man o wala okay lang"
"Paano kung papipiliin ka, ang career mo o si Sehun?"
"Siyempre Kris si Sehun. Mahal na mahal ko siya at mas mahalaga siya sa akin"

Nagulat ako sa narinig ko. Mahal ako ni Lu Hyung. Mas mahalaga ako kaysa sa career niya. Tapos ganito lang ang ginawa ko sa kanya?

"Ano Sehun? Mahal na mahal ka niya na kaya pa niyang isakripisyo ang career niya para sa'yo tapos ganyan ang ipapakita mo? Grow up Sehun!" Sigaw sa akin ni Kris Hyung

"Alam mo kasi Sehun wag puro galit ang isipin mo. Alam naming mahal mo pa siya kaya ngayon pa lang kausapin mo na siya bago pa mahuli ang lahat" sabi ni Chanyeol hyung

"Mga hyung salamat. Kakausapin ko siya mamaya. Hindi ko alam gagawin ko kung wala kayo. Salamat talaga mga hyung" pagpapasalamat ko sa kanila.

Bigla namang pumasok sila Baek at Lu Hyung. Natahimik kami. Gusto kong yakapin si Lu hyung. Pero mamaya na yan.

Umakyat si Lu hyung sa kwarto namin. Siguro matutulog lang yun. Hays.

"Guys di natin namalayan ang oras gabi na pala? Hala? Matulog na tayo. Yung mga gutom diyan bukas na kayo kumain manlilibre si Maknae" sigaw ni Chanyeol hyung

"Wala akong sinabi!" Sigaw ko

"Hoy aba Sehun baka gus----"
Pinutol ko na siya

"Oo na!" Sabay akyat ko sa kwarto namin

Nakita ko si Lu Hyung na natutulog na at t-teka umiyak ba siya? Halata kasi may tuyong luha sa pisngi niya eh. Nako. Wag ka mag-alala Lu Hyung bukas okay na tayo.

Kinabukasan

Nagising ako ng maaga. Pagtingin ko sa tabing kama wala na si Lu Hyung. Baka nagaalmusal na sa baba. Makababa na nga din.

Pagkababa ko ang tahimik. Lahat sila nasa mesa pero di sila kumakain.

"Mga Hyungs bakit ang tahimik niyo" tanong ko sa kanila

P-pero may napansin ako. Wala si Lu Hyung. Napakunot ang noo ko. Nasaan siya?

"Sehun wala na siya. Bumalik daw siya ng China sabi ni manager hyung." Nagulat ako sa sinabi ni Kris Hyung

No. Hindi pwede.

"Ano oras ang flight niya?" Tanong ko

"7:00 daw"

Pagtingin ko sa oraa 6:00 pa lang.
Kailangan ko siyang habulin. Kailangan niyang malaman na mahal na mahal ko siya. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumunta na ako sa parking at kinuha ang kotse ko.

Kailangan ko siyang maabutan. Lu hyung antayin mo ko. Aish bakit traffic kung kailan malapit na eh! Ano oras na ba? 6:38. F*ck ano baaaaaa?!

Andito na ako sa airport at 6:40 na. Pumasok na ako pero hinarangan ako ng guards.

"Ano ba may hinahabol ako eh!" Wala na akong pake sa kanila kailangan ko siyang maabutan. Tinulak ko yung mga guards at pumasok.

"LUHAN HYUNG NASAAN KA? LUHAN HYUNG MAGPAKITA KA NAMAN OH!" Sumigaw ako habang hinahanap ko siya

Nilingon ko ang paligid tapos may nakita akong familiar. Hindi ako nagkakamali siya yun! Hinabol ko siya. Pagkalapit ko hinablot ko ang kamay niya. Napalingon siya at halatang nagulat.

"S-sehun a-ano g-ginagawa m-mo d-dito?" Nauutal niyang sabi
"Luhannie bakit ka aalis?" Tanong ko
"Hindi ba yun ang gusto mo?" What? Kail-- ah oo nga pala.
"Luhannie hindi yun totoo please don't go. Luhannie I love you. I'm sorry kung nagalit ako sa'yo. Pero mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka ulit. Wag kang umalis. Mamamatay ako kapag nawala ka ulit. Luhannie bigyan mo ako ng chance. Luhannie please. I love you so much. Luhannie" sabi ko with pleading voice

"Totoo ba yan?" Tanong niya at mukhang naiiyak na

"Oo Luhannie it's real. I love you."
Sabi ko at nilagay ang dalawang kamay ko sa waist niya at nilapit siya sa akin.

"I-I l-love y-you t-too" sabi niya at nag-blush siya. How cute. Napatawa na lang ako eh.

"Bakit ka natawa?" Sabi niya at mukhang galit pero cute pa din

"Ang cute mo eh" lalo siyang namula.

Tinaas ko ang mukha niya at unti-unting nilapit ako mukha ko at hinalikan ko siya. Nag-kiss back naman siya at nilagay ang mga kamay niya sa likod ng batok ko para laliman ang halik.

Nagulat kami ng may pumalakpak sa gulid namin. Napalingon kami at nakita ang ibang members.

"Wow liveshow! Isa pa!" Sigaw ni Kai at kinurot naman siya ni D.O hyung

"Hoy KaiSoo! Kasi naman bakit di pa kayo mag-aminan?" Nagblush naman si D.O hyung

"Ano ka ba baek hyung kami na ni D.O kahapon lang" nagulat kami

"What? Mga walang hiya kayo! Bakit niyo tinago sa amin?" Sigaw ni baek hyung

"Eh kahapon nga lang eh." Sabi ni Kai at inakbayan si D.O hyung

"Oh siya tara na. HunHan mamaya na kayo magmoment ah. Manlilibre si Maknae" ha? Ako? What the!

"Oh um-oo ka na kahapon" sabi ni Chanyeol Hyung

"Tsk. Oo na" sabi ko at nilagay ang kamay ko sa waist ni Luhannie. Nagblush naman siya. Cute talaga.

"Tara na Luhannie. I love you"
Pinalo naman niya ako

"Ano ba? I love you too" tignan mo to namalo pa. Di bale kinilig lang naman siya

"Hoy HunHan sabing mamaya na yan eh!" Sigaw ni Baek Hyung

At diyan nagtatapos ang kwentong ito. Pero ang lovestory namin ni Luhannie hindi pa *wink*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Return [HunHan TwoShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon