Prologue
8:00 a.m
"Aaaaahhhhhhhhhhh" isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa ika-limang palapag ng Whistleton Academy.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin ang mga guro at ilang staff ng Academy kasama na ang mga board of directors nito. Halos puro takot at pag-aalala ang makikita sa mga mukha nila sa kung anu man ang nasa harapan nila ngayon.
"What happened here?" Sigaw ni teacher Jian habang inaalalayan ang katawan ng isang estudyante na maibaba mula sa pagkakabitin nito.
"S-Sir, h-hindi po namin alam. Pag dating po namin ay ganyan na sya." Sagot ni Eda, isa sa mga estudyanteng nakakita sa wala ng buhay na estudyante.
"Oh my God Abegaille, who did this to you?" Magkahalong lungkot at takot ang mababakas sa tono ng pananalita ni teacher Jian habang ibinababa ang malamig na katawan ni Abegaille.
"Everyone move out and call for an ambulance, now!" Sigaw ng isa sa mga heads na nandoon kaya mabilis na nagtakbuhan palabas ng room ang lahat ng estudyanteng naroon.
Nagkakagulo na ang mga heads habang nanatiling nasa mga braso ni teacher Jian ang wala ng buhay na si Abegaille, tumutulo ang mga luha kasabay ang pagkuyom ng kamao. 'Everyone will pay whoever did this to you my little princess.' bulong niya saka tumayo at kinarga si Abegaille palabas ng room.
Ang mga estudyante naman na naroon at inutusan na bumalik na da kani-kanilang kwarto at antayin ang kanilang guro.
Mga ilang sandali pa ay dumating na rin ang ambulansya at SOCO, dahan-dahang inilabas ang wala ng buhay na si Abegaille mula sa bodega kung saan itinatago ang mga gamit sa sports na hindi na ginagamit at ilang panlinis.
Nagsitayuan ang balahibo ko ng dumampi sa balat ko ang malamig na hangin na animoy may yumakap sa akin na galing sa loob ng freezer.
Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang pag-alis ng ambulansya kung saan isinakay si Abegaille.
'Don't worry my precious, everything will be alright.' bulong ko sa hangin saka tinahak ang daan papunta sa classroom namin.
YOU ARE READING
Everyone's HIDDEN SECRET
Mystery / ThrillerAll of us has a hidden secret that might put you on shame, a secret that you never wish to be exposed at everyone.