Pag pasok ko sa office ni daddy ay sigaw agad niya ang sumalubong sakin.
"Chloe Guidotti! kailan ka paba magtitino sa pag-aaral mo! You're failing your two major subjects. Binibigay lahat namin ng mommy mo kung ano ang mga gusto mo tapos ito lang yung igaganti mo sa amin? Ni sisiw na subject hindi mopa magawang ipasa. You're such a disappointment," sigaw sakin ni daddy na nanlilisik ang mga mata sa galit habang nakatitig saakin.
Tinignan ko lang si mommy na nakatayo sa likod ni daddy na para ding hindi natuwa sa resulta ng mga grades ko.
My mom is my greatest savior. Pag nagagalit sakin si dad pinakakalma niya ito at minsan panga ay pinag tatanggol niya pa ako.
Parang Mother of Divine Mercy lang ang peg ni mommy.
"Baby, pinatawag kami ng teacher mo kanina ng daddy mo kasi hindi mo daw naipasa yung 2 major subjects tsaka lagi ka dawng nag skip class. Hindi ka din daw nag su-submit ng mga projects and the worst is lagi ka nalang bagsak sa test ," mahinhin na tugon sakin ni mommy.
Yes, lagi akong bagsak sa mga test kasi hindi ako nag-aaral at wala din akong time na makinig sa disscusion ng prof namin kasi natutulog lang ako sa school. Hehe. Eh pano ba naman every night akong pumupunta sa mga clubs para mag party kasama yung mga friends ko.
Hindi naman ako bobo na tulad ng iniisip niyo. Hello?! Hindi ko lang talaga sineseryoso yung pag-aaral ko. Consistent honor kaya ako since elementary hanggang grade 9. Pero nung nag grade 10 ako doon na ako nag simulang mag bulakbol.
Hindi din ako pumapasa ng mga projects kasi yung mga free time ko sa gabi ay imbes na ituon ko ang aking atensiyon sa mga gagawing projects ko ay ginawa ko yung daily routine na part sa schedule ko, which is 7:30 pm to 3:00 am is my night bonding with my friends at any bar we want to party.
Kaya lagi akong late.
Mahinhin talaga si mommy kasi never niya pa akong nasigawan kaya I her the most.
Kung gaano kahinhin si mommy ganun naman ka mainitin ang ulo ni daddy. Pag nagagalit ito sa akin ay parang bulkang mayon na nag aalburuto at kung maka titig ito sakin ay parang sinaksak at pinatay ako nito sa isipan niya.
"I decided na starting tomorrow, doon kana titira sa bahay ng lola mo, doon sa probinsiya ng Sarsuelo. Ipapa enroll kita sa public school at doon ka mag aaral ng buong school year. Take note na hindi kita papayagan na dalhin ang mga credit cards mo. You can only bring your gadgets, clothes and cosmetics. I am not allowing you to bring your car nor your scooter. Padadalhan ko ng pera every week yung lola mo para sa gastusin niyo araw-araw," seryosong tugon sakin ni daddy.
"Naisipan namin ng mommy mo na sa ganitong paraan ay makaka concentrate ka sa pag-aaral mo. Wala ding dahilan para lagi kang ma late at mapuyat ka doon kasi hindi mo na magagawa yung mga nakasanayan mo dito na magparty, pupunta sa bar at tsaka mag lasing kasi wala kang makikitang bar na nakatayo doon. Lucky for you, may signal na sa bayan. I also told your lola na kung hindi ka susunod sa kanya, she has my permission to hurt you physically," dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
Test of Fate (Rich Girl Series #1)
Teen FictionChloe Guidotti was once a city girl who loved to party, get drunk, and hang out with her social butterfly friends. She even enjoyed playing with men's hearts, she seduces them with her intimidating charm and then leaves them at the end. She is a spo...